Morphie
SA hindi kalayuan, nakita namin si Mura na kasalukuyan palusong sa tubig na pinaliliguan namin ni Noah. Hindi ko maintindihan ang mga sarili namin pero hindi namin nagawang tawagin ang kaibigan namin. Bagkus, may kusang enerhiya ang siyang pumasok sa isipan namin, sinabi nito na ikubli namin ang mga sarili namin rito.
“Sigurado akong sobrang haggardness din ang nakaramtan ni frenny nating borlalut sa praktisang kanina-estra kaya iyan, tamang stress letting go anymore ang gagawin niya like us.” Nang magsalita si Noah ay nakaramdam ako ng unti-unting paglamig ng tubig. Hindi ko nalang ito pinansin dahil umihip ang hangin.
Hmmm… mamaya ay may kapangyarihan pala si Noah na gawing yelo ang tubig?
“I highly agree! Stressful ng event natin kanina no? Halika’t gulatin natin siya.” Nagkaroon ako ng something stimulating idea para naman magkaroon ng thrill ang gabing ito. Kilala niyo naman ako na mahilig sa mga iba’t-ibang pampasigla ng katauhan.
“Marunong bang lumanggoy ang gagang iyan?” patanong na bulong nito na tila nagustuhan din ang ideya ko.
“Hindi ko alam pero gawin pa rin natin. Who knows? We’ll never know unless, we try!” pagpupumilit ko na parang bata. Ang usapan kasi hindi kami magtatagal rito sa tubig dahil nga sa malamig sa balat, pero ito kami ngayon at nakuha pang magplano ng pambibiro sa kaibigang walang kaalam-alam sa gagawin namin sa kaniya.
“Baka malunod siyam, ha? Ako pa ang sisihin mes.”
Hindi na ako nakasagot. Kitang-kita ng dalawa naming mata kung paano tinanggal ni Mura ang pang-itaas na suot niya mula sa kaniyang katawan. Tahimik lang kami ni Noah na pinagmamasdan siya. Maya-maya lang, nakita namin ang tila tela na nakabalot sa kaniyang dibdib.
“Ay bakla, anes iyong nasa dibdib niya?” kunot noong tanong ni Noah. Ang pangit niya mag-react kahit kailan. Pero sandali, tila may tinatago sa amin si Mura? “Nasaksak kaya siya ng isang matigas at mesherep na bagay?” si Noah.
“‘Wag naman sana, gaga.” Kinurot ko siya sa tagiliran sa ilalim ng tubig. “Hindi naman siguro, bakit walang dugo?” Bakit nga kaya may ganoon si Mura sa katawan niya? Ano ang kontribusyon nito sa kaniya? Nakakapagtaka lang, kung wala siyang ibang nararamdaman, maaaring isa lang ang ibig sabihin nito.
Hindi kaya may bagay siyang pilit na kinukubli roon?
“Adi, hindi-chinie nelya! Bakit kailangan mo pang mangurot? Karurot-kurot iyon?” ang sagot nito.
Bumaling ako sa kaniya. “Teka lang, parang mali ang ginagawa natin bakla. Sisilipan mo siguro siya, no? Is this will be a violation of privacy act of 2012?”
“Aba’t ako talaga Morphie ang sisisihin mo? Sa akin mo ibabaling kineme ang bintangchikels about sa pagmamasid natin kay Mura? Hindi ba’t ikaw ang nagsabi na sisilipan natin siya? Hindi sa akin nang galing iyon,” ang mahabang katiwaran niya. “By the way, as far as you know, Data Privacy Act is a law that seeks to protect all forms of information, be it private, personal, or a sensitive one. Get mo?
“Bibig mo! Baka marinig ka. Ang dami-rami mo talagang sinasabi no? Akala ko ba gugulatin natin siya?” Gusto ko siyang tampalin sa bibig pero baka ngumawa siya kaya huwag nalang.
“Oh, alam mo naman pala e.”
“Eh, pasensya na. Nakalimutan ko agad. Tara na. Gulatin na natin siya.”
Nakatahimik lang si Noah kaya naman napatingin din ako kung saan siya nakatingin. Binaba ko nalang ang kamay ko na dapat ay ipanghahatak sa kaniya.
“Babae si Mura?” Hindi kami maaaring magkamali sa nakikita namin.
Ibang-iba ngayon ang itsura ni Mura. May mahabang buhok, at may tapal sa dibdib niya na may tinatago na kung ano.
Hindi pa pumapasok sa isip ko kung ano ang nasasaksihan ko. Isa ba itong rebelasyon? Teka lang, isa lang ang naalala ko, iyong sinabi sa akin ni Hela tungkol kay Mura. Hindi ito gano’n kalinaw pero isa lang ang pinatutunguhan nito. Magkakamukha raw kaming tatlong magkakaibigan na may lihim na tinatago kaya raw kami nagkasama-sama at nagkapalagayan ng loob. Kasarian din kaya ang tinatago ni Mura sa amin? Hindi kaya tadhana na ang gumawa ng paraan upang magkita-kita kaming tatlo, at ito rin ang gagawa ng paraan para mabulgar ang aming mga sikreto?
“Anong gagawin natin, sis?” Wala akong maisasagot sa kaniya dahil kasalukuyan din akong nag-iisip kung ano ang nararapat naming gawing aksyon. Dapat bang komprontahin namin siya? At puwersahin na sabihin sa amin ang tunay niyang kasarian? Oh, hayaan nalang namin siyang kusang sabihin ito sa amin?
“Huwag natin siya pangunahan, Noah,” ang kalmado kong sagot. “Baka hindi pa siya handa para aminin ito sa atin.
“Huh? Kailan siya magiging handa? Tumatakbo ang panahon, Morphie. Hihintayin niya pa bang mabunyag ng mga kasama natin ang tunay nating kasarian bago niya ipagtapat sa atin ang totoo? Magkakaibagan tayo dito.” May mga punto siya sa sinasabi niya at naiintindihan ko siya pero hindi gano’n kadaling gawin kung ano man ang iniisip niya. “You both are well aware na pinagbabawal ang hindi tunay na lalaki sa hukbo.”
Iniwan ako ritong nag-iisa ni Noah. Bigla siyang umalis nang hindi man lang sinasabi ang dahilan. Mabilis na naglakad paahon sa tubig.
“Noah!?” sumigaw ako ngunit hindi siya lumingon. “Hoy siraulo! Bumalik ka rito, huwag mo akong iwan!” Ang lakas ng dating ng isang iyon. Siya ang nag-aya dito sa akin, ngayon naman, siya ang mang-iiwan?
“Morphie? Noah?”
At sa punto ito nalang pumasok sa akin ang lahat. Malakas pala ang naging sigaw ko at naging sanhi ito upang makuha ko ang atensyon ni Mura. Nakita kong huminto si Noah. Naibalik na rin muli ni Mura ang takip niya sa katawan.
Ano kaya ang dahilan kung bakit nag-walk-out ang baklang iyon? May nasabi ba akong mali o hindi niya nagustuhan? Nakaramdam ako ng pagkahiya kay Mura kaya hindi ko na nagawang lingunin pa ulit siya at habulin para kausapin. Upang hindi maging halata, sinubukan ko nalang na sumunod kay Noah but hindi niya ako nagawang lingunin kahit isang beses. Straight forward lang talaga siyang naglalakad.
Seems that the road is just one way so it hinders him to turn back his feet.
Baka bumalik na siya sa kuta namin? Siguro ay inaantok na ang bakla at hindi lang masabi.
Tumingin ako sa sapa- wala na rin doon si Mura. Ako nalang ang naiwang mag-isa sa damuhan. Hayst! Sumasakit ang ulo ko sa kanila. Ano bang nagawa ko? Paulit-ulit akong babalikan ng tanong na ito hanggang mamaya sa pagpikip ng mata ko bago mamahinga.
Bakit naman kaya hindi ako sinundan ni Mura? Nahalata niya kaya na pinagmamasdan namin siya? Magkikita-kita naman kami mamaya sa kubo kaya mas pipiliin ko munang pumarini para naman bigyan sila ng kanilang personal na espasyo, baka iyon ang kailangan nila.
Ito na naman ako. Tamang nag-iisa lang sa ilalim ng maliwanag na buwan at kislap ng mga bituin sa kalangitan. Nagpapasalamat ko na kahit papaano, nand’yan sila, hindi sobrang nagiging madilim ang mundo ko.
My wish has been granted. Gusto ko raw kasing mapag-isa, kaya ito, binigay na niya.
Napagdesisyunan ko munang maupo ulit sa higanteng bato sa harapan ko. May mga batong maliliit sa gilid ko, dinampot ko ito at isa-sang binato sa tubig. Parang kanina lang, nag-uusap pa kami ni Noah tungkol sa mga bituin, ngayon, ako nalang talagang mag-isa dahil bigla nalang niya akong iniwan.
Bakit kaya lumulubog ang bato sa tubig at hindi na umaahon pa? Ang rason kaya ay dahil mabigat ito at hindi kayang dalhin ng tubig ang puwersa nito? Eh bakit naman nakalutang ang mga dahon? Siguro dahil magaan sila at walang puwersa kaya, kayang dalhin ng tubig?
Baka naman mabigat din ang dibdib ni Noah kaya umalis siya. Babalik nalang siya sa oras na gumaan na ang loob niya at nakapag-isip-isip ng tama?
“Oras na para magpahinga. Bakit nandito ka pa?” Umangat ang tingin ko dahil sa pamilyar na boses na kumausap sa akin. Nasilayan ko ang armas na ginagamit namin- ang pana at palaso ngunit kakaiba ang sandatang nakikita ko ngayon. Iisa lang ang mayroon nito sa amin, ang pinuno ng hukbo, si Kapitan. Inangat ko ang ulo ko. Hindi nga ako nagkamali, si Kapitan ang taong nakatayo sa gilid ko.
Ayan na naman siya. This time, I will try not to be clumsy. Pero, hindi pa rin ako sure.
“Ma-magandang gabi ho kapitan,” ang bati ko sa kaniya kahit hindi ko alam kung babaiiin niya ako ng ‘good evening’ –in return.
Nakita ni kapitan ang pagda-drama ko na tamang pagbabalibag lang ng bato sa tubig? Well, that is one way of emoting ng mga Fariouah-ng babae.
“Ano pong gagawin niyo? Bakit ho may bitbit kayong sandata? May kalaban po ba?” ang sunod-sunod kong tanong.
“Ano sa tingin mo?” Kinabahan naman ako bigla sa sagot niya. Wala naman akong nararamdaman na kakaibang enerhiya. Maharil binibiro niya nga lang ako. Don’t panic, it’s magic!
Nilalamig tuloy ako dahil sa basa ang katawan ko.
“Relax ka lang, Kapitan. May galit ka ba sa akin?” Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Nilinis ko na rin ang lalamunan ko. Kailangan talaga na malaki ang boses ko. May kalambutan na nga ang katawan ko, malamya pa ang boses ko.
Ano ako, marshmallow?
Normal na sa akin ang maging balisa sa tuwing kausap ko siya.
“Marunong ka bang mangisda?” ang tanong niya.
Teka lang, may napapansin ako kay Kapitan. Hulaan natin kung ano. Biro lang.
Bakit wala siyang emosyon ngayon? Kasing lamig ng tubig ng dagat ang presensiya niya. Pagod siguro sa pagbabantay sa amin sa pagsasanay kanina? Hmmm… he’s colder than water.
“Mangingisda ka kapitan?” bigkas ko.
Ah malinaw na sa akin. Kaya siya may dalang sandata ay dahil gagamitin niya iyon para makakuha ng isda- tutusukin niya ng palaso.
Hindi siya sumagot. Ako kasi itong si lutang, magtanong pa. Halata naman ang sagot sa tanong ko.
Lumakad si kapitan at mas lumapit pa sa tubig. Marahil ay magsisimula na siya. Natulala nalang ako nang bigla niyang tanggalin ang pang-itaas niya. Bago siya tuluyang lumusong ay binaba niya ito damuhan.
If kanina, he’s colder than water. Ngayon naman, he’s hotter than fire?
“Woahhh! Ang lamig pala!” May tumalsik na maliit na tipak ng tubig sa akin kaya bumalik ang normal kong katauhan.
Hindi ako maaaring mamangha sa ganda ng katawan niya. Kailangan kong pigilin ang espiritu ko na normal nang nakaakibat sa aming mga bakla.
Pero, even in just a little second, puwede ko bang isipin kung ano ang amoy ni Kapitan? How his shirt smells? Baka kailangan na itong labhan if the smell is not conducive anymore to our sense of smell.
Ano ba! Iwasan mo iyan, Morphie. Nahahawa ka na kay Noah. Ayt! Si Kapitan ito- kagalang-galang at hindi dapat pinag-iisapan ng mga ganitong bagay.
‘Kapitan, hinay-hinay lang sa pagbababad sa tubig, baka magkasakit ka niyan bukas. Pero don’t you worry, hindi naman ako mapapagod na alagaan ka.' Syempre sa sarili ko lang iyan sinabi. Bawal lakasan no, at baka ako ang takasan ng hininga kapag bulgaran ko iyang sinabi.
“Hoy ikaw, ano nga ulit ang pangalan mo?” sigaw nito. Iyong tipo ng sigaw na mukhang babambuhin niya ako ng dospordos at ibabaon sa mga bato.
Buti nalang, guwapo siya. Kung hindi, baka maubos na ang pasensya ko na pakisamahan siya. Kidding aside.
Makalilimutin si kapitan. Iisipin ko nalang na sa dinami-rami naming hinahawakan niya, hindi na niya matandaan ang pangalan ng bawat isa. Pero, kokonsensyahin din naman ako dahil alam ko na isa sa obligasyon ng lider, kailangan ay alam niya ang pangalan ng mga galamay niya -for him to be able to look after their welfare. Pero sige, pipilitin ko nalang na mali ang alam ko.
“Morphie ho, Kapitan,” ang sagot ko. “Sana ho ay tandaan niya na.”
“Hayst, iba ka talaga e.” Nakita kong napakamot siya ng ulo niya. “Ako pa talaga ang inutusan mo?”