Morphie
GAMIT ang aking kanang kamay ay walang pag-aalinlangan kong hinawi ang nagsisilbing tabing sa kubong tinutuluyan naming magkakaibigan upang kausapin si Noah ukol sa ginawa niyang pag-iwan sa akin nang nag-iisa sa tabing tubig.
Nabigo akong makita ang hinahanap ko dahil bakanteng espasyo at mga ilang bilang ng kagamitan ang bumungad sa akin. Wala sa loob sina Noah at Mura. Nasaan kaya ang mga ito? Malakas ang kutob ko na bumalik na rito si Noah dahil kapansin-pansin na nakasalansan na ang ilang gamit niyang nakahalang kanina. Nakasabit na rin sa kahoy ang basa niyang kasuotan.
He went here first to organize his stuffs, then later on ay umalis ulit. Ganoon na nga siguro. Mabuti pa ang damit niya at maayos na nakasampay, samantalang ang sa akin ay natuyo na nang hangin kanina habang nakasuot pa sa aking katawan.
Kailangan kong hanapin ang betla na iyon dahil sigurado akong hindi ako makaktutulog hangga’t hindi ko nalalaman ang dahilan nang biglaan niyang pag-alis kanina. Ngunit saan ko naman kya siya hahanapin? Eh, sa laki ng Iraqui at madilim pa ang kalangitan. Baka abutin na ako ng umaga ay hindi ko pa rin magawang makita miski ang kanino nito.
Kaya nga hahapin mo, Morphie ih, kasi hindi mo alam? Kung alam mo kung nasaan siya, hindi hahanapin ang tawag doon. Pupuntahan mo lang siya, ganern! Isip-isip din kapag there’s a free time. Free lang naman ito.
Oh siya, hinakbang ko muli ang mga paa ko palabas ng kubo namin. Tiyak ako na may mga gising pa sa mga oras na ito. Sila ang mga naatasang magbantay sa katahimikan ng gabi. May ganoon na ngayong eksena, para maka-sure at prepared na kami if may kakaiba silang devil energy na mararamdaman sa paligid.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad sa paligid. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang dalawang Acrusa na nakatayo sa labas ng kanilang kubo. Sabi ko na nga ba at may gising pa. Maaari ko silang pagtanungan. Baka napansin nila ang mga kaibigan ko. Tuluyan na akong lumapit sa mga ito at hindi na nahiyang magtanong pa.
“Magandang gabi mga ‘tol!” ang batik o.
“Uy, Morphie ikaw pala iyan,” gulat na bati naman ni William.
“Bakit gising pa kayo? Hindi pa ba kayo nakakatulog o kagigising niyo lang?” ang bati ko sa kanila. Ang dami kong tinanong to sound more approachable. Eh?
“Magandang gabi rin sa iyo. Hating gabi na ah… bakit hindi ka pa namamahinga?” saad naman ni Jolo.
Huwag niyo akong linlangin. Alam kong mayroon kayong kaalaman sa pagkawala ni Noah? Umamin na kayo! Eh kayo, hindi niyo sinagot ang tanong ko, bakit hindi pa rin kayo namamahinga? Pero, hindi ko na sinabi iyan.
“Hinahahanap ko kasi si Noah. Baka nakita niyo siya?” ang wika ko ng pakay ko kung bakit ko sila nilapitan.
Nagtinginan silang dalawa. Mukhang inalala pa kung nakita nga ba nila ang taong hinahanap ko. So, mukhang may kaalaman nga sila? Hmmm…
“Ah… si Noah ba? Doon namin siya nakitang gumawi paakyat ng bundok.” Tinuro ni William ang little mountain na nasa harapan namin. Little siya, kasi hindi malaki, hindi rin maliit. Middle and cute size.
“Sige, salamat sa inyo,” ang paalam ko sa kanila. “Pagbutihin niyo ang pagbabantay.” Kailangan ko nang magmadali. Baka kung ano pa ang pumasok sa isip ni Noah at tumalon siya sa bundok. Over acting lang ako, mayroon nga pala siyang pakpak, hindi siya mahuhulog.
Paalis na sana ako ngunit nagsalita si Jolo, “Sandali, Morphie.”
“Ano iyon?” Nais pa ata ng dalawang ito na magdaldalan kami.
“Malapit pala kayo sa isa’t-isa ni Kapitan. Hindi mo manlang nabanggit sa amin,” ang hayag nito.
“Para hindi ka na magtaka kung paano namin nalaman ay nakita namin kayo kanina sa tapat ng tubig. Kumuha kami ng tubig nitong si Jolo. Mukhang nag-iihaw pa kayo ng isda ni Kapitan?” ang segunda naman ni William.
Sinasabi ko na nga ba, mga marites ang mga lalaking ito! Ems. So, nakita nila kami kanina ni Kapitan? Sana naman huwag nilang isipin na sumisipsip ako kay Kapitan at nagpapalakas kaya dumirikit ako rito.
“Ah… hindi naman kami ganoon kalapit sa isa’t-isa. Nagkataon na nag-iisa lang ako sa tabi ng tubig tapos dumating si kapitan para manghuli ng isda. Tinulungan ko siya hanggang sa mag-usap na kami.”
Ah… talagang nagpaliwanag pa ako sa kanila, no?
“Akala ko naman malakas ka na sa kaniya.”
Akala mo lang iyon, pero hindi ka sure.
Muli akong nagpasalamat sa kanila bago tuluyang umalis. Goodies naman ang mga iyon kaya I am trusting them na nadoon nga si Noah sa ituktok ng bundok. Binuka ko ang mga pilak kong pakpak at lumipad patungo sa sinabi nilang lugar.
Hindi rin naman nagtagal at nakarating ako roon. Tama sina Jolo at William, nandito nga si Noah. Kasalukuyang nakatalikod ang posisyon niya sa akin. Nakaupo siya sa duyan na gawa sa baging at tila napakalayo ng kaniyang tinatanaw, nakatingin siya sa kawalan.
Nagdadalawang isip pa tuloy akong lapitan siya. Baka hindi niya gusto ng kausap sa mga sandaling ito kaya nais niyang mapag-isa at lumayo-layo ng lugar. Hindi kaya kung lalapitan ko siya ay maabala ko lang siya sa pag-iisa niya at mas lalo lang siyang mawala sa mood?
Pero, anong saysay nang pagpunta ko rito kung hindi ko rin naman pala siya makakausap? Hindi kaya pagsasayang lang ng oras ang ginagawa ko? Whether he likes it or not. Lalapitan ko pa rin siya at walang sinuman ang may kakayahan na pumigil sa akin. Zhar!
“Lapitan mo na siya. Hindi mo malalaman ang sagot sa mga tanong mo kung hindi mo siya kakausapin. You are friends. You have strings to connect to each other when it comes to this moment.” May nagsalita sa gilid ko. Pamilyar sa akin ang boses niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na lingunin ito.
“Hela?” mahinang tawag ko sa kaniya.
Tama ako sa nakikita ko. Buhay si Hela. Nandirito siya. Nagbalik siya.
“Yes, ako nga ito Morphie. May nakakagulat ba roon?” ang sagot nito.
“True ba? Nagbalik ka nga?” Kung may katawan lang siya na katulad nang sa amin, nasakal ko na siya sa mahigpit na yakap.
“Sa true! Do you want me to pull you hair and tie them to the trees just for you to realize na ako ito si Hela at nagbalik ako.”
“Okay, fine! Naniniwala na ako,” ang pagsuko ko.
“Sinabi ko naman kasi sa iyo, hindi ba na ako ang magiging gabay mo at kahit na anong mangyari ay hinding-hindi ako lalayo sa tabi mo.”
Ganiyan ang salitaan ni Hela. Wala siyang pinagbago. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita. Masaya akong malaman na maayos at ligtas siya.
“Mabuti naman at nakaligtas ka rin? Saan ka ba nagtungo at bigla ka nalang lumisan na parang bula? Hindi ka manlang marunong mag-say ng farewell bago ka tuluyang mag-iwan,” ang salita ko sa kaniya na may halong pagtatampo.
“Huh? Why would I do farewell eh hindi ako lumisan sa Iraqui. Nandito lang ako sa bundok na ito. Dito mismo sa kinatatayuan mo. Kayo nga ang umalis nang hindi ko nalalaman. Nito ko nalang narinig na nanggaling pala kayo sa Flora herbal. I am happy na nakabalik na kayo. Nalumbay rin ako sa amoy mo… slightly amoy putik.”
Maiiyak na sana ako sa drama niya kaso inasar niya pa ako.
“Patawad kung hindi na kita nagawa pang hanapin. Nagmamadali kasi kaming pumunta sa Flora Herbala para magamot ang mga kasamahan namin, u know naman iyon, ‘di bey? Nag-aalala sa iyo si nay Indang, akala niya ay tuluyan mo na akong iniwan,” pagkukuwento ko.
“Hmmm… ibig sabihin nito, naikuwento rin sa iyo ni BFF Indang ang tungkol sa kung paano kami nagkita at nagkakilala?” ang usisa niya.
Tumango naman ako at ngumiti. “Yes. Alam na alam, ah? Hinahanap ka kasi ni nay Indang sa akin tapos noong sinabi ko na bigla ka nalang nawala kasama ng mga gamit ko, doon naging emosyonal na siya ng maliit na percentage at hindi na niya napigilan ang sarili na maikuwento ang tungkol nga sa sinabi mo.” Lumunok ako ng laway sandali. Kanina pa ako salita nang salita. Natutuyuan din ako no. “Pero…”
“Pero… ano pa Morphie? May iba pa ba siyang sinabi tungkol sa akin na kailangan kong malaman?” ang sunod-sunod niyang tanong.
“Teka. Isa-isa lang ang tanong, keri ba? Kailangan kong huminga even just a minute.” Humawak ako sa dibdib ko dahil medyo kinabahan ako nang makita ko na lumabas ang malalaking pangil niya.
Ang mamhie Hela niyo, gigil na!
“I-say mo na kasi para hindi na tayo magtagal! Pabitin ka ih. Fabricated story lang ata iyan?”
Nababawasan ni Hela ang pag-iisip ko dahil kapag kasama ko siya, malaya akong ilabas ang pagkatotoo ko. Walang pangamba at takot. Hindi katulad kapag kasama ko ang mga kalalakihan sa hukbo. Bigla ko tuloy naalala si Noah. Siya nga pala ang misyon ko kung bakit ako nagtungo rito. Nakita kong nagduruyan pa rin siya.
Sasabihin ko na nga kay Hela ang kasunod ng sinabi kong ‘pero...’
“Pero hindi ka niya tinawag na bestfriend,” ang sabi ko. “Nakakalungkot pero gusto kong sabihin na baka hindi bestfriend ang turing niya sa iyo.”
“Huwag mo akong ginaganyan, Morphie. Kapag naasar talaga ako, baka matuklaw nalang kita,” nakakatawa siyang magbanta. Hindi nakakatakot.
“Mamaya mo nalang ako tuklawin kapag nakausap ko na si Noah. Pupuntahan ko na ang kaibigan ko. Okay ka na riyan?”
“Oh siya, just wishing you well. Sana magkaayos na kayong tatlo.” Teka, alam niya ring may hidwaang nagagamitan sa aming tatlo? Si Hela talaga. Lahat ng happening ay knowsung.
“Salamat.”
Huminga ako ng malalim at hinakbang ang aking mga paa palapit kay Noah. Final decision na nga ito. I’ll invade his privacy.
May naisip akong palabok nang makalapit ako sa likuran niya. Pinigilan ko ang baging na sinasakyan niya.
“Shuta!”
“Wah!”
Nagkasabay ang sigaw namin dahil nagulat ako at nahulog si Noah sa duyan. Ako ang may kasalanan dahil pinigilan ko ang baging. Gusto kong matawa pero ayaw ko rin. Hindi ko naman inaasahan na aabot ito sa ganito.
“Araayyy!!!” ang inda niya habang inaalog ang ulo. “Sinong hangal ba ang pumigil ng duyan? Namamahinga ang taong paruparo eh. Namumuwisit. Kung wala kang magawa. Itusok mo ang bato sa mata mo.”
Hindi ako makapagsalita. Kinakabahan ako. Baka mas lalo pa siyang magalit sa akin dahil sa nangyari.
“Morphie!?” Gulat na gulat siya.
“Noah?” nagulat din ako sa lakas ng sigaw niya. Ay Morphie, umayos ka nga! Huwag kang palutang-lutang! Go and tie yourself in the air until you can no longer breathe air!
“Sorry, Noah. Hindi ko sinasadya na mahulog ka.” Tinulungan ko siyang makatayo pero umiwas siya. Sensitive ‘yarn?
“Anong ginagawa mo rito? Paano mo ako nasundan?” Pinagpagan n’ya ang suot niya dahil may ilang mga tuyong dahon ang kumapit roon. Parang dinulubyo ang itsura ni Noah ngayon.
“Mag-usap tayo, friend.” Hinawakan ko ang kamay niya. Gusto kong iparamdam sa kaniya na walang ibang magtutulungan rito kung hindi kaming lang dalawa. Walang ibang nakaaalam ng tunay naming pagkatao kung hindi kami lang rin.
Natagalan siya bago sumagot. Nakatingin lang siya sa kamay ko. Nag-iisip. Hindi niya rin kaya na hindi ako makausap. Hindi niya magawang alisin ang tingin sa kamay ko.
“Sorry, friend.” Nagulat ako nang bumagsak ang mga butil ng luha sa kaniyang mga mata. Naramdaman kong yumakap siya sa akin at doon nagpakawala ng malakas na daluyong ng mga luha at hagulgol.
“Frenny kong mashikip. Mag-kuwento ka. Makikinig naman ako.” Hinimas ko ang likuran niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.
“Maupo tayo sa duyan.” Tumango ako nang nakangiti. “Pero sandali, mangako ka muna sa akin na hindi mo na ako ihuhulog ulit, ha? Ang sakit kasi sa balakang, tuklesa ka ng taon!”
“Sure na nope na, promise. Malay ko ba kasing hindi ka pala nakahawak.” Pinagsaluhan muna namin ang mahinang pagtawa bago tuluyang sumakay sa duyan.
“Start ka na, Tuklesa.”
“I am broken hearted mami kong Morphie ang name.” Tumingin ako sa kaniya. “Oh, don’t stare at me like that, hindi na ako iiyak this time.” Kinurot ko siya, ayaw niya pang ipagpatuloy ang kuwento, ang dami pang commercial.
“May crush ako kay Mura.”
Napahawak ako sa bibig ko gamit ang dalawang kamay dahil sa rebelasyong binunyag niya.
“Sabihin mong hindi iyan totoo! Sabihin mong nagbibiro ka lang!?” ang sabat ko.
“Alam mo, Morphie, nakuha mo rin ang ugali ko. Nananalamin ba ako?”
Pinilit ko na ang sarili ko na magseryoso; may pagkukumpara nang nagaganap. Magkaibang-magkaiba kami.
“Totoo ang sinasabi ko, Morphie. May crush talaga ako kay Mura. Maniwala ka naman sa akin. Actually… hindi lang sa kaniya, pati na rin kay kapitan Chrollo kaya sobra akong nasaktan kanina nang malaman kong hindi pala tunay na lalaki si Mura. Kaya ako nagkagusto sa kaniya kasi akala ko straight siya, pero hindi pala. Do you feel me ba or hindi?
“Ito na ang dahilan mo kanina kung bakit ka nagwalk-out?” ang tanong ko sa kaniya.
“Oo friend. Ang deep no? Hindi mo ba na-take?”
Tataas talaga ang presyon ng dugo ko kay Noah. Wala naman sa isip ko na ito lang ang dahilan kung bakit pati siya ay nagalit sa akin.
“Naiintindihan kita, Noah. It’s normal.” Nginitian ko siya. “Anong nararamdaman mo ngayon?”
“Ito… medyo maluwag na sa dibdib. Knows mo iyon, sa pagmumuni-muni ko rito nang mag-isa, napagtanto ko na wala na akong magagawa kung hindi talaga siya tunay na lalaki. Un-crush ko nalang siya. May time pa naman,” ang sabi ni Noah.
“Bakit mo naman ako ia-un-crush?” Nanlaki ang mata naming dalawa nang may magsalita sa likuran namin. Sabay namin itong nilingon at napanganga kami sa nakita naming nakatayo.
“Mura?”