Chapter 28: UNSTEADY

2015 Words
Morphie             NANG dahil nga sa nangyaring magkakasunod na pag-atake ng mga Mutuah. The queen decided that in every place in Lepidoria, mayroong mandirigma na magbabantay para maiwasan ang madugong pagsalakay. Nararapat lamang na ito ay pinagsamang hukbo ng Nendertalla, Lethalia at Acrusa. Sa ganitong paraan, mas mapapabilis ang mensahe sa kinauukulan patungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng bawat lugar. Hindi kami kabilang sa mga ito dahil hindi pa kami formal na sumasalang sa pagsasanay. Tanging mga beterano na maraming alam sa mga taktika pagdating sa pakikipaglaban ang tanging natasang magbantay.            “Morphie? Mag-usap muna tayong dalawa.” Kasalukuyan kaming nag-uusap nina Noah at Mura ng mga kung ano-anong bagay sa paligid na maaaring maging tema ng pag-uusap nang magsalita si nay Indang. Hindi ko na tinanong pa kung ano ang dahilan niya. Tinapik ko ang dalawang kasama ko at lumapit sa matanda na hinihiling na kausapin ako. Naramdaman ko na mahalaga ang sasabihin niya dahil dumistansya kami sa mga kaibigan ko.                    “Nasaan si Hela?” ang seryoso niyang tanong. Ito ang unang beses na nakita ko siya na ganito kaseryoso.            “Sino pong Hela, nay Indang?” paglilinaw ko. Wala akong alam sa tinutukoy niya. Kung sino ang sinabi niyang pangalan.              “Iyong makulay na ahas. Ang laman ng bangang binigay ko sa iyo,” ang wika pa nito.            Ah. Hela pala ang pangalan ng bahagharing ahas na laman ng banga. Nasaan na nga ba iyon? Saan ba siya nakarating? Ngunit sandali, hindi ko alam kung paano sasabihin kay nay Indang na nawasak sa paglusob ang mga kagamitan na bitbit ko. Hindi ko na rin alam kung saan nakarating ang ahas. Alam ko na may sentementaryong halaga ito sa kaniya dahil binibigay niya ito sa akin. Alam ko, hindi man niya sabihin pero nagtitiwala siya na pagkakaingatan ko ito.            Pero… hindi pa ito nagtatagal sa akin ay nawala na. Ano ba iyan. Pero kailangan kong sabihin ang totoong nangyari. Ayaw ko namang magsinungaling kay nay Indang.            “Hoy, Morphie? Nasaan na?” ang tanong niyang muli.            “Ah--- nay Indang, hindi ko na po alam kung saan siya napunta. Nilusob din po kami ng mga Mutuah sa Iraqui ng biglaan. Wala na po akong nagawa upang isalba ang mga gamit ko kahit isa,” ang pagsasabi ko ng totoong dahilan.            “Hindi siya puwedeng mawala.” Gumuhit sa mukha niya ang kalungkutan. I felt that it’s my fault kahit hindi ko naman ginusto ang nangyari. But she trusted me. So, do I need to question myself?            “Patawad, nay Indang. Hindi ko po sinasadya na mawala ito,” ang wika ko nang may buong sensiridad. Alam kong obligasyon ko na pangalagaan ang regalong binigay niya sa akin pero kasi naman… hindi ko hawak sa mga kamay ko ang sirkumstansiya. Hindi ko kayang pigilan kung ano ang gagawin ng ibang nakapaligid sa akin. Only me, can control my actions.            “Alam ko Morphie… naiintindihan kita.” Rumihistro ang ngiti sa kaniyang labi. “Hindi mo naman ginusto ang nangyari… walang may gusto nito,” ang dagdag pa niya at tinapik ako sa aking braso. Gumaan ang paghinga at pag-iisip ko nang malaman kong hindi galit sa akin si nay Indang. Gusto kong tanungin sa kaniya kung ano ba ang totoong pagkatao ng ahas na iyon. Bakit siya niregalo siya sa akin ni nay Indang bukod sa gusto niya akong pabantayan dito?            “Maaari po ba akong magtanong nay Indang?” Nakita ko ang pagtango niya. “Saan niyo po nakilala si Hela?” Kapansin-pansin kasi na kakaiba si Hela dahil sa buong buhay ko, siya lang ang nakita kong ahas na nagtataglay ng kakaibang kulay. Naniniwala ako, may malaking kuwento sa likod niya.            “Alam mo…” sumunod ako sa paglalakad niya. Gusto ata ni nay Indang ng talking while walking, puwes ay pagbibigyan ko siya. “Matagal ko nang kaibigan si Hela.” Kita ko sa labi ni nay Indang na masaya siyang ibahagi sa akin ang kuwentong ito. “Natatandaan ko pa ang una naming pagkikitang dalawa. Maliit na ahas pa lang siya no’n. Nakita ko siya sa talahiban na tila inaaway ng malaking ibon. Ganitong-ganito ang talahiban no’n.”  Sa harapan namin, mayroong matingkad at makapal na damuhan. Hinawakan ito ni nay Indang upang mas maging malinaw ang kaniyang pagsasalaysay. Nakatahimik lang akong nakikinig sa kaniya para makuha ko ang lahat ng mensahe at detalye na nais niyang ibahagi sa akin. “Matagal na panahon nang naganap ito ngunit tandang-tanda ko pa ang mga detalya sa memorya ko. Iyon nga at tila may inaaway ang malaking ibon sa talahiban. Hinayag ko ang mga paa ko patungo roon at namangha ako sa kakaibang kulay na taglay ng ahas.” Ganoon din ang reaksyon ko nang una kong makita si Hela. Or masmalala ang sa akin ng slight? “Umalis ang pasaway na ibon nang makalapit ako sa kanila. Malamang natakot siya sa presensya ng taong paruparo na mas malaki kaysa sa kaniya. Ang mas lalo pang nagpamangha sa akin ay nung magsalita siya. Nang magtama ang mga mata namin, isa lang ang mensaheng hinayag nito sa akin, alam ko na mabuti ang puso niya. Narinig ko ang boses niya, ang amo-amo nito at ang sarap-sarap sa pakiramdam. “Dahil nga sa mura pa ang pag-iisip ay naisipan kong iuwi siya sa amin. Noong una, nagalit ang nanay ko dahil baka raw makagat ako nito at mapuno ng kamandag ang katawan ko. Tinakot pa ako ni nanay na mamamatay raw ako ng maaga. Pero dahil nakikita nila na napapasaya ako ni Hela, hindi rin nagtagal, hinayaan nila ako na maging kaibigan ang makulay na ahas, at doon na nga nagsimula ang mahaba’t masaya naming pagsasamahan,” ang mahabang kuwento sa akin ni nay Indang. “Pero... bakit niyo po siya binigay sa akin gayong mahalaga siya sa inyo?” Kahit hindi ko ginusto ang nangyari, hindi ko maiwasan na ma-guilty nang marinig ko ang kuwento niya, ako pa tuloy ang naging dahilan upang magkahiwalay sila. “Isang tagapagbantay si Hela. Siya ang parating nagliligtas sa akin mula sa mga unos na dumaraan sa buhay ko. Sa dinamirami na nang makawasak na digmaang nasaksihan ko sa buong buhay ko, wala ni isa roon ang tumapos sa maliligayang araw ko. Utang ko ang hininga ko sa kaniya kaya labis na nalungkot ako nang malaman kong nahiwalay siya sa feeling mo.” Aws! Great warrior pala ang lola niyong Hela! What a revelation. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Malaki nga ang role na ginagampanan ni Hela sa buhay ni nay Indang. “Kung nakaya po kayong iligtas ni Hela ng paulit-ulit? Ibang sabihin lang po nito, may kakayahan rin po siyang iligtas ang sarili niya?” Nakabuo ako ng konklusyon. Mas tumibay lang ang pananalig ko na buhay pa si Hela. “Alam ko na ligtas siya. Ang tanging bumabagabag lang sa isip ko, wala siya sa tabi natin.” Oh ayon naman pala nay Indang e! No need to worry na about this thing! Kidding! “Nararamdaman kong babalik din siya sa atin sa tamang panahon.” “Morphie, pinapatawag na tayo ni Kapitan. Babalik na raw tayo sa Iraqui,” ang sigaw sa akin ni Noah. Hindi na kami nagtagal pa sa aming pamayanan. Nagpaalam na ako kina nay Indang at Meera. Matatagalan bago kami muling makabalik dito. “NGAYONG araw na natin uumpisahan ang pagsasanay!” ang hiyaw ni Kapitan Chrollo sa amin. “Ang una nating kinakailangang gawin ay alamin ang ugali ng ating mga kalaban. Kilala sila pagiging agresibo at padaskol-daskol sa kanilang pag-atake. Ang tanging nais nila ay kumitil nang kumitil ng buhay nang paulit-ulit. Ito ay resulta ng maitim na sumpa na binigay sa kanila ni Acanthovalva, ang kanilang reyna. Siya ang dahilan kung bakit binalot ng dilim ang kaluluwa ng mga Mutuah na dati ay nagbibigay ng matisay na samahan at pakikiisa sa lahat ng lahi dito sa Insectia.” “Si Acanthovalva, naging sugo lamang siya ni Alluah, ang naging ganid na Diyos at kinamumuhian ang ating Panginoong Jesuah. Mawawala lamang ang madilim na sumpang ito kapag napaslang ang reyna at ang pitong kanang kamay nito. Ang Seven Deadly Specialists, sila ang makapangyarihang kanang kamay ng reyna. Isa pa lang sa kanila ang nakita niyong umatake sa atin. Si Sare, siya ang ugat ng poot at galit.” Sa puntong ito ko lang nalaman ang tungkol sa Seven Deadly Specialists. Pito sila kaya nga Seven, hindi ba?! Isa pa lang sa mga ito ang umatake sa amin pero halos malipon na ang mga kasama ko kung hindi dumating si Crozzette at nagbigay ng tulong. “Ang naman dami pala nila Morphie. Needsung na natelya na talaga ng mga powerful embiyang!” ang bulong ni Noah sa akin. “True! Ang sarap nilang sabunutan nang sagad sa anit no!?” Lumalabas tuloy ang pagka-kirengkeng ko ngayon. “Ibabaon ko talaga ng todo ang kuko sa bumbumanan nila.” Ang lakas ng loob kong sabihin ito kahit pudpud naman ang kuko ko. “Krompal-nelie-bumbum ang aabutin nila sa akin makikita nila. Tig-20 slaps each cheeks, keri na ba iyon?” “More! Give them a lot!” Nakita ko si Pedro. Sana naman sa nangyari ay bumait na siya. Iwaksi na niya ang ugali niya na parating mainit ang ulo dahil wala siyang mararating sa buhay kung parati lang siyang gano’n. Galit nag alit ‘yarn? Nagsimula nang magpakita si Kapitan nang iba’t-ibang galaw. Tinuruan niya rin kami kung paano gamitin ng tama ang sandata namin, gayundin, ang mga iba’t-ibang taktitang naka-ukol dito. Kitang-kita na marami ngang alam si Kapitan na mga estilo. Ginaya namin ang mga kilos niya, at kung ano-ano pang mga galaw. Matapos dito sa lupa, lumipad naman kami patungo sa himpapawid. Kailangan na naming paabutin ang palaso namin mula sa dulo ng talampas. Isa itong pagsubok upang mas lalo naming mapatibay ang talas ng aming paningin, gayundin, para mas maging batak ang mga braso namin. Hindi lang talas ng paningin at pakiramdam ang kailangang mahasa sa amin kung hindi pati na rin ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa, ito ang pinakamahalagang aral na kailangan naming matutuhan sa pagsasanay na ito. Nakaramdam ako ng pagod kaya pinili ko munang magpahinga sandali. Umupo ako sa malaking tipak ng bato at hinayaang nakalublob ang mga paa ko sa asul na tubig dahil isa ito sa mabisang paraan upang gumaan ang bigat ng katawan ko. Patuloy pa rin ang iba sa kanilang pagsasanay. Ang sabi ni Kapitan, huwag raw kaming titigil hanggang sa hindi nilalamon ng dilim ang liwanag. Desidido rin sa pagpapalakas sina Noah at Murah. Hindi nila iniinda ang pawis sa kanilang pisngi at patuloy lang sa pag-tama ng palaso sa kanilang tudlaan. “Ehem…” May tumikhim. Dahil sa gulat ay napatayo ako. Si Kapitan lang pala ito. Nakatayo siya ngayon sa gilid ko. Hindi siya direktang nakatingin sa akin pero alam ko na ako ang pinatutukuyan ng pagtikhim niya.   “Wala akong sinabi na may maaari ng magpahinga,” ang wika ni kapitan. “Napaaga ata ang sa iyo.” Inayos ko muna ang lalamunan ko at pinalaki ang boses ko bago magsalita. Medyo na-immersed kasi ito kanina sa pagkirengkeng. Need muna ng warm-ups. “Pasensya na, Kapitan. Sumakit lang bigla ang katawan ko…ah!” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil dumulas ang kanang paa ko mula sa pagkakaapak sa bato. Akala ko, hahampas na ang ulo ko sa mga bato ngunit naramdaman kong may bisig na sumalo sa akin. Dalawa lang naman kaming naririto kaya sigurado akong bisig ni Kapitan ang may salo-salo sa akin. Nahihiya ako pero in all fairness I felt secured sa bisig niya. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Hindi nga ako nagkamali. Si Kapitan nga ito. Mabilis kong inayos ang sarili ko at nanghingi ng pansensya sa kaniya. “Mag-iingat ka kasi. Kung wala ako rito, baka nabagok na ang ulo mo sa bato.”  Kiber naman at hindi siya nagalit sa akin. Akala ko, ihahagis niya ako nang tuluyan sa batis at lulunurin dahil sa pagka-clumsy ko. ‘Kay lalaking tao, lampa.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD