Morphie
“KAPITAN, patawad kanina kung hindi mo ako nakitang nakatuon ang atensyon sa iyo habang nagpapaliwanag ka. Nakikinig naman ako,” ang wika ko habang nakatalikod si Kapitan sa akin. Ang broad talaga ng likod niya. He looks fresh kasi wala naman kaming masyadong ginawa. However, kahit pawisan siya, feeling ko ay ang sarap-sarap niyang bigyan ng matamis na yakap. Omg! I need to explain my actions earlier, and not to create another scene.
Sa left hand niya ay napansin ko roon na may hawak siyang maliit ngunit matabang bote ng tubig, nauhaw siguro sa pagsasalita.
“Alam kong mali po ang aking nagawa. Huwag po kayong mag-alala kapitan dahil tatanggapin ko po ng buong puso anuman po ang parusang ibibigay niyo sa akin,” ang dagdag ko pa. Linungin mo na ako please. Huwag ka nang magtampo kapitan. Gusto mo ay sabihin ko pa ulit lahat ng sinabi mo kanina just to ensure at malaman mong nakikinig talaga ako sa iyo. Pero wala, tila isa lamang akong walang buhay na hanging nasa likuran niya.
Wala bang naririnig si Kapitan. Wala naman siyang kakaibang ginagawa? O pinipilit niya lang na huwag akong pansinin? Ay bakit naman ganern? Bad ‘yang ganiyan ha!
“Sabihin n’yo lang po sa akin kung ano ang nalabag ng aksyon ko kanina.” Sa pagkakataong ito, tumingin na siya sa akin.
Bumungad sa mga mata ko ang perpekto niyang mga mata. Ito talagang si Kapitan, kahit babad na sa ilalim ng araw ang mukha, tila bagong gising pa rin. Ang aliwalas lang kahit wala siya sa mood.
Hinihintay ko kung ano ang sasabihin niya. All ears na ako this time. Ngumisi lang siya sa akin at wala nang iba pang sinabi.
‘Huh? Ayon na iyon? Wala nang parusa?Favor naman din sa akin, but at the same time I want to be challenged, u know?’
“Ibig ko sanang palabhan sa iyo ang mga marumi kong kasuotan bilang kabayaran sa pagiging lutang mo kanina at kawalan ng respeto sa akin. Hindi ka nakikinig!”
Oo. Alam ko naman na hindi ako nakikinig pero hindi mo naman need kapitan ipangalangdakan sa akin na hindi talaga ako nakikig. Nakikinig nga kasi ako, paulit-ulit!
“Ayon lang?” tanong ko. Maglalaba lang pala. E-z lang sa akin ‘yan. Future wife warrior kaya ako. Tumango siya sa akin. Wala naman sigurong 15 pairs ang kasuotan niya. “Eh teka kapitan, ano po ang isusuot niyo kung lalabhan ko lahat? Maghuhubad kayo?”
Mahina siyang natawa. Huh? Sandali, may mali ba sa natanong ko?
Unti-unting lumapit si kapitan sa akin at mabilis namang kumabog ang dibdib ko dahil sa pinaghalo-halong pakiramdam. Dasal ko lang na hindi niya ako sikmuraan.
“Bakit gusto mo bang nakita akong nakahubad?” Kitang-kita ko ang pagiging singit ng mata niya, nagkagat labi siya at naglakad patalikod sa akin. Hindi ako nakasagot.
What should I answer? Yes? I wanna see you kapitan?
“Mamayang gabi sa batis. Sasamahan kita. Tayo lang dalawa para masigurado kong malinis ang papagawin mong paglalaba,” bulong niya na lumikha upang maiwan akong tulala.
Matapos ang pag-uusap namin nito ni Kapitan. Hindi ako sigurado kung pag-uusap ba ito o ano ay dumiretso na kami sa aming pisikal na pagsasanay.
Kagaya ng mga naunang nasagawang pagsasanay, ganoon ulit ang ginawa namin para mahasa at mas maging mabilis sa mga ganoong uri ng estratehiya. Pana ang sandata namin kaya kailangan lang na matalas ang aming paningin at magaling i-target ang kalaban. Hindi na ako nagtataka kung bakit napansin niya agad ako ni Kapitan kanina. Magaling siyang mag-target, pero hindi naman ako kalaban. I am an ally and not an enemy.
Kung malaya lang akong makagagalaw, tiyak akong lilikha ako ng mga malalambot at mga suitable glance with my weapon. The batak-batak of shoulder like it’s a very suitable one.
Hindi ako nakadikit ngayon sa dalawa kong kaibigan. I want to give them free time together. This is their first day ata as fling-fling. Tumingin ako sa kanila ata nakikita ko naman, they are both enjoying the presence of each other.
Maaliwas ang lugar na pinagdarausan ngayon ng aming pagsasanay. Malamig ang simoy ng hangin kaya’t hindi nakawawala ng mood. Kapag kasi mainit, madalas nagiging mainit din ang mood ng iba.
“Halimaw!” ang malakas na sigaw ng isa sa amin. Nakuha nito ang atensyon ng bawat isa kaya’t nag-alerto kami at sabay-sabay na bumaling ang atensyon sa pinanggagalingan ng sigaw.
Gumihit ang malaking bilong sa aking mga labi sa aking nakita. Isang dambuhalang Alupihan na kulay nila ang siyang pasugod sa amin ngayon. Hindi ko matant’ya ang laki niya. Sa pisikal pa lang nitong wangis, mababakas na ang panganib na maaari niyang idulot.
“Ihanda ang inyong mga sarili!” ang utos ni Kapitan. Ramdam ko ang pagnanais niya na protektahan ang buong hukbo.
“Ay friend, bakit super daks naman niyan?” ang tanong sa akin ni Noah. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Chill na chill lang talaga siya ngayon. Wala kang mababakas na any feeling of threat. Ganoon ba talaga kapag mayroong bebe? You feel secured?
“Sa true lang!”
“I am wondering lang kung anong size ng s*x organ niya?” Nakuha ko pa niyang magbiro sa mga oras na ito?
“Gaga!” Kinurot ko siya sa tagiliran. Impit siyang napasigaw dahil hindi niya maaaring i-vocalize iyon. Hindi siya singerist. Huwag siyang ma-eksena.
“Wala tayong ibang magagawa kung hindi ang labanan siya.”
Nagsimula na ang hukbo na paulanan ng mga palaso ang malaking kalaban. Sa dami ng bilang namin, gano’n din ang palaso na bumabaon sa katawan niya. Malaki ang pananalig ko na mapupuruhan siya ng todo. Pinagpatuloy lang namin ang aming ginagawa hanggang sa mapansin namin na wala namang nagyayari. Nagkamali ako, hinaba niya ang katawan niya at mabilis na umiwas dahil bumalik sa amin ang mga palasong pinang-atake namin sa kaniya.
“Huwag mo kaming tirahin gamit ang sarili naming mga sandata. Hindi ka tirador, remember who you are. Isa kang giant centipede.”
“Mas maganda siguro kung pupuntiryahin natin ang mga mata niya!” ang hayag ko ng ideya ko. “O kaya naman ang mga paa niya nang hindi siya makalakad ng maayos.” Hindi ako sigurado kung susundin nila ang suhesyon ko o kung ano pa man pero mas maganda kung isang grupo kaming aatake. Wala namang mawawala kung susubukan namin.
“Fight all together!
“Gawin ang sinabi ni Morphie!” ang sigaw ni Kapitan at ngumiti ito sa akin. Sa lakas ng Alipuhan ay binuhat niya ang dambuhalang bato at ihagis iyon sa amin. Hindi lang ito dahil tumakbo siya ng mabilis at isa-isang pinagbubuwal ang mga puno. Sa laki niya, nagagawa niyang payanigin ang lupa sa simpleng pagtakbo o paglalakad lamang.
Dahil sa atake niya, hindi na namin nagawa ang pagtira sa kaniya.
Mabilis kaming tumayo. Binuka namin ang mga pakpak namin at sabay-sabay lumipad sa himpapawid. Sa ere ay pinaulanan namin siya ng hindi mabilang na palaso. Kalamangan naming mga may pakpak ang himpapawid dahil maaari kaming lumipad sa ere at kalabanin ang kalaban na walang kakayahan na makalipad.
Sa posisyong ito. Hindi niya kami maabot gaano man ang taas niya.
“Hindi gumagana sa kaniya ang palaso natin, kapitan!” ang sambit ng isa naming kasama. Tama siya, nag-aaksaya lang kami ng bala sa kalaban ngunit wala namang nangyayari rito. Isa siyang dakilang halimaw na nilalamon ang bawat atake namin.
Ano kayang magandang gawin sa isang ito? Kailangan naming mag-isip ng naayon na paraan. Mag-aaksaya lang kami ng lakas kung padalos-dalos lang ang aming gagawin. Wala namang nangyayari.
Tumingin ako kay Kapitan. Nag-iisip siya ng mas mainam na estratehiya.
“Kapitan, ano sa tingin mo ang mas magandang gawin sa isang iyan?” Lumapit ako sa kaniya kung sa kanila man na kailangan niya ng tulong ko.
“Puksain. Alangan namang buhayin pa iyan,” ang sagot nito.
Kaloka naman si Kapitan. Alam ko naman na iyon. I have an idea, gawin ko nalang kaya siyang pet? Petmalu-lods!
Mabilis na lumipad pababa si Kapitan. Lahat kami ay nagulat ng umilaw ang hawak niyang sandata. Tila nag-aapoy ang palasong nasa likuran niya. Habang lumilipad pababa, kumuha siya ng dalawang palaso sa likuran- nakatutok ito sa kalaban. Siya na siguro mag-isa ang tatapos sa kalaban.
Binigyan niya ng mga nag-aapoy na palaso ang lapastangang alupihan na biglaan nalang lumitaw at umabala sa aming pagsasanay. Sa kabilang banda, mas mainam na rin ang ginawa niyang paglitaw, ituturing ko ito bilang isang makatotohanang pagsasanay. Aplikasyon laban sa pagkakaunawa at kaalaman.
Binalot ng madilim na liwanag ang nilalang. Nakatitig lang kami sa kaniya at inaabangan ang paglisan niya. Ngunit walang pagbabagong nagaganap. Akala namin ay natalo na namin siya pero nagkamali kami. Nang matapos ang liwanag ay bumulaga sa amin ang mga maliliit na alupihan na ang bilang ay mas marami pa sa amin.
Kaya niyang magparami nang ganoon kabilis? Tama nga ang sinabi ni Hela, sa tagal nang walang naninirahan dito sa Iraqui, marami nang mga kalaban ang nanatili rito. Karamihan sa kanila ay nag-evolve na rin.
Kung maliliit na sila, patas na ngayon ang magiging laban. Sukat nila at laban sa sukat namin. Nag-umpisa na muli ang labanan, kaniya-kaniya kaming sumugod sa mga kalaban. Dahil sa pagiging maliit nila, nakaapekto ito upang mawala ang malakas na puwersa, kaya sigurado ako na ilang sandali ang ilalaan namin upang patumbahin sila.
Nagpapasalamat ako na oras ito ng pagsasanay, kaya kumbaga ay nabinat na ang mga buto namin. Sa kanila ko nalang ilalaan ang oras na dapat ay nakaalay sa pagsasanay. Tinignan ko ang dalawang kabigan ko, nagugustuhan rin nila ang pakikipagsagupaan.
Kung darating ang araw ng digmaan, handa na kaya kaming lumaban?