Morphie
PANIBAGO na naman itong araw na bigay ng Maykapal. Minulat ko ang dalawa kong munting mata dahil sa mga ingay na binibigay ng mga insekto sa paligid. I deeply need to concentrate this day ‘cause this is a newly answered opportunity- bagong pag-asa na naman ito upang kumalap ng makabagong kaalaman pagdating sa pakikipaglaban.
Let’s wake up! Catch them, and fight!
Papatayo na sana ako ngunit may pumigil sa akin dahil mabilis na rumagasa sa mga ala-ala ko ang mga naganap nitong mga nakaraang araw. Hmmm… did something happen? It’s very exciting to begin this day! Kinikilig ako na parang timang.
Naramdaman ko na hindi ako nag-iisa sa higaan. Tinabihan siguro ako ng dalawa. May kaniya-kaniya naman kasi kaming puwesto ng higaan. Hindi naman kuwarto, pero mayroong division. Binaling ko ang tingin ko sa dalawang taong kasama ko sa kubo. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi dahil sa hindi inaasahang pangitain na bumungad sa akin.
Si Noah at Mura, ganito ang eksena nila… magkalapit ang mga bisig sa isa’t-isa na animoy mga uhaw na linta na higit na kinakailangan ang dugo ng bawat isa upang magpatuloy na mabuhay at maipagpatuloy ang pangangalap ng kaalaman.
“Morphie, huwag mong alabalahin ang dalawang iyan. Hayaan mo lang silang damhin ang matamis na yapos na hatid ng bawat isa,” may tinig na bumulong sa kaliwa kong tainga. Bumaling ako rito dahil wala namang ibang naririto sa kubo kung hindi kaming lang tatlong magkakaibigan.
Kita ko na masayang natutulog ang dalawa kung kaya’t buo sa isip ko na hindi sila ang nagsalita. Hindi pa naman, I think, nagsasalita sina Noah at Mura nang tulog. Wala dito ang bumulong sa akin. Maharil kinukubli niya ang sarili niya at ayaw na magpakita.
Kung sino ka man. Kung saan ka man nagtatago at kahit gaano man kalakas ang puwersa mo. Magpakita ka sa akin. Hindi kita lalabanan. Talk lang tayo, prawnmise!
Sa dinamirami ng sinabi ko. Si Crozzette lang pala ito. Hindi siya nakaanyong dambuhalang tutubi kung hindi gamit niya ang ordinaryo niyang katauhan. Ang puting katiting na langgam.
“Nagbalik ka, Crozzette! The original and very cute one! Saan ka ba naglalalagi?” ang saad ko.
Matagal-tagal na rin simula nang huling makita ko ang anyo niyang ito. Sa tantiya ko ay mayroon na itong tatlo o limang umaga. Maaaring apat na gabi, tatlong umaga, o kaya naman ay maaaring mali ang sukat ko?
“Hindi naman ako umalis Morphie… parati lang akong nasa tabi mo. Tanging ikaw lang ang hindi nakapapansin sa presensya ko. Ako, sa lahat ng galaw mo ay nakasubaybay ako,” ang tuwirang wika niya.
Wala naman akong kasalanan kung bakit hindi ko siya napapansin. Sumobra na ang pagka-busy ko kaya’t hindi ko na namalayan na parati pala siyang nand’yan sa tabi ko upang always akong gabayan. Hay, Crozzette! Ara’t ibabahay na kita!
“I don’t aware na nand’yan ka pala parati sa tabi ko. Ang tanging alam ko ay darating ka lang sa tuwing kinakailangan ko ng tulong galing sa iyo,” ang pag-amin ko ng nasa isip ko. Ito rin kasi ang salitang iniwanan niya sa akin kaya ito ang patuloy na pinanghahawakan ko.
“Nais ko lang linawin sa iyo na parati lang akong nandito. Nakita ko nga kayo ni Chrollo kagabi… hindi lang iyon, nakita ko rin ang biglaang pagdating ni Psycher kaya tunay na naabala kayo sa pag-moment niyong dalawa. Umeksena ang kaibigan mo, no?”
Kailangan ko pa bang mahiya sa kaniya gayong alam ko naman na unang pa lang ata na nabuhay ako sa mundong ito ay nandy’an na siya at parating nakasubaybay sa bawat kilos ko? Eh baka nga bawat formation ng small and large intestine ko ay memorized niya. Pero iba kasi ang isang ito, nakita niya kami ni Kapitan Chrollo na magkasama kagabi, nag-ihaw nga kami ng isda at iyon ang unang pagkakataon ko na nakatikim ng karne ng lamang dagat!
“Alam mo naman, noong unang araw na natuto kang ilakad ang mga paa at ibuka ang mga pakpak mo, ramdam ko na ang tunay mong pagkatao, at ang dugo na nananalaytay diyan sa katawan mo ay kaiba sa karamihan. Wala kang kailangang itago sa akin, Moprhie. Aminin mo na may tinatangi kang pagtingin sa kapitan ng inyong hukbo.”
Eh, ano pa nga ba ang sasabihin ko? Mukhang sa sinasabi niya, mas kilala niya pa ang pagkatao ko kaysa sa sarili ko. Teka lang, kailangan ko na bang tanungin ang sarili ko, may nararamdaman nga ba ako kay Kapitan Chrollo? Hmmm… hindi pa ako nakatitiyak pero alam ko sa sarili ko na wala. Wala pa sa ngayon, at pipilitin ko ang sarili ko na pigilan kung ano man ito.
“Oo, Crozzette, alam kong alam mo ito, matagal na. Nauna ka pa ata sa aking nakaalam ng tunay kong pagkatao. Sa lahat ng nilalang nakasalumuha ko, ikaw talaga ang unang-una na nakaalam. Pero sasabihin ko lang sa iyo na wala akong nararamdaman kay Kapitan Chrollo, wala pa sa isip ko iyon Crozzette,” pagsasabi ko nang nararamdaman ko sa kasalukuyan. Ayaw kong tumalon patungo sa hinaharap nang hindi ma malinaw sa akin kung ano mang nararamdaman ko.
No one knows what future holds. Hindi ako sigurado. Baka siya, may kakayahan na makita ang hinaharap.
“Bawal magsalita ng tapos, Morphie. Baka idura mo rin iyang pagtanggi mo sa sarili mong palad pagdating ng panahon.”
Matapos niyang banggitan ang mga linyang ito ay sumabay ang kan’yang katawang lupa sa hangin na umihip patungong kawalan.
“Shuta ka, friend!” Halos mapatalon na ako sa gulat na naramdaman. Alam kong nanggaling lang ang pagsigaw na ito sa loob ng kubo. Nakita ko ang gulat na mukha ni Noah, samantalang si Mura naman, tumalsik sa isang tabi malapit sa tuyong dahon na nakatali sa poste.
“Hoy! Ang aga-aga ang ingay niyong mag-jowa!” ang pang-aasar ko. Nakakarindi sila sa pandinig ha! Hindi kaya cute to hear.
“Ikaw!” Bumaling sa akin si Noah. “Aminin mo sa akin na ikaw ang may pakana nito!”
He’s throwing me a false accusation?
Napahawak ako dibdib ko. “Huh? Bakit ako? Paninisi ba iyan?” With all my heart, I know that I am innocent. Hindi ko nga rin alam kung ano ang sinasabi niya.
“Morphie, alam ko ang pilyong kinukubli mo sa gilid ng iyong isipan. Ikaw ang nakikita kong dahilan kung bakit nakayakap sa akin itong si Mura. Pinagkakaisahan niyo akong dalawa!? Sumagot kayo! Naghihintay ako ng paliwanag sa mga tanong ko! Ano, tutunganga nalang ba kayo riyan? Nagiging pipi na kayo instantly? Huh?” ang eksena nitong si Noah.
Binali ko ang sanga sa haliging puno sa gilid ko at binato iyon kay Noah.
“Aray naman!”
“Paano kami makapagsasalita kung hindi matigil-tigil ang iyang bibig mo!? Sobrang dami mong sinasabi, Noah. Bakit hindi mo tanungin si Mura kung bakit kayo magkayakap?” ang sagot ko.
Tumingin sa amin si Mura. Napalunok siya ng laway at mukhang nag-iisip ng kung ano ang idadahilan niya. “Ah-eh, Noah… nilamig kasi ako kaninang madaling araw. Tapos ikaw lang ang nakita kong puwede yakapin kaya hindi na ako nagdalawang isip na gawin iyon.” Biglang lumungkot ang ekspresyon ng mukha ni Mura. “Patawad, Noah… hindi mo ata iyon nagustuhan.”
“Buti naman alam mong hindi ko nagustuhan! Sa susunod kasi tatanungin mo muna ako kung want ko ba or not,” tumayo si Noah. Kinuha niya ang pamunas niyang nakasabit at matapos nito ay lumabas ng kubo.
“Hala ka!” sabi ko kay Mura. “Tumayo ka na riyan at mag-inat-inat, sundan mo iyon, baka may dalaw.”
Sumunod naman si Mura sa sinabi ko. Hindi na siya nag-inat-inat pa at daglian nang lumabas. Ipagdarasal ko nalang sa panginoong Jesuah na sana hindi sila mapansin ng mga kasama namin sa hukbo.
Lumapit ako sa patungan upang kuhain ang sandata ko, pupunasan ko muna ito dahil simula nang ibinigay sa akin ito ay hindi ko pa nalilinis. Sigurado akong napuno na ito ng mga alikabok.
Mas magandang tignan kung kumikislap ang katawan ng sandata. Masarap hawakan kung malinis, hindi ba? Ang iba kasi ay napapabayaan na. Ang gusto nalang, gamitin nang gamitin, nakalimutan na ata na hindi naman nakapagsasalita ang sandata, syempre, gusto rin nitong maging malinis. Itrato natin ang ating mga sandata na parang tao at kabilang ng ating pagkatao, para makabuo tayo ng connection dito.
“Mukhang nakikita ko na ang future mo?!” Bigla na namang lumitaw si Crozzette. Dahil dito, naabala ako sa kung ano ang dapat kong gawin.
“Ano na naman iyang sinasabi mo?” ang tanong ko sa kaniya. Pinagpatuloy ko na ulit ang pagpupunas sa pana ko, wala akong ibang bagay na matatapos kung patuloy ko lang siyang kakausapin nang walang ibang ginagawa.
“I am currently forecasting na tatamis ang mga mata ko. Kikislap ito sa ningning kapag nakita kang nagtatampo sa nobyo mo katulad ni Noah at Mura,” ang sabi niya. Ibig nang tumakas ng mga prutas na nasa tiyan ko dahil sa sinabi niya.
“Wala pa sa isip ko iyan, Crozzette. Paulit-ulit nalang tayo,” ang hayag ko. Saglit lang, may bigla akong naisip habang naglilinis rito. Tumingin ako sa kaniya at panandalian munang tumigil.
“May tanong ako Crozzette,” seryosong bigkas ko sa kaniya.
“Ano iyon Morphie? You know, kapag ikaw, I am open book kaya you can ask me everything you want to clarify about your blurry things in life,” ang sagot nito sa akin. Aba, marunong din siyang gumamit ng mga dayong salita. Komplikado itong bigkasin sa mga labi kaya hindi ko ito ginagamit ng madalang, madalas lang!
“Ano nga pala ang kinakain mo?”
“Hmmm…. Morphie.” Naglakad-lakad siya sa kahoy. “Gustong umapaw ng mga luha ko sa butas ng aking mga mata o kung saan mang lokasyong may kaparatang lumabas ang luha dahil sa tanong mo sa akin… sinasabi lang nito na ikaw ay maypakialam sa aking iba’t-ibang aktibidad sa aking pang-araw-araw na buhay. Huwag kang mag-alala, Morphie… narito na at sasagutin ko na ang mga katanungan mo na sa akin ay iyong binigay.”
“Ako ata ang maluluha sa dami mong sinabi. Ang lalim pa!” ang natatawa kong bigkas. Mamaya na nga lang ako lalabas. Hahayaan ko muna ang dalawa kong kaibigan na magkaroon ng bebe time.
“Coconut juice lang ang nagbibigay sigla sa akin para magkaroon ako ng lakas sa pang-araw-araw na buhay,” ang sagot nito.
Ang gara naman pala ng pagkain ng puting langgam na ‘to. Walang iba kung hindi coconut juice na makukuha pa sa pinakatuktok ng puno sa kagubatan. Ngayon, alam ko na, naisipan ko na rin kasing bigyan siya ng pagkain bilang pasasalamat na rin sa mga kabutihang tinulong niya sa amin.
“Puntahan mo na ang dalawa mong kaibigan, baka kung saan na sila napadpad,” ang sabi ni Crozzette.
“Huh, hayaan mo muna sila. May sarili silang desisyon sa buhay.” Napapansin ko na rin ang pag-iiba ng kasagutan ko.
“May paparating Morphie!” mabilis na turan ni Crozzette. “Sa susunod nalang ulit, no?” Naglaho na naman siya na parang bula.
“Magandang umaga po, Kapitan,” si Kapitan Chrollo ang tinutukoy ni Crozzette na paparating. Pumasok siya ng kubo kaya naman umayos ako ng tindig. Napatingin siya sa sandata kong nililinis kanina.
“Ikaw nalang ang wala sa pila. Magsisimula na ang panibagong pagsasanay,” ang seryoso nitong wika habang nakatingin sa akin ng tuwid. Bumalik na naman ang pagiging estrikto ni Kapitan.
Iintindihin ko nalang siya dahil ito ang trabaho niya.
“Susunod na po ako Kapitan,” ang hayag ko. Nahihiya ako. Hindi ko naman alam na magsisimula na pala ang pagsasanay. Ilang sandali ba ang kinunsumo ng pag-uusap namin ni Crozzette at hindi ko na namalayan ang nagaganap sa paligid ko? Ang dalawa ko namang kaibigan, hindi ako sinabihan.
“May nakalimutan ka,” ang saad niya.
“Hu-huh? Ano po iyon kapitan?” Wala naman akong naalala na may bagay akong nakalimutan. Baka iba naman kaya ang tinutukoy niya?
“Hindi ba ang sabi ko sa iyo, huwag na akong inu-opo, nakatatanda. Hindi bagay sa kaguwapuhan ko.” Ngumisi siya. Ayon, ito ang reaksyon na gusto kong nakikita sa kaniya araw-araw, ang masaya.
“Oo nga pala, Kapitan.” Napakamot ako ng ulo. “Nakasanayan na kasi.”
“Oh kaya dapat, masanay ka na rin na alisin ang salitang iyan kapag tinatawag ako.”
“Masusunod po Kapitan.”
Naramdaman ko na mas lalong napalapit sa akin si Kapitan dahil siguro sa nagkasama kagabi. Doon ko rin nalaman ang dahilan bakit siya naging kapitan. Nais niya ring ipaghiganti ng todo ang buhay ng kaniyang ina na binawi ng mga nilalang na nasa posisyon upang gawin iyon.
“Tara na po?” Masayado bang malambot ang pagkakatanong ko or hindi naman?
“Oh may ‘po’ na naman!? Wala, magtatampo na ako sa iyo, Morphie. Hindi na kita kaibigan.”
Natulala ako sa sinabi niya, ‘Kaibigan’ kaibigan na ang turing sa akin ni Kapitan?
“Oo, huwag ka nang magtaka. Magkaibigan na tayo dahil sinamahan mo ako kagabi ng walang kondisyon.” Hinatak niya ako sa braso palabas ng kubo. Wala na akong nagawa kung hindi magpahatak sa kaniya nang may malapad na ngiti sa aking mga labi at habang nakatitig sa kamay ni kapitan na nakahawak sa braso ko.
It’s fragile, Kapitan. Please, hold it gently.