Morphie
ITO na naman kayo, parang kahapon lang ang lumipas. Gaano man kalayo, pero kayo’y nagtatapong muli. Ilang beses ka nang nasaktan, pero paulit-ulit na sinusubukan.
Masaya akong pinapakinggan ang ibon sa pag-awit nito ngunit may sumundo sa kaniya na isa pang ibon. Magkapareha siguro sila kaya agad na sumama ang mang-aawit na ibon. Ang ganda-ganda pa naman ng kanta at tinig niya, kaso, umalis na siya.
Sa pangalawang pagkakataon, lumublob ako muli sa tubig at buong pusong tinanggap ang paanyaya ni Kapitan na daluhan ko siya sa kaniyang ginagawa. Kami lang dalawa ang magkasama ngayon at baka sa puntong ito, hindi ko man pinagdarasal pero sana, mas makikilala ko pa siya. Deeply and deeper than the ocean, let’s just say.
Para naman may silbi ako ngayon ay ako ang ginawa niyang tagahawak ng mga natutusok niyang isda. Bilang ambag, tinanggap ko na ito dahil unang-una hindi naman ako makaka-hindi. Kitang-kita ko kung paano bumakat ang mga muscles ni Kapitan sa katawan niya sa tuwing aakma siyang itutusok ang pana sa ilalim ng dagat. Ito ang paraan upang makahuli siya ng mga isda.
“Ano pong gagawin niyo sa mga isdang ito, Kapitan?” ang siyang pagbasag ko ng katahimikan. Kanina pa kasi ako napupuno ng pagtataka sa kung anong gagawin niya rito. Tatlong isda na rin ang nahuhuli niya ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan niya.
“Kakainin.” Tipid na sagot nito dahil nakatutok ang atensyon niya sa pagsipat ng mga isda sa ilalim ng tubig. Bawal maabala. Magdilim pa ang patingin ni kapitan, ako ang mapagkamalan niyang isda at matusok.
Tama ba ang narinig ko? Kakainin niya? Hala. Hindi maaari! The fish in the ocean cannot be eaten by him! I am their Goddess and I will protect them no matter what happen, and no matter what it costs.
“Kayo ang kakain nitong mga isda?” ang gulat ko.
Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo. “Sino ba ang nanghuhuli?”
“Kayo po.” Taga-hawak lang naman ako kaya siya lang. Katulad nang kanina, hindi na naman siya sumagot sa akin. Obvious naman ang sagot niya sa tanong ko.
Muling napuno ng katahimikan ang paligid kaya nag-isip ako ng sasabihin para naman hindi maging boring. Pero okays lang din sa akin na titigan lang si kapitan sa ginagawa niya.
“Hindi po kasi ako nakain ng isda, kapitan,” ang bida ko. Mga prutas at gulay lang ang kinakain ko. Sa tanang buhay ko, hindi ko pa nararanasan na kumain ng mga karne ng isda. I am fruitarian, and vegetarian.
Humalakhak ng tawa si Kapitan. Ay mahirap pala itong kausap e! Akala mong binibiro, samantalang nagsasabi lang naman ako ng totoo.
“Seryoso ka?” Hindi makapaniwala niyang tanong matapos humalakhak ng pagtawa. Umukit ang dalawang perpektong biloy sa kaniyang magkabilang pisngi.
“Yes, kapitan,” ang sagot ko muli. Hindi ba siya na naniniwala? Mukha ba akong joker na walang credibility? “Eh, ano po kayang lasa niyan?”
“Anong mga kinakain mo? Mga prutas at gulay?” ang tanong niya kaya naman tumango nalang ako. “Sige, iiihawin natin ito pamaya-maya. Saluhan mo akong kumain para naman matikman mo kung anong lasa nito. Discover the taste using your own tongue. Nang hindi ka maging inosente na parang bata.”
Hindi ko na narinig pa ang huli niyang sinabi. Pero tumaba ang puso ko dahil inanyayahan niya akong daluhan siya sa pagkain ng mga hinuhuli niya ngayon. Walang salita ang lumabas sa aking bibig matapos nito. Tumayo lang ako ng tahimik at pinapanood siya sa panghuhuli pa ng marami.
Go, kapitan! Own the moment, and get all the fishes in the sea! Nabaliktad na ata? To protector ng mga isda to promoter ng fishing? Yes, promoter but responsible and safe fishing with no chemicals belongs.
“Sakto na siguro ito, Kapitan.” Tinaas ko ang hawak kong isda. Anim na piraso na ito pero maliliit lang ang sukat. Kung kami lang namang dalawa ang kakain, saktong-sakto na ito, panigurado. Hindi pa nga ako sigurado kung magugustuhan ko ang lasa nito ih. So malamang, the probability of me, liking the fish is still not defined.
“HAWAKAN mo lang iyan ha,” ang paalala ni Kapitan. Ngumiti nalang ako sa kaniya at hindi ko na itanong pa kung saan siya pupunta. Hinakbang niya ang mga paa niya papunta sa malaking puno sa harapan namin at nang makarating siya roon, ay ikubli ang sarili. Nagbabawas siguro siya ng tubig niya sa katawan.
Abala ako sa pinapagawa sa akin ni Kapitan. Ang tinutukoy niyang hawakan ko ay ang patpat na pinagtusukan niya ng mga isda na kasalukuyan nang nakasalang sa ilalim ng mga mapupulang baga. Sabik na akong matikman ang lasa nito. Sa amoy pa lang nito, kumakalam na ang sikmura ko sa pagka-gutom. Mabango, hence, the smell can be deceiving, it might smell well, but the taste can be hell.
“Sige lang, ituloy mo lang ang pag-ikot. Baka masunog iyan kaya huwag mong hayaan na matali lang sa baga nang hindi binibiling.” Nakabalik na agad si Kapitan. May bitbit siyang ilang piraso ng tuyong kahoy upang gamitin pandagdag sa panggatong. Inayos nga niya ang baga at sinama ang mga kahoy na bitbit niya.
Matagal na kayang nag-iihaw si Kapitan? Mukhang hilig niya itong gawin pampalipas ng oras?
“Sabihin niyo po kapag luto na ito kapitan,” ang salita ko. “Hindi ko po kasi alam kung luto na ito o hindi pa.”
“Mamaya pa iyan kaya tuloy lang.” Umupo siya sa tabi ko. May sandali talaga na madaling pakisamahan si kapitan. Parang hindi siya galing sa mataas na hanay sa kaharian. Ang tradisyon na kasi na mga Marabi- ang pinakamataas na antas kung saan nagmumula ang kapitan ng bawat hukbo, lalo na ang Heneral. Simpleng Fairoauh lang siya ngayon, nakaupo sa parehas na damong kinauupuan ko. Walang saplot na pang-itaas at mukhang masayang-masaya sa ginagawang pag-iihaw. Kahit ako ang nag-iihaw, at nakatingin lang siya?
“Hindi mo ba tatanggalin ang suot mo? Magkakasakit ka kapag natuyo iyan sa katawan mo.” Wala sa isip ko na itatanong sa akin ito ni Kapitan. Bumaling ako sa gilid ko at gumuhit sa mga labi ko ang ngiti. Ganoon din sa akin si nanay sa tuwing mapupuno ng pawis ang katawan ko dahil sa pagtatakbuhan namin ni Psycher.
Mahilig sa takbuhan si Psycher, kaya ayon, uuwi kaming pawisan ng sabay.
Hindi naman sa basang-basa ang damit ko. Sa tingin ko naman, hindi ako magkakasakit.
“Ayos lang ito, Kapitan,” ang sagot ko.
Nahihiya rin kasi ako sa kaniya na makita niya ang hubad kong pang-itaas. Maiiilang ako at hindi magiging komportable na walang saplot sa katawan dahil nga hindi ako tunay na lalaki. It’s my privacy to cover up my body using clothes to man like, Kapitan.
Ganito naman talaga ang inaasahan na mangyayari, ang biglang mawawala ng tema na maaaring pag-usapan. Sa panahong ito, sinakop kami ng katahimikan at muli lang itong nabasag nang magsalita si Kapitan.
“Tama na. Luto na iyan.”
Gusto ko nang magreklamo dahil kanina pa napapagod na ang braso ko sa kakapaikot nito pero hindi ko magawa. Sa wakas, dumating na rin ang punto na luto na ang pagkaing pinaglaanan ko ng panahon.
Siya na ang humawak sa kahoy at inutusan niya akong kuhain ang dahon upang doon inalagay ang inihaw na isda. Gusto ko nang tikman ang lasa nito. Alam kong mainit pa ito dahil kakahango lang sa baga. Saka, hindi naman ako magsisimula hangga’t hindi naman niya sinasabi. Ayaw ko siyang pangunahan.
“Tikman mo na.” Ang hudyat na kanina ko pa hinhintay. Nauna nang pumiraso si Kapitan ng isda. Base sa reaksyon niya, mukhang malinamnam at masarap ang lasa nito. Tinignan ko siya at ngumiti siya sa akin.
Hindi na ako nahiya. Hinayag ko na ang kamay ko rito at pumiraso ng kaunting laman. Nilagay ko ito sa bibig ko, at dahan-dahang nilasahan. Hindi iyong uri nang dahan-dahan na tingining malamya. Paalala lang, bawal ko ipamalas ang katangian kong iyon. Hayst. I am having conscious repeating thoughts about hiding my gender identity.
“Ang sarap pala, Kapitan!” ang bulaslas ko. Ito talaga ang unang beses ko na matikman ito at talaga namang best first experience siya with kapitan!
“Tama ako, ‘di ba? Sabi ko naman sa iyo.” Natuwa rin siya na nagustuhan ko ito. “Sige, ubusin mo na lahat iyan at manghuhuli pa tayo ng marami kapag nabitin ka.”
“Sabi mo kapitan, huh?” ang paninigurado ko.
“Oo ba!”
Ang bait ni Kapitan sa akin ngayon. Siguro dahil sinamahan ko siya ngayong gabi? Parati akong may sagot sa mga tanong ko. My question, my answer portion ito.
“Chrollo nalang ang itawag niyo sa akin kapag wala tayo sa pagsasanay,” bigla niyang sabi.
Hmmm…. sandali, para namang walang paggalang kapag Chrollo lang ang itatawag namin sa kaniya at walang kapitan? Basta, kapitan pa rin ang gusto kong itawag sa kaniya at ako ang masusunod.
Lumingon ako sa kaniya at binigay ang aking katwiran. “Nasanay na po ako na kapitan ang tawag sa inyo. Nakakapanibago na pong baguhin. Alam ko po na ganoon din sa kasamahan ko.”
Hindi siya nakasagot kaagad. Embracing change is like welcoming a new beginning, but there’s no need of change to always begin something new.
“Sige, kayo, basta alisin mo na ang ‘opo’, nakakatanda e.” Napakamot siya ng ulo. “Mas may edad ka pa nga ata sa akin.”
Ayaw ko naman nang tanungin pa ang edad niya. Hindi na mahalaga kung sino ang mas matanda sa aming dalawa, ang importante ay ginagalang ko siya despite of not knowing kung siya nga ba ang mas bata at ako mas matanda.
Sang-ayon ako kay kapitan na tanggalin na ang ‘opo’ dahil hindi naman sa salitang ito tunay na nasusukat ang paggalang na ibibigay ko sa kaniya.
“Naiisip mo pa rin ba ang nobya mong namatay?” Halos mabilaukan na ako sa narinig ko sa kaniya pero kailangan kong mag-akto na parang normal lang ang lahat at wala akong kakaibang narinig.
Sinong nobyang namatay ang tinutukoy niya? Si Kelly ba? Juzko, kung si Kelly nga iyon, baka kilabutan ako. Hindi kami talo ng BFF ko. She knows that over her dead body.
“Hindi pa ako nagkaka-nobya Kapitan,” ang sagot ko. “Wala pa sa isip ko iyon.” Lalaki rin kasi ang gusto kong maging karelasyon kaya kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na magkakaroon ako ng nobya dahil big NO means AYAW KO or WIZ KES BETCHIN.
“We? Kung gayon ay pasensya na, mali pala ang akala ko.”
Sandali, paano nalaman ni Kapitan si Kelly? Nakita niya ba kaming magkasama ni Kelly before? Ah, okay! Maharil noon iyon sa palasyo, nang unang lumusob ang mga Mutuah-ng maaasim.
“Matagal niyo na po ata akong pinagmamasdan, Kapitan?” Sinubukan kong biruin siya kung kakagat siya. Kapag hindi, aasahan ko na ang malaking kamaong tatama sa pisngi ko.
“Chicks ka ba?” sagot niya sa akin sabay ngisi.
Huh? Anong ibig sabihin ng chicks?
“Ano iyong chicks, kapitan?” Marunong din atang mag-imbento ng salita si Kapitan katulad ni Noah. May chicks, chicks pang nalalaman e.
“Ikaw lang ang tanging lalaking nakilala ko na hindi alam ang salitang chicks!” ani niya.
Eh, paulit-ulit ko na kasing sasabihin kapitan, hindi naman kasi ako tunay na lalaki. Hindi ko pagtutuunan ng pansin na alamin ang salitang chicks na iyan! Salita pa lang parang hindi na fit sa katauhan ko.
“Nakakain ba ang chicks, Kapitan?” ang inosente kong tanong.
Tumawa siya ng mahina. “Oo naman pero depende sa chicks kung gusto niya ring magpakain.”
May idea na ako sa sinasabi ni Kapitan.
“Tao ba ang chicks kapitan?”
“Ahmmm… maaari.”
Plakak! Babae ang nais niyang pakahulugan sa salitang chicks. Naku, mga lalaki talaga, mahihilig sa chicks!
“Kapag chicks na ang lumapit. Abe sempre, kusa nang magpapatuka ang palay!”
Kay husay!