Chapter 32: YEARS OF SERVICE

1088 Words
Morphie            “ILAN taon na kayo bilang Kapitan?” ang tanong ko sa lalaking kasama ko pa rin hanggang ngayon. Ramdam ko kasi sa mga aksyon ni kapitan na parang ayaw niyang umalis pa sa lugar na ito. Wala naman akong maisip na maaari kong gawin kaya naman sasamahan ko nalang siya sa trip niya.            Ang trip niya, trip ko na rin para lavarn-lavarn ang buhay natin!            “Hulaan mo,” ang sagot nito. Tinungga niya ang inuming nakalalasing na nakalagay sa maliit na bote. Ginawa pa akong manghuhula ni kapitan. Puwes, tignan ko ang pes niya baka sakaling ito ay magbigay ng sagot sa tanong ko.            “Ahmmm… limang taon?” ang pambibiro ko. Kanina pa siya umiinom pero hinay-hinay lang naman. Hindi pa siya tuluyang nilalamon ng kalasingan.  Hindi ko naman pahihintulutan na mangyari ulit iyong nagkakanda suka siya hangga’t kaya kong pigilan ay gagawin ko.            “O, manghuhula ka pala!” Tumawa siya ng mahina. Tama ang sinabi ko? Ang ibig sabihin, limang taon na nga siyang kapitan sa hukbo ng Acrusa? “Limang taon na?” ang siyang paglilinaw ko. Hindi makapaniwala, Morphie? “Oo nga! Sinabi mo na e.”            “Matagal-tagal na rin pala Kapitan. Hindi na ako magtataka kung bakit bihasa na kayo sa paggamit ng sandata. Gayundin, maraming alam pagdating sa pakikipaglaban,” ang hayag ko. “Ngunit sandali, kung limang taon na kayo sa posisyon. Ibig sabihin, bata pa lang kayo ay naging kapitan na kayo?”            “Ayon oh, tama ulit! Ang galing mo pa lang manghula?” ang sagot niya.            "Hindi naman masyado, kapitan.” Slight keriblls lang naman kapitanchienie. Ito dapat ang sasabihin ko. “Gusto mo bang ikuwento ko nalang sa iyo kung paano at bakit ako naging kapitan?” Halata namang nakukulitan siya sa akin. Minsan kasi hindi ako titigil sa pag-uusisa hangga’t hindi ko nalalaman ang lahat ng gusto kong alamin. Iyon ay kung patuloy akong pahihintulutan ng taong kausap ko.            “‘Wag na kapitan… baka mapagod ka lang.” Ang pagtanggi ko. Nakakapagod din kasing magkuwento. “Kung mapilit naman kayo. Sige ikuwento niyo na, makikinig lang ako.” May punto sa isip ko na baka ibig niya rin na magbahagi ng kuwento niya sa buhay.            I will feel that my existence has so much importance kung gagawin niya iyon!            Tinungga niya muli ang boteng hawak niya bago mag-umpisa. “Disisyete lang ako nang maging kapitan ako. Hindi si ama (si heneral) ang nagpasok sa akin. Ang lahat ay bunga ng sarili kong pagsisikap. Kagaya niyo, gusto ko ring maghiganti sa mga Mutuah dahil sila ang pumaslang sa nanay ko, ang kapatid ng mahal na Reyna. Bata pa lang ako nang maganap ang araw na iyon, maaga akong naulila sa ina kaya sobrang galit na galit ako nung mga panahon na iyon sa mga Mutuah. Ngunit, walang magagawa ang musmos na tulad ko para labanan ang puwersa nila.” Paghihiganti at katarungan, ayan ang inaasam ng lahat.            Kung bata pa lang si kapitan no’n, sigurado akong iyon din ang araw na pinaslang ng mga Mutuah ang mga magulang ko.            “Sobrang nagdamdam at nalungkot din si ama noong mga panahon na 'yon pero hindi niya dapat ipahalata ang tunay niyang nararamdaman dahil siya nga ang heneral- isa sa matibay na sandalan ng Lepidoria. Kaya pinangako ko kay ama, simula bata ako hanggang ngayon ay binugbog ko ang sarili ko sa pagsasanay. Nanalo ako sa labanan, at ang naging kapitan. Maging mismong si ama ay kinalaban ko para patunayan sa lahat na karapat-dapat ako sa posisyong mayroon ako ngayon.            “Hindi ako bulag at manhid upang hindi malaman kung ano ang tunay na nagaganap sa paligid. Dumaan na ako sa sitwasyon kagaya nalang ng kung anong pinagdaraanan niyo. Kahit anong ipilit ko, bigo pa rin akong gawin ang paghihiganting nais ko. Ito ay ang pagbibigay ng katarungan sa buhay ng aking pinakamamahal na ina," saglit siyang huminto. "Kaya sana, maintindihan niyo kung bakit sobra higpit ko pagdating sa pagsasanay dahil gusto ko na mas maging mahusay pa kayo- mas maging handa para sa malaking digmaan. Darating ang araw na iyon at ito ang magdidikta kung anong lahi ang patuloy na mamumuhay at maghahari sa mundo ng Insectia.”            Siya ang pinakabatang naging kapitan. Malamang, nakatala na ang storya niya sa kasaysayan.  Nakikita ko na malaon ay siya rin ang papalit sa posisyon ng kaniyang ama- bilang Heneral. Hindi nga rin ako nagkamali sa pakawari ko na kaanak siya ng reyna. Wala akong ideya na ang nanay niya ay kapatid ng mahal na reyna. Tiyak naman na may kapangyarihang taglay rin ang nanay niya, pero wala, naranasan din nito ang hagupit ng kasamaan. Hindi rin siya nakaligtas.            “Hindi rin pala nagkakalayo ang kuwento nating dalawa kapitan,” ang wika ko. Gumuhit kasi sa emosyon niya ang maliit na porsiyento ng kalungkutan. Na-miss niya rin ang kalinga at presensya ng kaniyang ina.               “Bakit, ano ba ang nangyari sa iyo?”            Umayos ako ng pagkakaupo upang ako naman ang mag-umpisang maghayag ng aking kuwento. “Mabuti nga ikaw kapitan at may tatay pa…” I don’t want to be so emotional right now. “Ako, kahit isang magulang ay matagal nang wala." Ngumiti ako sa kaniya. "Noong araw na nagdurusa ka, iyon din ang araw na binawi ng mundong ito ang karapatan kong mangarap at lumigaya- ang araw din kasing iyon ang pagkamatay ng tatay at nanay ko.” Matagal ko na itong naibahagi pero hanggang ngayon, hindi pa rin gumagaan ang bigat sa dibdib ko. “Simula nang araw na iyon. Pinilit na naming namuhay ng ampon ni tatay sa sarili naming mga paa. Hindi pala ako mag-isa na namuhay… may kasama ako, pero agad din siyang pumasok sa palasyo dahil gusto niya ring maging miyembro ng Cavalleros."            “Puwede ko bang malaman kung sino ang tinutukoy mo?” ang pagsingit niya sa pagku-kuwento ko.            “Si Psycher, kapitan. Simula nang paslangin ng mga Mutuah ang mga taong lobo, kinupkop na siya ng mga magulang ko. Kapatid na ang turing naming dalawa sa isa’t-isa.”            “Ayown! Nagkakausap rin kami ni Psycher. Natatandaan ko pa na sabay kaming nagsasanay dati. Bago pa man ako tuluyang maging kapitan, pumasok na siya sa pagsasanay kaya nagkasama kaming dalawa,” gumuhit ang ngiti sa labi ni kapitan.            Hindi ko inaasahan ito. May close relationship at bonding moments si kapitan at Psycher. Kung nagkasundo silang dalawa. Ibig sabihin lang no’n na kaming dalawa ni kapitan ay puwede rin. Hindi naman ako hirap na makibagay kahit kanino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD