Chapter 39: THE WASH DAY

3014 Words
Morphie THAT ‘patience’ wasn’t in my vocabulary anymore. Wala na nga sa bokabularyo ko ang salitang pahinga. Nandito naman ako ngayon sa batis at magsisimula ng panibagong misyon matapos naming makipagsagupaan sa mga Alupihan. There are little sizes and there’s also big one. Hindi ko malaman kay Kapitan at ginawa pa niya akong labandera. Do I look like a clothes washer? I am wearing a presentable clothes naman and I also do some skin care routines to still look good despite of the demands of my position? Eh? I am on the normal posisyon nga pala. Is being a labandera ay kasama ba tungkulin bilang miyembro ng hukbong sandatahan? O hinahanda lang ako ni kapitan sa magiging tungkulin ko sa kaniya sa hinaharap? Ayt! Malugod ko nalang itong gagawin. It’s a parusa kasi, ayon sa kaniya. “Ayusin mo ang paglalaba diyan, ha?” ang kanina pang paalala ng taong may-ari ng mga damit na hawak ko. Nakakailang times na siya of reminding me. Hindi naman sigurong punding ilaw si Kapitan? “Babalik ako mamaya, dapat ay tapos ka na, malinaw?” Anong oras ang mamaya? At ilang minuto o oras muna ang lilipas bago dumating ang mamaya? Baka mamaya ang ibig sabihin pala sana kaniya ng mamaya ay dalawang minuto. I need to clarify things kapitan. I don’t want pressure pa naman po. “Ilang oras po kaya iyon?” ang tanong ko. “Trenta minutos o mahigit sa isang oras depende sa mood ko?” Kunot niyang sagot. Cool boy ka kapitan? Ang bilis naman, hence, I can’t angal naman. Siya kasi ang desisyon kaya ito sumagot nalang ako… “Sige kapitan, ez lang po ito sa akin.” “Ayos iyan. Malinis at mabango dapat, no?” Tinapik niya ako sa balikat at kinindatan pa. Ayon, tuluyan na nga siyang umalis. Ano naman kaya ang kayang i-ambag ng simple but malupet niyang wink sa akin? Hmmm… siguro, bibigyan ako nito ng dagdag enerhiya? Si kapitan, hindi niya alam na iyong mga simpleng pag-ngiti niya sa akin ay napaka-epektibo. Parang hindi ako makatanggi, at gagawin nalang ng buong puso kung ano ang nais niya. Nagsimula na nga ako. Wala namang ibang gagawa nito kung hindi ako lang. Ang turo sa akin ni nanay ay unahin daw ang mga punitian, bago isunod ang mga dikulay. Ito rin ang ginagawa ko sa tuwing nilalabhan ko ang mga kasuotan ko. “Clap-clap, once- clap!” Hmmm… jusko panginoong Jesuah. Narinig ko na naman ang makamandag na boses. Paano niya ako natunton dito? “Hulaan natin kung sinong magandang dilag ngayon ang nagkukusot ng mga damit na hindi naman sa kaniya!” Si Noah ito. Huwag nang magtaka. Hindi ko siya nililingon. Kunwari ay wala akong naririnig. Patuloy lang ako sa pagkusot ng mga damit ni kapitan. Malaki, at mabigat kapag nababasa. “Ate? Ate? Pahingi pong dot!” Ginaya pa nito ang paraan ng pagsasalita ng isang musmos. “Wala. Mukhang hindi nadiligan ang ating ate bago inutusan ng kaniyang asawa. Walang enerhiya! Malungkot!” “Arouch, mami ko!” Napahiyaw ako dahil may semi matigas na bagay ang tumama sa likuran ko. Humarap ako sa kaniya nang may panggigigil. Nakita kong sapin sa paa niya ang binalibag niya sa akin. “Anong trip natin diyan?” ang tanong ko. Kung nakakalusaw lang ang mga tingin ko. Malamang isa na siyang mapait na juice. “Oh, humarap na siya mga atehan! Ating sabay-sabay na palakpakan, bigyan ng masigabong papugay at pagmasdan ang dakilang labandera sa kaharian ng Lepidoria!” sigaw ni Noah at pumalakpak pa ng todo-todo. “Bunganga mo. Sisilaban ko iyan.” Tumabi siya ng pagkaka-upo sa akin. “Hindi mo ata kasama ang bebe mo?” “Ikaw, bebe ke neng bebe!” Kinurot niya ako sa pisngi ko. “Ang cute-cute, Morphie! Sarap mong dungisan?” “Arayyyyy!!!!” Kulang nalang ay tapyasin niya ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. “Masyado kasing nakatuon ang pag-iisip mo sa hinaharap na wala naman kasiguraduhan kung mangyayari. Don’t always think beyond your reality, Morphie,” ang wika nito. Umayos na kami ng posisyon. Ano ba ang walang kasiguraduhan? Ang pagsasama nila sa hinaharap? Well, matagal ko na itong nakikita sa pangitain ko na magiging sila hanggang sa huli. Malakas ang tiwala ko sa pagkakataong ito at ito ang patuloy kong paniniwalaan. “Let’s see,” matipid kong sagot at binigyan siya ng makahulugang ngiti. “Bakit ba kasi ikaw ang gumagawa niyan?” ang pagsisimula niya ng pag-uusisa. “Not your obligation anymore ha.” “Don’t you know kung bakit?” Tumango siya. “Wala ka talagang alam kung bakit?” Tumango ulit siya. “Puwes ay kung ganoon, bigyan mo ako ng sapat na pagkakataon upang ipaalala sa iyo ang mga naganap kanina kung bakit ako ang naatasan na gumawa nito.” “Oh go.” “Hindi ba nga nahuli ako ni kapitan na hindi nakatingin sa kaniya habang may pinapaliwanag siya sa harapan? Ayon, nabastos ko siya kaya naman bilang parusa, ito, gagawin ko ang gusto niyang ipagawa sa akin,” ang paliwanag ko. “Ah… so ganoon pala ang kuwento. Fantastic!” “Gaga ka talaga, Noah! ‘Di ba nakita mo kanina na pinagalitan ako ni Kapitan?” Inasar pa nga ako na tulaleylaneliekrumbum daw. Malamang, imbento na naman niya ang salitang iyon. Saan pa ba manggagaling ito kung hindi sa kaniya lang? “Eh kasi naman Frend, sino ba kasi ang nilalakbay ng pag-iisip mo at kung saan-saang bahagi ito ng mundo napapadpad?” ang tanong niya. “Masaya lang akong isipin ang future niyo ni Mura na magkasama. I am trying to imagine things na kung ano ang magiging buhay niyo matapos nating maipanalo ang digmaan,” ang hayag ko. Ang pagwawakas ng digmaan ang pinagtutuunan namin ng pansin, matapos nito ay bahala na kung ano ang susunod na plano ng tadhana para sa amin. Trying to control our fate might sometimes lead to distortion of reality. Sa pangalawang pagkakataon, nakaramdam na naman ako ng pagkurot sa tagiliran ko. “Gigil na gigil ka sa akin, no?” ang hiyaw ko sa kaniya. Iyong kaninang pinangbatukal niya sa akin na sapin sa paa ay hinagis ko iyon sa kaniya. Hindi niya pa kasi nasusuot. Hindi ako nakuntento lang dito. Hinampas ko pa siya ng damit ni Kapitan. “May pakiramdam din ako, bakla no?! Ang sakit-sakit kaya ng pamimisikal na ginagawa mo sa akin. Gusto mong lunurin kita riyan?” Nasagad na ako sa kaniya. “You’re a physical abuser!” Lalo na sa ganitong sitwasyon na pagod ang mga braso ko kakakuskos eh magkakaalaman kami. Huwag niya akong inaalayan ng pagbibiro dahil pagtataray ang isasagot ko sa kaniya. “Labhan mo na rin kaya, ako? Ano ang tingin mo sa katawan ko, tela?” reklamo niya na parang nilukot ng palad ng higante ang mukha. “Mas maganda pa itong tela kaysa sa iyo,” ang sagot ko naman. “Sandali nga lang. Di-distansya ako sa iyo ng kaunti. Mamaya, hindi mo na namamalayan, mukha ko na pala ang kinukusot mo.” “Magkakatotoo talaga iyan kapag hindi ka tumigil,” ang pagbabanta ko at binaling ang atensyon sa paglalaba. Baka bumalik na si Kapitan, hindi pa ako nangangalahati rito. “Kakatahan nalang kita mami kong dakilang labandera.” Wala pa mang binibigkas na pagsang-ayon ang bibig ko ay kumanta na siya. Sherlly Shells Sherlly shells from the joceans Saang lupalop naman kaya ng sansinukob niya nakuha ang awiting ito? Unang linya pa lang, parang hindi ko na magugustuhan ang pagkanta niya. “Makinig ka muna sa akin Morphie bago tumalak iyang isip mo sa mga pang-gilid na komento. Gusto mong parusahan din kita katulad ng ginawa sa iyo ni kapitan?” ang giit niya. “Make it sure na gaganahan akong makinig diyan, kapag wala ako sa mood, baka isumpak ko sa bibig mo itong mga nilalabhan ko.” “Sure. I’ll make you taste your own words.” Pinagpatuloy na nga nito ang pagkanta. Jinning in the shuneret Kiyoverling the shortruetrue When I sightseeing them My heartsung kineme kuda me that I love yers Niyorthan all the cutie pie pearly shellies Kumakampay pa ang kamay niya na sumasabay sa rito mo ng kanta. Hindi ko nalang alam ang mangyayari sa ngiti niya kapag nasilyan ng hukbo ang pilantik ng mga kamay niya. Tatangayin siya ng daluyong ng luha, panigurado ako. I am beyond sure. Hindi ko maikakaila, may talento sa pagkanta itong si Noah. Wala akong alam pagdating sa mga teknikal na aspeto sa pag-awit, pero masasabi ko na mahusay siya. Nagkamali ako na masisira ang bahay pandinig ko kapag kumanta na siya, ngunit hindi pala. Mukhang papatunayan niya nga na I’ll be enjoying his presence. “Tapos na ba?” ang tanong ko. Nakabibitin. “Introduction pa lang ang piyesang kinakalembang ko mami, Morphie. Mag-wait ka ha no!? Or kung gusto mo ay palit nalang tayo? Ikaw ang kumanta at ako ang maglalaba?’” “NO!” “See? Ayaw mo naman. Magpatuloy ka riyan, at magpapatuloy din naman ako sa ginagawa ko.” Patay tayo diyan. Aabutin ata siya ng maghapon sa pagkanta niya. Natuyo na ang mga nilabhan ko, siya ay hindi pa nakatatapos. Panimulang bungad palang pala ang nakakanta niya. Nagsimula na ulit siyang kumanta… Niyers ev'ry grainu of sanding japans the beachist. Havsung and getlack a liptulelang for yers. And Havsung and gelack morechiniebels For each kinemeng kiyostart that twinglue n the blue Pavaough talaga itong si Noah kung pupurihin. Gusto kong humagalakpak ng tawa dahil sa pagiging total performer niya. Binuka niya ang mga pakpak niya at masayang nagtampisaw sa ginta ng batis. Kulang nalang ay gawin niyang sagwan ang gamalay niya, tutal naman ay mukha siyang sasakyang pantubig. Naabot ng butil ng tubig ang katawan ko. Isa lang ang masasabi ko, hindi talaga siya papatalo pagdating sa mga ganitong maeksenang pasavough. Jinning in the shuneret Kiyoverling the shortruetrue When I sightseeing them My heartsung kineme kuda me that I love yers Niyorthan all the cutie pie pearly shellies Nangangalahati na ako sa paglalaba ko. Hindi ko malaman kay Noah kung nasaang bahagi na siya ng kantang inembento niya. Baka hindi pa nga rin siya nangangalahati. “Hoy! Baka maubusan ka na ng lakas mamaya sa pagsasanay!” ang sigaw ko sa kaniya. “Don’t mind me labandera ng bayan. Focus on your tasks!” Aba pinanindigan na niya ang pagtawag sa akin ng labandera? Kung susuriin nga. Mas mukha pa siyang labandera kaysa akin. “Okay… bahala ka… pagpatuloy mo lang iyan, eksaherada ng taon.” Nagulantang ako sa mga susunod na lirikong inaawit niya, kasama pa ba iyon sa awitin? Oh purong gawa-gawa lang niya talaga? Hindi ko na napigilan ang tawa ko at kumala na ito sa paligid. Ang creepy ni Noah. Mamaya pala ay sinusumpa na niya ako. Wala pa akong kaalam-alam. Puepueva or Ebwa Ih ka nakku Eh lhaweh maei Aiheo ainers Me nes Hala hula punuloa eh ala hele no kinyonginamers Sa wakas ay nakatapos na ako sa paglalaba, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nabalik si Kapitan. Si Noah naman, patuloy pa rin siya sa pagkanta. Lumipas na tingin ko ang animnapung minuto, hindi pa rin siya nakararating sa pinakadulo ng kanta. Tumayo na ako upang isampay ang mga kasuotan ni Kapitan, iniwan ko na siya rin. Kumakalam na ang sikmura ko. May mga inaawit pa siyang mga liriko ko pero hindi ko talaga maunawaan. Kung kanina nagugustuhan ko pa, pero habang tumatagal, hindi na ako natutuwa. Hindi ko maintindihan. Makakanta lang talaga siya. Not consistent. “Hoy, Morphie-ng amoy galis! Bakit mo naman ako iniwanan?” ang tanong niya sa akin. “Enjoy na enjoy ko pa naman ang pagkanta. Alam mo ba, dati akong miyembro ng pangkatang mang-aawit sa unibersidad namin? Umalis lang ako nang mamatay sina lola at lolo.” “Baliw, walang ganoon dito sa Insectia.” Pinagpatuloy ko ang paglalakad. “Ah, wala ba? Sino ba kasing nagsabing mayroon?” “Ikaw kaya. Hitad ka.” Narating namin ang lugar ng sampayan kung saan tumitirik ng lubos ang araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako binabalikan ni Kapitan. Nakalimutan na niya ata ako? Nasaan na ang pangako niyang pag-ibig na walang hanggan at katapusan? Wala na? Napawi na ng ganoon kabilis? Hay, hindi, burahin! Kaibigan pala, pangakong pagkakaibigan. Patay, Morphie. Nadudulas ka na madalas. It’s time to admit. “Oh ayan na ang taong kanina mo pa hinihintay,” ang kalabit sa akin ni Noah. Tumigin ako kung saan siya nakatingin. Akala ko si Kapitan na ito, si Psycher lang pala. “Hello, Psycher?!” Tinapik ni Noah si Psycher sa braso nito nang mahina. Pa-simple na naman siya. “Ngayon na lang ulit kita nakita.” Ngumiti si Psycher at sumagot kay Noah. “Wala. Naging abala lang sa pagsasanay.” Nakita niya ang mga damit na sinasampay ko.“Kaninong mga damit iyan?” Alam niyang hindi sa akin ito dahil malalaki. “Eh, hindi mo ba nakikita Psycher? Sa tingin mo sino ang nagsusuot ng mga ganiyang kasuotan? Hindi ba ang mga kapitan? Malamang, kay Kapitan Chrollo iyan. Alam mo ba? Ito, ibida ko lang sa iyo, kanina kasi, nagsasalita si Kapitan sa harapan- nagpapaliwanag ng mga mahahalagang bagay. Ganoon din siguro ang kapitan niyo no?” “Oh tapos?” “Eh ito na nga pre ang susundo, kung saan-saan napupunta ang atensyon ni Morphie. Ayon nahuli siya ni Kapitan na hindi nakikinig kaya naman bilang parusa sa ginawa niya, pinaglaba siya ng mga kasuotan nito. Masuwerte pa nga siya, ayan lang ang parusang natanggap niya. Kung sa ibang kapitan iyan. Naku at baka malala pa ang nakamtan niya, kaya dapat lang na nagpapasalamat pa rin siya. Hindi mabigat ang paglalaba no. Simpleng gawain ng ito na makatutulong upang mapalakas ang ating pangangatawan. Ayaw mo ba na maging kasing laki ng katawan mo ang katawan ni Morphie?” Tuloy-tuloy na salita ni Noah. Hindi ko na kailangang sabihin kay Psycher ang dahilan sa nakikita niyang ginagawa ko dahil si Noah na ang nanguna sa pagsasabi nito. Kompleto pa, simula una hanggang huli. Hindi lang iyon dahil kung uusisain, may kasama pang opinyon niya. Tsk! “Hayst. Sa susunod kasi ay makikinig ka. Saka mo nalang ako isipin kapag tapos na magsalita si Kapitan, ayan tuloy… naparusahan ka pa” ang sabi sa akin ni Psycher. “Baliw! Iba ang iniisip ko hindi ikaw! At Bakit naman kita iisipin?” “Aray!” Napahawak siya sa dibdib niya. “Hindi mo iniisip ang kalagayan ng best-friend mo?! Wala Morphie, nakalimutan mo na talaga ako.” “Hala kayo? Away na ‘yan oh! Morphie laban kay Psycher na malapit na maging kapitan. Sino kaya ang mananalo? Fight-fight na! Ako ang taga-score at taga-awat kung nagkakainitan na,” ang hayag naman ni Noah. “Ito, suhol ka!” Kinatukan ko siya. “Hanapin mo na nga lang si Mura, baka naghahanap na iyon ng ibang babae,” ang wika ko. “Bawal mambabae hangga’t hindi natatapos ang digmaan. Isantabi muna ang pag-iisip na iyan. Ipanalangin natin sa Panginoon Jesuah na magtagumpay tayo sa digmaan.” “Ito kasi…” baling ko kay Noah. “Oh siya, kumain na ba kayo?” ang tanong sa amin ni Psycher. “Hindi pa, bibigyan mo ba kami ng pagkain?” ang sagot naman ni Noah. “Tara na sa kagubatan! Maghanap tayo ng ibang makakain. Pamaya-maya pa naman magsisimula ang pagsasanay, maglibang muna tayo,” ang sabi ni Psycher. “Magandang idea, hindi ba, Morphie? Ano ang sa tingin mo? Ay ako na pala ang magdedesisyon kay Morphie, hawak ko ang buhay niyan e kaya sa ayaw at sa gusto niya. Sasama niya sa atin.” Para maiwasan ang maraming diskusyon, binilisan ko na ang pagsasampay para nga tuluyan na kaming makapaghanap ng makakain. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Saka ko na iintindihin si Kapitan, pagbalik niya nakatiklop na ng ayos ang mga gamit niya. “Doon tayo tumungo sa bundok Sierra,” ang wika ni Psycher. Ngayon ko lang narinig ang bundok Sierra. “Saan iyon? Marami bang puwedeng makain doon?” ang tanong ni Noah. “Oo, naman! Ayon ang bundok na pinagkukunan ng halos walumpong porisyento ng pagkain sa Iraqui. Mailit na bundok lang siya at puro pagkain ang matatagpuan doon, ang kaso…” tumigil siya sandali sa pagsasalita. “Ang kaso ano?” ang tanong ko. “Kung delikado, huwag na tayong tumuloy.” Hindi namin kailangan isakripisyo ang sarili naming mga buhay para lang makakuha ng kakaibang uri ng pagkain. “Tama ba si Morphie?” ang segunda naman ni Noah. Tumango si Psycher sa amin. “Pero… huwag kayong mag-alala, sa tuwing kakagat lang naman ang dilim sila lumilitaw. Sa mga oras na ito na tirik ang araw, hindi nila ibubunyag ang sarili nila.” “Ayon naman pala e,” ang wika ni Noah. “Adi tara na!” “Hindi naman siguro sobrang mapanganib ang mga nilalang na iyon, no? Kung sakali man na lumitaw sila, sa tingin mo, makakaya nating puksain sila?” ang paninigurado ko. Masaya rin na mapabilang sa aktuwal na pakikipaglaban para mas lalong mahasa ang kakayahan katulad nang naganap kanina. “Ano bang pinangangamba niyo? Kasama niyo naman ako. Syempre, hindi ko kayo pababayaan,” ang saad ni Psycher. “Parang hindi kayo mandirigma e, sisiw lang naman sa atin iyon.” Adi tumuloy na nga kami. Binuhat naming dalawa ni Noah si Psycher para mas mabilis kaming makapunta roon. Tinuro sa amin ni Psycher ang kinalalagyan ng lugar, sa bandang kanan ng Iraqui- ang tagong bundok ng Sierra. Sa tagal naming magkasama ni Psycher, ngayon niya lang nabanggit sa akin ang lugar na ito kaya medyo exciting din kahit papaano. Sumuot kami sa dalawang makitid na gubat bago tuluyang marating ang bundok ng Sierra. Tumambad sa amin ang mga maliit na nagliliparang insketo na kumikinang, at ilang mga nilalang na maaamo namang tignan. Binaba namin si Psycher upang pangunahan niya ang pagpasok namin sa bundok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD