Chapter 37: LISTEN

1354 Words
Morphie             “NAPAKAHALAGA at kinakailangan na may sapat kayong kaalaman sa mga dapat na gawin sa oras na sumabog ang bombang binato ng kalaban,” saad ni kapitan Chrollo habang nakatayo ng tuwid at nakalagay ang kaniyang dalawang kamay sa likod nito. Seryoso ang mukha niya ngayon. Nagbibigay ito ng komando na ilaan namin ang atensyon namin at makinig sa kung ano sasabihin niya. Ang paksa namin ngayon ay tungkol sa mga pasabog na armas ng mga kalaban. Madalas kung mapapansin, ito ang uri ng sandatang kanilang ginagamit sa tuwing sila ay sasalakay sa amin kaya naman kung sapat ang kaalaman namin sa nararapat na gawin, mas mataas ang tiyansa na maiwasan namin ang mataas na porsiyento ng kapahamakan.            “Ang una niyong nararapat na gawin ay iwaksi niyo sa isipan niyo ang pangamba sa oras na maka-amoy kayo ng usok ng pasabog dahil pipigilan lamang kayo nito na gumawa ng naka-akmang aksyon. Ito naman ang hahadlang sa inyo para tuluyan niyong iligtas ang inyong mga sarili. Sunod ay kinakailangan na parati kayong maging mapagmantiyag at mapanuri sa paligid. Nararapat lang ito dahil walang sinuman sa atin ang nakatitiyak kung may bomba nang itinanim ang mga kalaban natin sa ating mismong lokasyon,” ang dagdag pa nito. I am enjoying listening to kapitan. He sounds very knowledgeable habang binabahagi niya ang kaalaman niya sa amin nang kami naman ang magkaroon ng kamuwangan sa landas na inumpisahan namin. Kailangan nga na ekstensibo ang impormasyon na makalap namin.            I am getting all the information that Kapitan is saying. Hindi ko lamang ito kailangan na ilagay sa isip ko kung hindi ganoon na rin ay kailangan ko itong isa-buhay. Mas better pa rin ang application kaysa sa understanding. Always, remember that application is the key, and it will always be.            “Sa mga pagsugod na ginawa ng mga kalaban. Malamang sa malamang ay nakikilala niyo na sila. Gayundin, maykaalaman na kayo sa mga bagay na kaya nilang gawin base sa mga ipinakita nila.” Lumibot ang tingin ni Kapitan sa paligid. Inaanalisa nito kung ang lahat ng napakila ay pinapakinggan ang bawat impormasyong binibigkas niya.             I help him check the league. Go, kapitan... ituloy lang po natin ang discussion because I know everyone is attentively listening and paying attention to every detail of your talk. “Gayunpaman, kahit nasaksihan na natin sila ng ilang beses, sa puntong ito ay nais ko lang ihanda ang tatag ng loob niyo. Aaminin ko na wala pa sa kalahating porsiyento ng kapangyarihan ng Mutuah ang ipinapakita nila. Iba’t-iba ang uri ng kanilang kapangyarihan. Ang mga makapangyarihang lider na hanggang ngayon ay nagkukubli at hindi binubunyag pa ang kanilang mga sarili.”            Nabanggit na ito noon ni Kapitan. Ang tungkol sa 7 Deadly Specialists, at ayon nga sa kaniya, isa pa lang ang nakakasagupa namin. Sa isa na iyon, nagbigay na agad ito ng matinding pinsala sa aming lahat.  Pinupunto lang ngayon na kailangan kong makaisip ng iba’t-ibang taktika sa pakikipaglaban dahil hindi sasapat ang puwersa ng aking pana at latigong banging kung sakali man na isa sa pitong ito ang makasasagupa ko.            “Wui, anue ba?! Huwag diyan. Nakikitili ako. Tigilan mo nga ako, Mura!” Nabaling ang atensyon ko sa nasa unahan ko. Si Mura at si Noah. Nag-uumpisa na namang magkilitian ang dalawang nag-iibigan. Ninanais ba nilang inggitin ako? Napansin ko na malayo-layo ang distansya namin sa iba naming mga kasama kaya naman walang makapapansin nito.            “Ito naman lambing lang! Hindi pa ako pagbigyan.” Narinig kong sagot ni Mura at patagong kumidat sa maharot na si Noah. Ramdam ko na kinilig ang betla at nagkabuhol-buhol ang large intestine nito with each other.            “Wala na bang katapusan iyang lambing mo? Kanina pa iyan!” ang palipit na dilang saad ng magaling na nilalang.            “My lambing is infinite and constant, my Noah.”            Aaminin ko. Pati ako ay kinilig sa line na ‘to. Will time come that I could also receive this kind of love oral language? Huh?            “Then, I can’t hold my patient any longer,”si Noah. I didn’t capture the rolling of his eyes. Alam ko, umirap siya.            “Ehem-ehem-ehem-ehem!” Panunuway ko sa kanila. Seems that I have cardiovascular diseases, lots of, panghiga na. Sabay silang tumingin sa akin kaya sabay ko rin silang tinanong ng pabulong, “kayo na ba?”            Hindi ako sinagot ni Noah. No talk lang siya, samantalang si Mura naman ay ngumisi lang sa akin. Assess Noah, kunwari pa na ayaw kagabi at kaninang umaga kay Mura. May pa-aksyon pa nakuwanri eka na naiirita siya sa ginagawa ni Mura. Eh samantalang ngayon, ang aksyon niya ay kulang nalang maihi sa kilig na ini-impart sa kaniya ni Noah. Daig pa ang babaeng nadidiligan araw-araw.            To be truthful, hindi ko maitatanggi na masaya ako para sa kanilang dalawa. Hindi pa man sila opisyal na may relasyon, kita ko kisap ng mga mata nila, na siyang nangungusap sa akin, sa isa’t-isa nila matatagpuan ang tunay na kaligayahan.  I know, and to be honest, hindi magtatagal ang eksena nilang gan’yan. Sa oras na malaman ng iba naming mga kasama ang tungkol sa katauhan namin. Sabay-sabay kaming ipatatapon, at magkakahiwalay. Kaya hangga’t nanatili itong lihim, mainam lang na sulitin nila ang bawat sandali na biyaya sa kanila ng panginoon.            “Morphie!?” Malakas na tiwanag ni Kapitan ang pangalan ko kaya napatingin sa akin ang mga kasama namin. Dito ko nalang napagtanto na wala pala sa kasalukuyang momento ang atensyon ko. Abala ito sa pagtitig sa kawalan habang nakaukit ang kakaibang ngiti sa mga labi. Wala naman akong ibang iniisip bukod sa dalawa kong kaibigan.            “Ano ho iyon, Kapitan?” ang nahihiya kong tanong. Marahil, niisip niya na hindi ako nakikinig dahil hindi nakatuon ang tingin ko sa kaniya. Hence, deep in my heart, my full attention is undivided.            “Mukhang naliligaw ata ang atensyon mo sa ibang panig ng mundo…” ang wika niya. Huh? Isa lang naman ang mundo ko. Secret ko muna iyan for now. “Nakikinig ka ba?” Oh, sabi ko na nga ba, tama ako. Ganito ang mga matatandang guro sa Kampensina sa tuwing ang mga bata ay naliligaw ang tingin sa ibang paksang makikita sa kapaligiran. Sanay na ako sa ganito, pero sa pagkakataong ito, ako na mismo ang nahuli at hindi ang mga kasama ko.            “Oo, kapitan!” malakas kong sigaw ngunit puno ng paggalang. Nakaramdam ako ng kaunting kaba. Papatawan kaya ako ni kapitan ng parusa dahil sa ginawa ko? Huwag naman sana. Sabi niya kanina, magkaibigan na kami. Ito nalang ang panghahawakan ko.  Naalis ang bigat sa dibdib ko nang na iwaksi niya ang tingin niya sa akin at muling bumaling sa karamihan.            “Hindi niyo ba alam na kapag may nagsasalita sa harapan, dapat ay doon lang nakatutok ang atensyon niyo lalo na kung mahalaga ang sinasabi nito. Kapag nagsasalita ako sa harapan, ayaw ko nang hindi nakatingin sa akin. Malinaw ba!?” ang salita nito sa hukbo. “Kapag nataranta kayo sa mismong sitwasyon at sa tamang gagawin, huwag niyo akong sisisihin. Hindi ako nagkulang ng pagbibigay sa inyo ng impormasyon,” ang dagdag pa nito.            The fire in his head is starting to flame again. Nasermohan pa tuloy ang hukbo dahil sa pagiging lutang ko kahit nakikinig naman talaga ako. Indikasyon ba na porket hindi ka nakatingin ay hindi ka na nakikinig? Hindi ba puwedeng magaling ka lang na pagsabayin ang mga bagay-bagay? You can analyze things and at the same time, you can still comprehend what the person in front of you is saying.            “Mag-usap tayo mamaya matapos nito!” Akala ko ay tapos na sa akin si Kapitan ngunit hindi pa pala. Hindi pa ako ligtas nang tuluyan.            Tumango nalang ako. Ano kaya ang gagawin niya? Itutuloy niya kaya ang parusa?            “Ayan… panay kasi ang panunuway sa amin. Sino ngayon sa atin ang hindi nakikinig, huh? Humanda ka, bleh-bleh-bleh!” nakangising pang-aasar sa akin ni Noah.            “Ito, imbis na palakasin ang loob ko, pinapatindi pa ang kaba ko.” Duduran ko siya e, pero I am civilized so, big NO!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD