Chapter 27: PURPOSE

1248 Words
Morphie “WALA atang paraan para makalimutan ko sina Kelly, nanay at tatay,” ang saad ko. Nakuha naman nito ang atensyon ni Psycher. Muli siyang napatingin sa akin. Nakaupo kami sa itaas ng sanga ng punong kalbo. Mahangin kasi sa puwestong ito. Maaliwalas ang hatid nito sa balat na nakatutulong upang hipuin ang sugatan naming damdamin.                 “Paano mo naman nasabi ‘yan?” Nakakunot ang noo nitong tanong. Hindi pa siya nakuntento at siniko pa ako.            “Ayan ka na naman.” Sinamaan ko siya ng tingin. Ilang beses na niya itong ginagawa sa akin. Muntik na naman akong mawalan ng balanse at mahulog. Kung matagal na siyang may balak na tapusin ako, sabihin niya lang. Handa naman akong makipagsagupaan sa kaniya. Ems. “Baka tuluyan na akong mahulog.”            ‘Sa 'yo.’            “Huh?” Hindi ko narinig ang sinabi niya dahil may maingay na kuliglig ang biglang nakisali sa usapan namin. Pamilya ata ito ng kuliglig dahil ang lakas-lakas ng huni ng mga ito. Ano kayo banda sa isang pistang pagdiriwang?            “Wala.” Ngumisi siya at sinuntok ako ng mahina sa braso ko. “Hindi ka nakikinig.”            Mabilis ko siyang kinapitan sa magkabila niyang braso. “Ano nga iyong sinabi mo? Sige, ikaw ang ihuhulog ko riyan!”            “Bitiwan mo muna ako bago ako sumagot.” Ginawa ko ang gusto niya at binigay sa kaniya ang kalayaan na nais niya. “Paano mo nasabi na wala nang paraan para makalimutan mo sina nanay?”            “Hindi ba halata ang dahilan, Psycher? Sure ka na riyan?” ang tanong ko. Hindi niya talaga alam? As in?            Tumango siya. “Pero bago mo muna sabihin ang dahilan, kumain muna tayo ng prutas. Isang araw ka na atang walang kinakain e. Kaya minsan, hinahangin na ang isip mo.” Binuklat niya ang dala niyang bag na gawa sa pinatuyong balat ng tusong buwaya. May nilabas siyang dalawang bilog na prutas doon. Natakam ako nang makita ito dahil sa kulay. Kulay pongkan, mukhang manamis-namis at maasim.  Inabot niya sa akin ang isa, at ang isa namang natira ay para sa kaniya.            “My reason is very simple and relatable. Simula nang lumabas ang reyna sa lungga niya. Nagsunod-sunod na rin ang kaguluhang nangyayari sa buong nasasakupan ng Lepidoria. Eh, kahit saan ko ibaling ang mga mata ko ngayon, puro bangkay ang nakikita ko, at matinding hinagpis ang naririnig ng tainga ko,” ang sagot ko sa tanong niya kanina bago tuluyang kumain.            Binalatan ko ang prutas na handog niya. Mayroon itong maliliit na piraso sa loob. Tama nga ako na pinaghalong asim at tamis ang lasa nito. Masustansya na nakabubusog pa. Ganito rin ang lasa ng pinainom sa amin ni Reyna Aphrona.            “Maghihilom din ng unti-unti ang mga sugat mo, Morphie. Nandito naman ako. Nangako ako sa mga magulang natin na poprotektahan kita. Pero dapat protektahan mo rin ako para fair tayo?”            Ayan tayo e. What goes around comes around.            “Alam ko namang nand’yan ka. Katabi nga kita, hindi ba?” pambibiro ko. I am not up to fill this conversation with seryosong pagdadrama. Quota na ako at baka maitampok na ako sa libro ng kasaysayan ng Insectia. Ang magiging titulo ng aking episodio, that gay who took all of pain of this world.              “Hindi na bagay sa iyo ang mag-isip bata, Morphie. Lumalaki na ang braso mo!” Inaasar niya ba ako?            “Ikaw rin kaya no! Akala mo ako lang?” Piningot ko siya sa tainga niya. Hindi ako magpapatalo sa kaniya. Kung asaran ang nais niya, ipagkakaloob ko sa kaniya ito nang hindi niya hinihiling sa akin.            “Aray! Masakit, Morphie!?” Mas lalo ko pang idiniin ang pag-pingot ko sa tainga niya.            “Tignan natin kung sino ang parang bata sa ating dalawa!” Hihintayin kong umiyak siya dahil hindi na niya matiis ang hapdi. Bata lang ang umiiyak sa pingot e. Kapag umiyak siya. Alam na this. He still has a kid soul. Well, every one of us has.            “Ayst! Isa! Please, bibilang ako ng tatlo!” pagmamakaawa niya pero kagaya nga ng sinabi ko na hindi ako titigil hanggang sa hindi siya naglalabas ng mga butil ng luha. “Gagantihan talaga kita!”            Tinatakot niya naman ako ngayon, huh?            “Adi, gantihan mo ako kung kaya mo. Kapag ginawa mo iyon, kukurutin ka ni nanay sa tagiliran at singit mo sa tuwing matutulog ka sa gabi. Pasaway ka kasi. Kumakain ka ng mga buhay na hayop kapag nagiging lobo ka!” ang tumatawa kong pang-aasar.            “Ikaw nga iyon e. Papaluin ka naman sa kamay ni tatay kapag nalaman niyang sinasaktan mo ako.”            “Eh, wala naman dito si tatay. Saka, sabi ni nay Indang, hindi na nila tayo kayang saktan kasi mga kaluluha nalang sila.” Ang dami kong dahilan.            “Sige na, susuko na ako. Ako na ang isip bata dahil kahit ano namang gawin kong pagmamakaawa sa iyo, wala ka naman atang balak na pakinggan ako.”            “Ehem! Ehem!” May dalawang asungot na sumulpot sa tabi namin kaya nabitiwan ko ang tainga ni Psycher. “Nakaabala ba kami?” ang tanong ni Noah. Makahulugan ang tingin na binibigay niya sa akin, parang nagsasabi ito na kumikeri ako. Mas galingan ko pa. “Hindi naman mga pre. Ang kulit kasi nitong kaibigan niyo.” Ako pa talaga ang sinisi ni Psycher. Aminado naman ako roon. Batang-bata ako kanina. Ang kulit-ulit. “Paano niyo nga palang nalaman na nadito kami? Sino ang kasama ni nay Indang at Meera?’ ang sunod-sunod kong tanong  sa mga ito. Kasi naman, naghabilin ako sa kanila na bantayan sina nay Indang at Meera, pero bakit naririto sila ngayon? “Parang mainit ulo nito, pre?” ang tanong ni Mura kay Psycher. “Eh kasi nga, naabala natin sila!” ang sagot ni Noah. “Bakit ba kasi nag-aya ka pa rito?” “Wala lang. Naaawa kasi akong makita ang mga namumugtong mata ng mga namatayan. Kahit gago at naaasar ako kay Pedro pero gagsti lang, nakaawa siya ngayon, no? Mahal na mahal niya siguro ang nanay niya.” Parehas lang kami nang nararamdaman. “Nakikita ko nga sa mga mata ni Pedro ang sitwasyon ko noong namatay sina lolo at lola. Katulad nang kung paano namatay ang nanay ni Pedro, ganoon din namatay ang dalawang taong pinakamamahal ko sa buhay ko.” Ang atensyon namin ay nakuha ni Noah nang magsalita siya.   “Ang matindig pighati. Ang pumipintig na pusong unti-unting pinipiraso. Naranasan ko ang lahat ng ito kaya naman alam ko kung ano ang nararamdaman ni Pedro. Halos masiraan na nga ako ng ulo nang mawala sila Lola. Wala akong nagawa upang ipagtanggol sila dahil wala akong kakayahan ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko ay sobrang hina ko at walang kakayahan. Sa madaling salita, wala akong silbi sa mundo. “Kaya naman nang malaman ko na nangangailangan ang palasyo ng mga bagong miyembro ng hukbong sandatahan, kahit may kaba sa dibdib ko, pinatatag ko ang sarili ko at pinilit na dumalo sa pagsubok. Ngayon nga, opisyal na kasapi na ‘ko, magagawa ko na rin ang paghihiganti sa puno’t dulo ng lahat ng ito.” Mabang linya ni Noah. Hindi naman siya pinilit na ibulgar ito sa amin. Ang pakiramdam niya at ang pagkakataon na ang nagtulak upang ihayag niya ito sa amin na mga kaibigan niya. Ngayon, alam ko na. Ito ang dahilan ni Noah kung bakit siya sumali sa hukbo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD