Chapter 29: UNIQUENESS

1684 Words
Morphie             SABIK na sabik pa naman ang motibasyon ko na mag-ensayo ngunit hindi ko inaasahan na ganoon ang magaganap kanina. Hayst. Nakahihiya talaga kay Kapitan. Nagiging kulay mansanas tuloy ang dalawa kong pisngi sa tuwing pumapasok iyon sa isip ko. Ano ba kasi talaga ang pumasok sa isip ko no’n at naisipan kong magpahinga? Sa pagkakatanda ko ay hindi nga pala ako sanay mapagod pero hinayaan ko ng pagkakataon na mapagod.  Well, baka nga nakatadhana na iyong mangyari.            Despite of the clumsiness, the shy and minor kilig moments, I am beyond grateful to our captain for saving me from nature’s natural threat.  If he wasn’t there at my side, I didn’t know what the f*ck would happen to my creative and hard head- maybe my head is still bleeding if he wasn’t for him. Pero hmmm…. wait, paano nga pala siya napunta sa likod ko? Maybe he planned for this to happen?! He prayed for it and he cares to save my life?            Ay ashumera! Itigil na iyan!            Kasabay ng pag-agos ng dalisay na tubig sa berdeng ilog ay ang panunumbalik din sa isipan ko kung ano ang naganap kanina. Kung ang daloy ng tubig ay natural at hindi mapipigalan, ang mga bagay na dumadaloy sa isip ko ay ako lang ang may control. Hihinto ito at magpapatuloy hangga’t nanaisin ko.            “Iyong ngiti mo, abot na hanggang dulo ng Sansinukob,” ang biro sa akin ni Noah. “Ang Taray pala ng labi mo no? Very flexible and stretchable!?” Kinurot ni Noah ang labi ko.            “Ano ba!? Iyong kamay mo, baka marumi iyan, ma-tetano pa ang labi ko!” Tinampal ko ang labi niya to keep my lips clean, para kasing my left-overs pa ng libag sa mga fingers niya.            “Shana all nalang hindi bulok ang ngipin!” Binaling ni Noah ang atensyon niya sa pag-lalaro ng tubig dagat. “The water feels so cold! Parang ang refreshing mag-half bath ngayon? Don’t u wanna try?” Para siyang musmos na nakikipaglaro sa tubig gamit ang kaniyang kamay. Inosente lang sa tubig, ma? Sandali, bakit nandito na naman siya sa tabi ko? Kailangan kaya sasapit ang panahon na bibigyan niya ako ng personal na oras to think about some things in mylife. Iyong oras na wala siya sa tabi ko where I can fully allow my thoughts to sink-in to my consciousness for me to assess my progress and the previous decisions I made. Pero the truth is, kahit sobrang madalang lang naman talaga siyang lumapit sa akin!? Hayst. Ewan ko na ba. Si Kapitan kasi, patuloy ang panggugulo sa isipan ko!            “Oras na para magpahinga. Hindi ka pa natutulog?” ang tanong ko sa kaniya. Syempre, dapat ay magbalik ako ng tanong sa kaniya para hindi niya na usisain pa ang dahilan ng pag-ngiti ko.            “Hindi ako dadalawin ng antok hangga’t hindi ko nalalaman ang dahilan ng pag-ngiti mo nang sagad-sagad. Parang kagabi lang halos mahulog na ang mukha mo sa lupa sa sobrang lungkot. Pero ngayon naman, hay… hindi ko na maintindihan sa iyo, Morphie. Kinemeng dulotchinie nga iyan ng praktesa kanina or sadyang natural lang na nababaliw ka na!”            “Ang haba naman ng sinabi mo!”            “Ay sa true lang mhie, kasing haba ng smile kineme mo sa labi na wiz ko ma-knows if dulot ba iyan ng kilig or kinemeng what. Ano ito pangiti-ngiti nalang mag-isa? It’s alarming ha! Beke nemen saksakin mo nalang ako later kapag nawala ka sa mood?! Pero I want the other form of saksak, u know that? Ih, I am being that flirtatious. Hindi nga pala tayo talo.”            Masaya ako na nandito si Noah sa tabi ko. Sa halos lahat ng bagay, kami ang nagkakaintindihang dalawa. Ang malaking rason diyan ay dahil parehas kami ng kasarian. Maluwag sa puso namin na ilabas ang pagkatotoo namin dahil buo sa kaalaman namin na hinding-hindi namin huhusgahan ang isa’t-isa. Kaya kahit minsan ang kulit-kulit niya at hindi na malusog ang mga pinagsasasabi niya ay hindi ko siya kayang i-let go. If he is just as someone, ipagtatabuyan ko pa iyan. Kiddels!            “Iyong ngiti ko ba ang tinutukoy mo? It is just nothing. Ang ganda lang kasi ng mga bituin sa langit.” Ang ani ko at umangat ang tingin sa kumikinang na kalangitan.            “Ay ang ganda nga no!? Sino ba naman ang hindi mapapangiti kapag nakita ang mga kumikislap na bituin na nag-gagandahan!? Masasampal kita kung no reaction ka. It’s a promise with biro!”            Sandali naming pinagmasdahan ang mga bituin sa kalangitan. “Hindi rin magtatagal, magiging isa rin tayo sa mga iyan. Sa puntong ito, pinagmamasdan lang tayo ng mga mahal natin sa buhay. Nakasubaybay pa rin sila sa atin. Inaalam kung nabubuhay ba tayo ng maayos, masaya at kung ginagampanan natin ang misyon natin dito sa lupa.”            May naalala lang ako nang dahil diyan.            DUYAN, gumawa ng duyan si tatay gamit ang baging upang maging panali, at matibay at malapad na dahon upang iyon ang gawin naming sapin. Upang masubukan ang tibay ng pagkukumpuni ni tatay rito. Syempre, kailangan naming sumakay ni Nanay. Wala kasi sila tatay ngayon dito, dinalaw nila ang mga prutas kasama ni Psycher, kaya kami lang ni nanay ang nakaupo ngayon dito sa duyan.            “Nay?” Kapag tinatawag ko si nanay. Parati niyang baon ang ngiti niya sa labi. Nahahawa rin tuloy ako at nararamdaman kong ligtas ako sa tabi niya kapag nakikita ko ito . Mahal na mahal niya ako, alam ko.            “Ano iyon, Anak?”            Luminga ako sa itaas at tinanaw ang mga kumikinang na tuldok sa kalangitan na tinatawag na bituin. “Bakit po ba may bituin sa langit at para saan po sila?” ang tanong ko kay nanay.            Hindi naman nagtagal at sumagot din kaagad siya sa akin.“Anak, iyang mga bituin, sila ang mga ninuno nating sumakabilang buhay na.”            “Ano po ang sumakabilang buhay, nay?” Hindi ko naman kasi alam ang salita na iyon. Bata pa kaya ako. Ang lalim ng salita ni nanay.            “Ibig sabihin no’n, namatay na sila… kapag sumakabilang buhay ka na makakasama mo na ang panginoong Jesuah. Kapag mabuti ang ginawa mo rito sa lupain ng Insectia habang nabubuhay ka, walang katapusang kasiyahan ang mararamdaman mo sa tahanan ng ating Diyos.”            Wow Ganoon pala! Ang galing naman. Dapat pala ay parati akong maging mabait na anak at mabuti sa aking mga kalaro. “Ibig sabihin po nay, nand’yan na po sina lolo at lola?” Tumango sa akin si nanay. “Oo anak, nakikita nila tayo ngayon kaya dapat parati mong susundin ang mga utos ni nanay at ni tatay. Maging mabait ka rin sa kapuwa mo. Huwag kang mananakit ng ibang tao. Nakikita kasi lahat ng Diyos ang mga ginagawa natin. Kapag mabuti ang ginawa, mabuti rin ang mangyayari sa buhay natin. Kung masama naman, masama rin ang kapalit nito.”            “Eh nay, bakit po mayroong mga mas maningning kaysa sa iba po?” Napansin ko lang. Hindi sila magkakamukha ng ningning. Ang iba ay parang wala nang sinag.            “Ganito kasi iyon anak. Makinig ka kay nanay ha?” Tumango ako. “Hindi naman kasi lahat ng Fairouah ay magkakamukha ng ugali, sa dinami-rami natin, magkakaiba tayo ng mga ugali kahit isang utos lang ang sinusunod natin. Ganoon din ang sinag ng bituin, magkakaiba sila dahil sinasabi lang nito na walang magkakamukhang Fairouah. Lahat tayo ay magkakaiba at may kaniya-kaniyang biyaya mula sa Kaniya.”            “Hoy, sis? Natulala ka riyan?” Naramdaman ko ang mahapding pagkurot ni Noah sa braso ko. Naudlot ang pagmumuni-muni ko nang dahil sa ginawa niya.            “Ang sakit naman ng kurot mo!” Sinamaan ko siya ng tingin with form of care.            “Eh paano, I slight panicked when I saw na hindi gumagalaw. Nakatulala sa mga bituin na animo’y hibang.”            “Naalala ko lang ang sinabi sa akin ni nanay,” ang wika ko naman.            “Puwede mong i-sharesung? Kung puwede lang naman, kapag hindi ka comfortable to share that with me, edi ‘wag mo. Joke!”            “Sure.” Umayos siya ng upo niya. Nagpangalong baba pa. “Excited iyan? Hindi naman ako magkukuwento ng buong nobela bakit gan’yan ang reaksyon mo?”            “Bili! Magkuwento ka na! Sharing or drowning!?”            Pagbibigyan ko na siya. “It’s kinda related sa sinabi mo kanina. You said ‘di ba, every one of us will be one of those stars someday- isang bituin na tatangglaw sa mga naiwan nating mahal sa buhay. Ayon, I just remembered what my mother told me when I was freshly wondering the complexity of cosmos. Sinabi ni nanay na magkakaiba raw kasi tayong lahat that’s why iba-iba rin ang kislap ng mga bituin na nakikita natin,” ang sagot ko. “Did you hear the same story?”            “Ang sarap sigurong maging nanay ng nanay mo, no? Ako kasi, hindi ko na nakita sina pujieta at mujieta. They went on flying above the sky noong super baby face pa lang akis at wala pang total awareness era about life happenings, u know? Therefore, I didn’t have the ample opportunity to hear the same story,” ang wika ni Noah.            “Eh sis, ako naman kasi hindi ko rin nakita ang lola-elya at lolo-eylo ko. As a result, tie lang tayo. So don’t act like you’re telling me that I am more privileged than you. We do have different blanks to be filled, ” ang sagot ko naman.            “True! Agree nalang ako sa stand mo.”            “Siya nga.” “Arat maligo tayo! Kaunting release lang ng stress sa life beings kahit papaano.” Wala na akong nagawa dahil bigla akong hinitak ni Noah sa tubig.            “Ang lamig pala!” ang gulat ko. Hindi ko inaasahan na ganito kalamig ang tubig kapag ganitong oras.            “Wala nang mas malalamig pa sa puso kong naghihintay sa pag-ibig niya.” Umawit si bakla habang umaaksyon na tila ba ang lambot-lambot ng balat niya at kutis porselana. Live-again namerns. “Si Mura.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD