Chapter 33: THEM

1196 Words
Morphie  KUMAGAT na ang dilim sa liwanag ngunit wala pa rin kaming humpay sa pagpapalitan ng mga kuro-kuro sa buhay. Not good ba kung isipin nalang at sabihin ng paulit-ulit na siguro naman hindi nahahalata ni Kapitan ang pagiging malambot ko dahil ginagawa ko na ang buong makakaya ko para maging matigas lang ang bisig ko. Hmmm… seems that redundant and over used na iyan sa akin. Ito ang natural response ng mind ko e. Wala akong magagawa. Hindi ko naman kayang pigilan ang pag-atake nito. Kumabaga, I am powerless when it comes to this enemy. Pero… sino ba naman ako?            Kapansin-pansin harapan namin na patuloy pa rin ang pagbabaga ng mga panggatong na kahoy. Ang tingkad ng kulay pula nilang liyab. Nag-aalab ang tapang, at sa kulay nila makakabas ang hindi kukupas na pagtitiwala sa sariling kakayahan. Ito rin ang siyang nagsisilbing init na dumarampi sa aming nilalamig na balat upang labanan ang lamig na siyang dulot ng simo’y ng hangin. “Morphie? Kapitan!?” Sa hindi kalayuan ay may kumuha ng atensyon naming dalawa ni Kapitan. Sinuri ko ng maigi ang direksyon na pinanggalingan nito upang alamin kung sino siya. Ito ang lalaki na kanina laman ng usapan namin ng kasama ko, si Psycher.            “Psycher?” ang hiyaw ko sa kaniya. Mistulang bata na tinatawag ang kaniyang kalarong pinauwi sandali ng nanay upang maghapunan at ngayon nga ay nagbabalik dahil tapos na at wala nang gagawing ibang bagay kung hindi ang siyang magsaya.   Pero, ano ba talaga ang nagtulak sa kaniya at napadpad siya sa gawing ito? Hindi kaya nakasalubong niya si Noah? Then, they talk about something, like what happened earlier? Overthinking is real na real!            “Halika rito bro, samahan mo kami ni Morphie,” ang sigaw naman ni Kapitan.            Ang cute ng call sign na bro. Short term for brother. Matalas ang paningin ni Psycher. Kaya kahit malayo ang distansya niya sa amin ay nagawa niya kaming makita gamit ang malinaw na lente ng mga mata. Natural lang sa lahing pinaggalingan ni Psycher ang magtaglay ng ganoong uri ng kakayahan.            “Mukhang nagkakasarapan kayong dalawa ngayon, ah?” ang wika nito nang siya’y makalapit sa amin. Tumingin siya sa akin, at binigyan ako ng matamis na ngiti pero mukhang ang asim-asim niyang tignan ngayon? Zhar! Umupo siya sa tabi ko, sa kabilang gilid. Sa other side kasi ay doon naman nakaupo si kapitan. Pinagitnaan pa talaga ako ng dalawang lalaking ito? Sige, paano na iyon, paano na ako makagagalaw niyan ng maayos? Gawin niyo na akong sandwhich kung ito ang magpapaligaya sa inyo. Kulang nalang ay magyakapan kaming tatlo dahil sa magkakadikit. Magkakadikit ang lupang kinalalagyan namin at hindi kami. Hayst… medyo magulo lang.            “Ito kasing si Morphie… kapatid mo pala. Naikuwento ka pa niya sa akin,” ang hayag ni kapitan kay Psycher. Aba, kapitan. Wala naman sanang bukingan diyan, no? What we talked about earlier should not be shared to extended party. Confidentiality is the key and will always be. Gusto mo bang makuha sa iyo ang license mo ng agency? Huh?            “Naku…dinaldal mo pa talaga ako kay kapitan Chrollo?” ang baling sa akin ni Psycher. at tumingin naman kay Kapitan. “Hindi kami magkapatid niyan, kapitan. Huwag kang maniwala,” ika niya.            “Hindi ko naman sinabi kay kapitan na buo tayong magkapatid,” ang depensa ko. Hmmm… hindi nga kami magkapatid, pero kung makareklamo siya, tila ayaw niya na maging magkapatid kami?            “Tama. Iyon lang ang sinabi ni Morphie na parang kapatid na ang turing niyo sa isa’t-isa,” ang segunda ni kapitan.            Oh ‘di buh? Siya din kasi ang pasimuno. Siya ang nagsabi kay Psycher na magkapatid kami kahit wala naman akong sinabing ganoon.            “Ano pa bang sinabi mo tungkol sa akin bukod doon?” ang tanong sa akin ni Psycher.            “Secret, walang clue. Ayaw kong magbigay.” Nginisihan ko nalang siya. He doesn’t need to know everything about him that I shared to others.            “Malapit nga kayong dalawa sa isa’t-isa,” ani ni Kapitan. “Hindi na nakapagtataka.”            “Isda ba iyon?” Nanlaki ang mga mata ni Psycher nang makita ang bagay na nasa ibabaw ng dahon.            “Yeah, bro. Tikman mo, ang sarap. Nagustuhan nga iyan ni Morphie.” Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero sa tuwing babanggitin ni Kapitan ang pangalan ko, tila nagkakaroon ako ng panibagong malakas na enerhiya na humihitak sa akin upang labanan ang panibagong araw na darating.            Iba na iyan, Morphie! Mag isip-isip ka ng maayos. Clear your mind. Own your life. Own your decision. Hmmm.... ibing sabihin ba, motivation mo si Kapitan? Source siya ng drive mo to dream and push forward?            “Kailan ka pa natutong kumain ng isda?” kunot noong tanong sa akin ni Psycher. Hindi naman ako kumain ng lason. Bakit gan’yan siya makatingin? Kung apoy siya at plastik ako. Malamang, lusaw na ako ngayon. Pero kasi nga dati, sa tuwing isda, o karne ang uwing pagkain ni nanay at tatay, hindi ako nakain. Tatanggapin ko nalang siguro na maarte ang sikmura ko, ayaw nitong tumanggap ng pagkaing hindi prutas at gulay.            “Ngayon ko lang siya natuto. Tinuruan ko nang mawala ang pagiging inosente,” naging mas madaldal na si Kapitan nang dumating si Psycher e. Close kasi e. We are less talk when talking to certain people you are not closed with, but once sa friends mo, your bubbly and joyful soul show.            “Baka magsuka ka mamaya. Manibago ang tiyan mo dahil ngayon lang nalagyan ng isda iyang sikmura mo,” kita ko ang pag-aalala sa mga tingin niya. Pag-aalalang may kasamang inis? Namana niya through process ang ugali ni tatay pagdating sa pag-aalala sa mga mahal sa buhay. “Lutong-luto ba ang isda, kapitan?”            “Sira!” Napangisi nalang ako. Parang praning kasi, pero I felt importance.            “Oo, bro. Matagal nakasalang sa baga bago namin kainin.”            Kilala ko si Psycher. Pilit na ngiti lang ang sinukli niya kay Kapitan. Mukhang hindi siya totoong masaya na sa mga oras na ito. He’s not good ata na sa wakas ay nakatikim na ako ng karne ng isda.   Tama si kapitan na ang pagka-inosente ng kaluluha ko pagdating sa ganitong bagay ay tinakasan na ako. I am now totally free from their possession because I chose to conquer.            “Masarap nga pala kapitan!” Bulaslas ni Psycher nang malasahan din ang masustansyang laman ng isda.            “Sabi ko naman sa iyo, pakakainin ba kita ng hindi masarap? Ubusin mo na iyan. Nabusog na kami ni Morphie. Marami-rami na rin kaming nakain bago ka dumating,” sagot naman ni kapitan. Inabot niya kay Psycher ang bote ng alak na kanina niyang iniinom.  “Alak bro kapag gusto mo. Pang-banlaw.” Nasa kalahati pa ata ang laman nito.            “Aypon! Matagal na rin akong sabik sa alak. Ubusin ko na ha?”            Hindi ko na iibigan ang asta ni Psycher. Mayroong kakaiba sa mga kinikilos niya. In the middle of us talking about things, bumagsak ang mga malilit na tipak ng bulaklak mula sa mga punong nakapaligid sa amin.            There is a rain of flowers, only in this specific direction. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD