Morphie
“ARAY!” Sino ba naman ang hindi masasaktan gayong ang mga kuko ni Noah ay unti-unting bumabaon sa hita ko? ‘Panginoong Jesuah, ang tanging hiling ko lang po bago sakupin ng liwanag ang dilim ay pagtibayin niyo ang pundasyon ng braso ko na hindi ito bumigay sa sobrang pagkakadiin ni Noah.’
Wala naman akong magawa, hindi ko naman siya puwedeng biglang sapukin para gantihan, baka mahulog na naman siya kagaya ng nangyari kanina. Kung earlier, mga dahon lang ang dumikit sa katawan niya, baka this time, mga pamantingin na. Zhar!
“Sis, paalisin mo iyan. Nakahihiya,” kalabit sa akin nito habang papalapit sa amin si Mura. Hindi ko maintindihan ng maayos ang sinasabi niya. Parang kasalukuyang palipit ang dila niya.
“Huh?” Naloka ako sa way niya ng pagsasalita. Wala pa man ding nagaganap ay nagiging pabebe na siya.
“Crush mo pala ako?!” ang saad ni Mura kay Noah nang tuluyan na siyang makalapit sa amin. Tumitig siya sa mata ng maharot kong kaibigan at ngumisi. Hinaharot niya si Noah gayong alam na alam niyang nakuha niya ito sa mismong mometo. Narinig niya kung ano ang tuwirang sinabi ni Noah.
Hindi makasagot si Noah. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkahiya. If I can speak to the land na kinatatayuan namin ngayon, the first and foremost thing that I will say, ‘please, eat Noah. He had been good to the world.’
“Huh? Baka iba ang narinig mo,” pagtanggi ni Noah. Suportado ito ng pagkunot niya ng noo niya. Hindi siya makatigin ng diretso kay Mura. Ayan kasi, aamin, tapos hindi naman pala kayang panindigan.
Hay. Ito na nga tayo. Sa panahon kung saan ang dalawang mag-irog ay tuluyan nang nagtagpo at lilikha ng panibagong kuwentong kanilang ibabahagi sa buong mundo.
“Malaki ang awang ng dalawang tainga ko, Noah upag marinig ang likhang tunog ng aking nasa paligid. Hindi ako maaaring magkamali sa narinig ko. Huwag mo akong gawing bingi,” depensa ni Mura.
Sila ang nag-uusap, hindi naman dapat ako makisali sa kanilang dalawa. This is their time to shine, to confront, to clarify what they are both feeling towards each other, who knows that in this point of time, love wins- will shine.
Nakatayo lang ako sa gilid nila. Pinapanood sila. Lilibangin ang aking sarili. Sa mga araw na lumipas, binalot ako ng matinding stress, baka ito na ang tamang araw para naman sumaya ako. Zhar. Hindi naman sila pinilakang tabing parang gawin kong pampalipas ng oras.
“Don’t you ever try to walk out again, Noah. Hindi ka kagandahan,” nakisabat na ako dahil baka maunsiyame na naman ang event na ‘to. Hinawakan ko na siya sa kamay niya upang secured na hindi siya makakatakas muli.
Kailangan talaga nilang pag-usapan ang nararamdaman nila sa isa’t-isa kung si Mura ay may nararamdaman din kay Noah kung anong nararamdaman ni Noah sa kaniya.
“Oo, ‘teh. Huwag kang OA. Bumubwelo lang ako.” Huminga nang malalim ang betla. Tumingin siya kay Mura. Dahil sa nakahawak ako sa braso niya ay ramdam ko ang panginginig nito. “Yes. Tama ang narinig mo… crush nga kita. Pero hindi na ngayon… akala ko kasi tunay na lalaki ka. It’s my fault. Babae ka pala. Pusong binabae naman ako, therefore, hindi tayo talo. Gets the simple logic?”
Ang lambot magsalita ni Noah. Nalilito tuloy ako kung sino ang babae sa kanilang dalawa if ever na magkatuluyan sila. Who knows? My futuristic vision has just activated.
“Buong akala ko simula nung una, tanging ako lang ang nag-iisang mayroong kakaibang kasarian sa hukbo… tatlo pala tayo,” ang wika ni Mura.
Ano ba ang una naming dapat pag-usapan ngayon? Ang tungkol sa rebelasyon ng mga kasarian namin, o tungkol sa pag-amin ng nararamdaman ni Noah kay Mura? Love should prioritize first, sana.
“Pasensya na kung hindi ko sinabi sa inyo nang mas maaga ang tunay kong kasarian. Natatakot kasi akong matanggal sa hukbo. Katulad niyo, may pangarap din ako. Gusto ko rin ipagtanggol ang kaharian sa mga kalaban. Dahil sa babae nga ako, nakakalungkot dahil hindi ako kuwalipikadong pumasok sa malinis na paraan.
“Kaya naisipan kong itago ang tunay kong kasarian para magawa ang mithiin ko. Hindi ko rin naramdaman na may kakaiba rin pala sa inyo. Kung noong una palang ay nalaman ko na, hindi na ako nagkubli pa… sana, wala tayong tinatago sa bawat isa,” ang hayag ni Mura ng panig niya.
Ngayon… alam ko na rin ang pinanggagalingan ni Mura kung bakit mas pinili niyang panatiling lihim nalang ang kasarian niya sa amin. Everyone has a reason for hiding something- a reason wherein time will make a way to reveal it.
“Okay lang iyon, Mura. Don’t feel sorry. What truly matters now ay alam na natin ang sikreto ng bawat isa. We are finally true to our circle? Hindi ba’t ang saya sa dibdib no’n, sa pakiramdam? Na ngayong gabi, wala na tayong tinatago sa isa’t-isa.” Ngumiti sila sa akin.
“Sana lang, walang ibang makaalam nito dahil panigurado na lahat tayo ay matatanggal sa hukbo. Masakit na nga ang parusang iyon, ngunit hindi natin alam kung may mas mabigat pang parusa ang naghihintay sa atin.”
Kagaya ng binigay kong pagtitiwala kay Noah noong inamin ko ang tunay kong kasarian sa kaniya, walang pinagkaiba rito ang pagtitiwala ko kay Mura na mananatiling sikreto lang ang mga sikreto namin. Kami lang ang nakaaalam nito, at hindi na lalabas pa sa iba.
“I am being honest ha!” Nagsalita muli si Noah. Kay Mura nakalaan ang pansin niya. “You hurt my feelings! I thought you were, a STRAIGHT MAN!” Hinampas niya si Mura. Sa pagkakataong ito, tila nabuwag na ang hiya na mayroon siya kay Mura.
“Puwede mo pa rin namang ituloy ang pagkaka-crush mo sa akin. Katawang babae lang ang mayroon ako, pero may pusong lalaki na tumitibok sa katulad mo,” ang wika ni Mura kay Noah. Hindi pa nakuntento at kumindat pa.
“I arrived to conclusion… true na bagay nga kayo. Ikaw Noah, pusong babae ka. Samantalang si Mura ay pusong lalaki naman. Oh Jivaa? Kung ako ay go na kayo sa isa’t-isa. Perfect couple na kayo mga ati!” Pinagtabi ko silang dalawa. “Maupo ka nga rito, Mura. Damhin niyo muna ang presensya ng bawat isa.”
“Morphie!!! Bumalik ka nga rito! Humanda ka talaga sa akin, mamaya.”
“Ano ba? This is your time to shine! Ilabas mo ang powerful power ni Noah!”
Wala na siyang nagawa dahil tuluyan nang tumabi sa kaniya si Mura.
“Hi, binibini?” malambing na saad ni Mura kay Noah at umakbay pa. “Ano Morphie, bagay ba kami?”
Binibini? Hindi kaya binubuni?
“Alisin mo kaya iyang braso mo, ang bigat-bigat! Para kang hindi babae. Maselan! Nagbubuhat ka ba?” Pinipilit na alisin ni Noah ang braso ni Mura na nakaakbay sa kaniya pero nabigo siyang gawin ito dahil nga tunay ang sinabi niya. Isa pang hindi namin nahalata ang pagiging lalaki ni Mura dahil sa laki ng pangangatawan nito.
“Sinabi ko naman kasi sa inyo, babae nga ako pero pusong lalaki ako. Ginagawa ko ang makakaya ko para maging tunay na lalaking tignan ang katawan ko. Ilang buwan ko ring pinaghandaan ang pagpasok sa hukbo. Mabuti at kayo ang naging kaibigan ko.”
“Kaya nga magpasalamat ka. Kung iba ang naging circle mo, baka umiiyak ka na ngayon… kasalukuyan ka na sigurong naglalakad pauwi sa inyo,” si Noah.
“Hindi naman ako marunong umiyak no.”
“Che! Ang yabang mo!”
“Syempre, kapag iniwan mo ako. Iiyak talaga ako no’n,” Mura pouted like a baby who is waiting for her milk.
“Tara na, Morphie, Iwanan na nga natin iyan nang umiyak.” Tatayo na sana si Noah pero pinigilan siya ni Mura.
“Ito naman, nagtampo agad? Dito ka lang sa tabi ko. Bebe time muna, bago tayo bumalik sa kuta.”
Ay jusko! Nagbabadyang dumanak ang daluyong ng ihi ngayon sa gawing ito dahil sa kilig ko sa kanila. Hindi ko naman inaasahan na ganito pala ka-sweet maging Jowa si Mura. Clingy to the highest level e! Likas ba ito sa kaniya o resulta lang ng pambibiro?
“Kayo na agad? Wala manlang ligawan stage na magaganap? Just for formality lang kahit isang araw? Kung ayaw niyo, kahit 30 minutes lang basta masabi lang na may ligawan stage muna!”
“Wala nga, Morphie. Itigil mo iyang cheerful soul mo. Hindi nga kami talo at walang magaganap na ligawan!” Matigas na sabi ni Noah.
Ay, sige, bakit parang fault ko pa na i-support ang love story nila? Okay. Madali naman akong kausap, simula ngayon ay hindi ko na sila pakikielaman sa lahat ng gusto nilang gawin sa buhay-buhay nila. Ems.
“Paaanong hindi talo ang sinasabi mo? Uulitin ko Noah, makinig ka. Pusong lalaki ako, pusong babae ka naman. Oh, paanong hindi tayo talo niyan? Nararamdaman ko ang tunay na pinipintig ng puso mo, maging totoo ka naman sana sa nararamdaman mo.”
“Hindi ko alam. Hindi ko rin maintindihan.” Tuluyan nang umalis sa duyan si Noah. “Teka lang, bakit mo ba pinagpipilitan na we are compatible, may gusto ka ba sa akin? Crush mo rin ba ako?” Mas tumindi ang komprontasyon ng dalawa. Sino kaya ang magwawagi sa kanila? Teka lang, wala namang labanan, walang magwawagi.
“Paano kung sabihin kong, oo? May magagawa ka ba? Mababago ba nito ang desisyon mo?” ang mabilis sagot ni Mura.
Pati ako ay nagulat sa sinabi niya. Ibig sabihin, may tinatago silang nararamdama sa isa’t-isa?
“Pigilan mo ang nararamdaman mo, Mura. Hindi maaari. Kapag may nakahalata sa atin ni isang miyembro sa hukbo, ipapatapon tayo sa lupain ng kawalan. Ayaw kong mangyari iyon,. Ipaghihiganti ko pa ang lolo at lola kay Acanthovalva,” ang katwiran ni Noah.
Si Acanthovalva, siya ang reyna ng mga Mutuah.
“Walang makakaalam nito bukod sa ating tatlo. Hindi natin ipapahalata kahit kanino. Kung ang kasarian nga natin ay nagawa nating itago, ito pa kayang pagmamahalan nating dalawa?” Lumuhod si Mura sa harapan ni Noah. Kumpirmado! Si Noah nga ang babae sa kanilang dalawa. “Bigyan natin ng panahon ang isa’t-isa. Pero sana, huwag nating isawalang bahala nalang ang pag-ibig na namumuo…”
Hindi na natapos pa ni Mura ang sasabihin niya dahil bigla siyang pinaluputan ng baging na sinasakyan namin kanina. Inagat siya nito papunta sa itaas ng punto.
“Iligtas natin siya, Morphie!” sigaw ni Noah. Tumango ako sa kaniya. Akmang gagamitin ko ang singsing ko para ipanghiwa sa baging ngunit nakidalo sa eksena ang dambuhalang tutubi, si Crozzette.
“Sino siya?” ang gulat ni Noah.
Gamit ang pakpak ni Crozzette, hiniwa niya ang baging at iniligtas si Mura. Bumaba sila muli, at binalik nang ligtas sa aming kaibigan.
“Sa susunod ay doublihin niyo ang pag-iingat. Paminsan ay mahiwaga ang mga bagay na naririto sa Iraqui, sa tagal nang walang naninirahan dito, marami nang nagbago.” Matapos sabihin ito ni Crozzette ay nawala nalang siya nang parang bula. Hindi ko na nagawa pang mgapasalamat sa kaniya.
Baka busy siya o marami pang pending acts kaya super nagmamadali.
“Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Noah kay Mura. “Mag-iingat ka kasi next time!”
“Makita ko lang ang ningning sa mga mata mo ay ayos na ulit ako,” sagot naman ni Mura at bumaling sa akin. “Kilala mo ba iyong dambuhalang paruparo?”
Umiling ako sa kaniya at hindi sinabi ang katotohanan. “Nope, baka napadpad lang dito iyon. Mabuti at niligtas ka niya.”
“Oh siya- oh siya. Mas mabuti kung bumalik nalang tayo sa kuta, baka kung ano pang nilalang ang makasalubong natin rito.” Sumang-ayon kami sa desisyon ni Noah.
“Kapag ganitong oras siguro sumasalakay ang mga likas na pahamak,” ang wika ko.
Tuluyan na nga kaming bumalik sa kubo namin. Hanggang sa pagtulog, hindi matapos-tapos ang pagtatalo ng dalawa.
Nasasabik na akong makita kung ano ang magiging eksena nilang dalawa bukas. Hmmm…. will the love continue?