Morphie
“SIGURADUHIN mo lang na ligtas tayo sa loob, Psycher,” ang paninigurado ni Noah. Hindi na siya nakapagsalita pa sa susunod naming nakita. Mga kumikininang na puno’t may mga bunga ng kakaibang prutas. Gayundin, may kakaibang tunog ang hatid ng inang kalikasan. Dalisay sa pandinig pero may dating na parang nais ka nitong dalhin sa iyong higaan.
“Bumalik na kaya tayo sa kuta? Parang nakaramdam ako ng antok,” ang wika pa ni Noah at bigla na namang naghikab. Nakita ko ang mapungay niyang mga mata, tanda lang nito na hindi siya nagsisinungaling at nakararamdam nga siya ng antok sa kasalukuyan.
“Huwag niyong pakinggan ang musikang naririnig niyong hatid ng kalikasan. Tunog ito upang makatulog ang mga nilalang na nagbabalak sakupin ang lugar na ‘to.” Lumapit sa amin si Psycher at may kinuha siya sa bulsa niya. “Isuot niyo ang ugat porselas upang huwag kayong tamaan ng hatid nilang kaantukan.”
Kagaya ng singsing ko ay gawa sa mapinis na ugat ang proselas na binigay sa amin ni Psycher. Dali-dali naman namin itong isinuot ni Noah para labanan ang antok na nararamdaman niya.
“Ngayon, nararamdaman mo na kung ano ang nararamdaman ko kanina noong kumakanta ka?” ang tanong ko kay Noah.
“Pang-hele ba ang boses ko?” ang tanong niya.
Bakit nagtatanong pa siya? Hindi niya ba naririnig mismo sa kaniyang tainga?
“Pang-patay!”
Natawa si Psycher sa sinabi ko.
“Huwag na huwag niyong hahayaan na matanggal sa katawan niyo ang ugat porselas hangga’t naririto tayo sa Bundok Sierra dahil hindi niyo mamamalayan na wala na kayong malay sa kasalukuyan. Gagawin lamang kayong pataba ng mga puno upang mas maging masagana ang bungang malilikha nila.”
“Hindi naman pala sobrang mapangib no? Umatras nalang kaya ako? Buhay ko pala ang nakaalan para lang sa pagkaing kakaiba,” ang sabi ni Noah.
“Ito naman, ngayon ka pa natakot? Laki-laki ng katawan mo e.” Pabirong sinuntok ni Psycher si Noah. Ito ang parating pinang-aasar ng kaibigan ko kay Noah. Ang katawan niyang tila pinaglihi sa tiny rocks.
“Pero mas malaki at matigas pa rin ang sa iyo, bro.” Hinakawan ni Noah ang magkabilang braso ni Psycher at pinisil-pisil pa ito. “Ilang kilo ba ang binubuhat mo araw-araw para lumaki iyan ng ganiyan?” nakabubuwisit si Noah. Tiyansing talaga siya. He asked his for so many-many times.
“Ehem… baka gusto niyong tara na?” salita ko at bumulong pa. “Baka iba pang putahe ang makain ni Noah.”
“Anong sinabi mo, Morphie?” usisa ni betla.
“Wala. Nagugutom na ako tara na.”
“Pasalamat ka at nagugutom na rin ako. If not, hinding-hindi kita tatantanan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang binulong mo sa sarili mo.”
Malakas ang pakiramdam ko. Halata na rin ni Psycher na katulad ko si Noah pero nananatili siyang tahimik. Alam niya na wala namang mali sa pagiging ganito.
Kahit saan ko ibaling ang mga mata ko. Puno ng mahiwagang prutas ang nasisilayan ko. Lahat ng kulay na matatagpuan sa katawan ni Hela ay naririto. Mayroon pa ngang kombinasyon ng kulay- isa hanggang tatlo.
Tama ang mga deskripsyon na hinayag ni Psycher kanina patungkol sa kung ano ang aasahan namin sa lugar na ito. May katotohanan na ito nga ang lugar kung saan matatagpuan ang mga iba’t-ibang pagkain sa Iraqui. Kamangha-mangha. Mas lalo pa tuloy nagalit ang mga halimaw ko sa tiyan. Inuutusan ng mga ito ang aking kamay na pumitas ng ilang bunga at lasahan ang mga ito.
Hindi naman siguro ikagagalit ng inang kalikasan kung pipitas na ako ng prutas para lamnan ang kumakalam kong sikmura, no? Hindi pala ang inang kalikasan ang hahadlang kung hindi ang taong nag-aya sa amin dito. Ito ang kaniyang sinabi…
“Oh, sandali. Mamaya na kayo kumuha ng pagkain.”
“Huh? Nagugutom na ako kanina pa. Kaya nga kami sumama sa iyo rito ni Morphie para kumain, tapos ngayon ay pipigilan mo kami?” Tumango ako sa tinuran ni Noah.
“Oo nga. Nagugutom na rin ako Psycher,” ang pag-amin ko naman.
“Eh balak ko muna kasing mamasyal tayo bago kumain,” ang dahilan ni Psycher.
“Maaari naman nating pagsabayin na gawin iyon para makatipid tayo sa oras, baka mag-umpisa na ulit ang pagsasanay,” ang siyang wika ko. Mahirap nang mahuli. Dala na akong tumanggap pa ng parusa galing kay Kapitan, eh habang tumatagal kasi pahirap nang pahirap ang pinapagawa niya sa akin.
“Sige… pumitas na kayo pero isa lang… bigkasin niyo ang salitang ‘ty’ sa isip niyo kapag pipitas na kayo,” ang tuluyan pagpayag ni Psycher. Kahit ano namang gawin niya ay hindi siya makatatanggi sa kakulitan namin ni Noah. Maririndi lang ang tainga niya kapag hindi siya nakinig sa amin.
Ginawa namin ang binilin niya. Pumitas kami ng tig-isang prutas ni Noah. Pinili ko ang kulay berdeng bilog na prutas samantalang si Noah naman ay ang dilaw na prutas na may pahugis baba.
“Masarap iyan.”
Tinikman ko na ang prutas. Marami itong mga maliliit na maputlang dilaw sa loob nito. Matamis ang lasa niya at ngayon ko lang siya natikman sa tanang buhay ko. Sana ay pampalakas ito ng resistensya.
“Sandali, ayaw mo ba Psycher?” ang tanong ko. Napansin ko kasi ang hindi niya pagpitas.
“Oo nga. Ang sarap-sarap kaya. Baka nagugutom ka na rin. Kami lang ito ni Morphie oh. Don’t be shy,” ang sabat naman ni Noah.
“Mamaya na. Marami pa naman sa palagid ng mga ganiyan. Pipitas nalang ako habang naglalalakad tayo,” ang sagot niya.
“Ipasayal mo na kami.” Tinignan ko ang mga porselas at nakakabit pa ito sa amin. Hindi man direktang bigkasin ni Psycher. Malakas ang pakiramdam ko na mapanganib ang lugar na ito para sa mga baguhan. Sinabi naman niya na hangga’t nakakakabit sa amin ang ugat porselas ay ligtas kami.
Maganda ang tanawin. Lahat ay masasabi kong mahiwaga. Para akong bumalik sa Flora Herbala sa tuwing pagmamasdan ko ang mga bulaklak at halaman sa paligid. Mukhang may kakayahan sila na magsalita rin pero pinagbawalan na kami ni Psycher na kausapin sila.
“Pumunta tayo rito para magsama-sama tapos, kakausap kayo ng iba?” Iyan ang sinabi niya kanina na hindi ko mawari kung may pagtatampo bang kasama.
“Maaari pala itong gawin na lugar upang ipagdiwang ang kasalanan! Maririkit na ang mga tanawin, marami pang pagkain na kayang abutin.”
“Babalik kami rito ni Morphie.”
“Huh?” Morphie nalang ang narinig ko sa binulong ni Psycher.
“Babalik daw kayong dalawa ni Psycher rito para magpakasal. Kahina ng pandinig, oo.” Napakamot pa siya ng batok niya.
Stressed ba siya?
“Baliw!” Si Noah lang ang umaariba ng kadaldalan habang patuloy kami sa paglilibot. “Babae at lalaki lang ang may karapatan ikasal,” wari ko naman.
“Hindi rin ah.”
“Adi, magpakasal kayo rito ni Mura.” Tumawa ako. “Bagay sila no?” panghihingi ko ng suporta kay Psycher. Ang sarap-sarap kasing asarin nitong si Noah. Ihahanda ko na ang katawan ko dahil mamimisikal na naman siya.
“Bagay na bagay!”
“Sino kayong dalawa ni Morphie?”
“Oo…bakit?” Ngumiti sa akin si Psycher.
“Bakla ka ba Psycher? Hoy… bawal bakla rito! Papatayin ka,” sabi ko.
“Biro lang… gage.” Siniko niya si Noah at halos tumalsik na ang betla sa ginta ng kakahuyan.
“Sabi ko nga hindi!” Inayos ni betla ang nauga niya utak at lumapit sa amin. “Ang lakas no’n, pre! Naalog ang utak ko.”
‘Naalog daw? Wala naman siyang utak.’ Napangisi nalang ako sa sarili kong pag-iisip.
“Alam kaya ng reyna ang tungkol sa lugar na ito?” ang tanong ko kay Psycher upang maituon ang pag-uusap namin sa ibang tema.
Kahit matatanda sa village ng Kampensina, hindi manlang nabanggit ang tungkol dito sa bundok Sierra. Siya nga, kung hindi pa siya nakaramdam ng gutom eh mananatili nalang itong sikreto sa isip niya at hindi sasabihin sa akin.
“I thought, ang pinaka- amazing na lugar na sa mundo natin ay ang Flora Herbala. Nagkamali ako. Mas-amazing pala ito,” ang sabat ni Noah. Sumabat na naman siya, dadaan pa kami sa maraming diskusyon bago masagot ni Psycher ang tanong ko sa kaniya.
“Oo… alam ng mahal na Reynang Wineah ang lahat ng nasasakupan niya. Hindi lang madalas na naibabalita ito sa buong kaharian pero napunta minsan rito ang Reyna upang sumagap ng sariwang hangin, gayundin ay mag-libang-libang.”
“Hindi kaya pupunta rito ngayong araw ang reyna nang makakita naman tayo ng magandang Fairouah? Tagal ko nang hindi nakikita ng babae.” Itchusera talaga si Noah. Akala mo namang gustong-gusto talaga ng babae, eh halos mandiri na nga siya.
“Malabo. Nagpapalakas ang mahal na Reyna,” mas natuon ang atensyon ko sa susunod na sinabi ni Psycher. “Alam ko na alam na ni Morphie ang tungkol sa isang Faireeta, ayon sa kuwento, dito daw nananatili ang isang Faireeta sa Palasyo kaya iisa nalang ang Faireetang kasangga natin ngayon, pero ang kuwento ay nanatiling walang katotohanan, hanggang ngayon, simula raw ng umalis siya ay wala pang nakakakita sa kaniya kahit isa,” ang sabi ni Psycher.
“Alam ko rin ang tungkol riyan! Laman din iyan ng balita sa baryo namin, musmos pa lang ako. Imposible naman na patay na siya, dahil makapangyarihan sila ‘di ba? Sigurado akong buhay pa siya kaya kailangan na nating mahanap ang Faireeta na ‘yon nang matulungan niya tayong sugpuin ang madilim na kapangyarihan ng Mutuah,” ang wika naman ni Noah.
Tama si Noah. Alam ko na buhay pa rin ang isang Faireeta. Muli na namang nabuksan ang kuwento tungkol sa kaniya. Kagaya ng sinabi ni Psycher, kuwentong binubuo ng gula-gulanit na impormasyon. Maaari kaya na hanggang ngayon, naririto pa rin ang nawawalang Faireeta? Hindi ko alam ang kabuuang kuwento tungkol sa kaniya pero ang narinig ko lang noon ay bigla niyang nawala.
Ang naglalaro lang ngayon sa isip ko. Nawala ba talaga siya o may dahilan kung bakit mas pinili nalang niyang itago ang sarili niya?
“Hoy, Morphie! Natulala ka?” Ginulat ako ni Noah kaya mahina kong nasapok ang tainga niya.
“Wala. May naisip lang ako.” Ngumiti ako sa kanilang dalawa.
“Lakad-lakad pa tayo,” nagpatuloy kami sa pagsilay. Huminto kami sa bilog na batis. Doon ay bumungad sa amin ang tatlong sirena na may iba’t-ibang kulay ng asul; sky blue, midnight blue, and royal blue.
“Magandang araw mga binibining Seena.” Ang bati sa kanila ni Psycher. Seena ang katawagan sa mga taong sirena. Natigil sila sa kanilang paglangoy. Inahon ang kalahating katawan at umupo sa mga pinong basang d**o.
“Maligayang pagbabalik sa Sierra, Psycher. ang salita ng may navy blue na buntot. “Sino ang iyong mga kasama?” ang tanong pa nito. Hindi sila kagaya ng mga ibang sirena na ubod ng kapangitan ang itsura. Ang wangis nila, parang mga diyosa ngunit halatang mga ordinaryong nilalang din lamang. May perlas at kabibing nakasabit sa kanilang buhok.
Malalim kaya ang makipot na bilog na batis na ‘to? Paano sila nagkakasyang tatlo riyan? Mahiwaga naman ang mga naririto kaya baka malawak ito sa ilalim.
“Siya si Morphie, ang kababata ko.” Tinuro ako ni Psycher. Ngumiti naman ako sa kanila biglang pagbati. Sumunod ay si Noah. “Ito naman si Noah, ang kaibigan namin.”
“Oh! Hello, Morphie. Babae ka ba?” ang tanong ng may midnight blue na buntot.
“Ah... hindi,” pagtanggi ko. Mukha lang o malapit na.
“Ikaw siguro ang kinuwento sa amin ni Psycher na kababata niya. Tama ba?” Tumango ako. “Ang pamilya mo ang kumupkop sa kaniya simula nang sirain ng mga Mutuah ang Iraqui at ubusin ang kanilang lahi,” ang wika naman ng may sky blue na buntot. Dami nilang alam. Kilalang-kilala na ata nila ako.
“Ako nga iyon.” Ang sagot ko naman.
Pumupunta pala si Psycher sa gular na ito kahit sa palasyo siya namamalagi. Matapos ang trabaho niya roon ay ang mga gawain naman rito ang kaniyang aaatupagin. Hindi talaga natin maiwawaksi sa sarili natin na patuloy na bumalik kung saan tayo nagmula. Paulit-ulit tayong ililigaw ng buhay, pero sa huli ay ihahayag tayo ng kapalaran pabalik sa ating lupang tinubuan.
“Tamang-tama ang dating niyo rito. May iaabot kami sa inyong mga pagkain na magagamit niyo sa inyong pagsasanay.”
“Alam nila na nagsasanay tayo?” takang tanong ni Noah.
“Narinig mo naman siguro, no?” Kahit ako ay nagulat na alam nilang may nagsasanay sa labas ng tirahan nila.
“Sinabi ko kasi sa kanila na ipag-ipon tayo ng pagkain. Nalaman ko na mahilig si Chrollo at Morphie sa karne ng isda.”
“Paano naman ako? Kahit anong pagkain nalang sa akin, ganoon ba?” ang tanong ni Noah.
“Ito, nagrereklamo pa. Huwag ka nang tumanggap, sige!” ang kontra ko rito.