Chapter 41: ALONE AND DISTRIBUTION

1646 Words
Morphie             PANTAY- pantay na hinati ni Psycher ang mga biyayang pinagkaloob sa amin ng mga Seena na ayon sa kanila ay magagamit namin sa pagsasanay. Si Psycher ay tumungo na sa kanilang dibisyon, dala niya ang mga pagkain para sa mga Nenderthalia at Lethia. Kami naman ni Noah, ito, kasalukuyan naming hinahanap si Kapitan upang sa kaniya ibigay ang dala naming ayuda para naman sa mga Acrusa.            “For sure shoot sa tiny na banga, matutuwa sa akin ang bebe Chrollo mo kapag nakita niya ang mga bitbit natin?” Papasok na kami ng Kuta ni Noah.            “Sigurado rin ako. Aba, hindi kaya pangkaraniwan ang mga pagkaing ito,” ang taas noo ko namang wika. Mababasa sa mga titig ng mga kasamaan namin na nagtataka sila sa kung saang lupalop ng mundo ng Insectia ito namin nakuha.            “Our world is full of secrets, we do not have any idea what will come next,” ang nakangiting wika ni Noah habang pinupungkasan ang prutas na may hugit na maliit na bilog at may kulay namang lila at itim.            “Hinay-hinay lang sa pagdukot. Mamaya, u***g ko na ang madukot mo!” saad ko sa kaniya. Kapa kasi siya nang kapa. Wala naman siyang ideya, baka mamaya dibdib ko na ang makapa niya. Makita pa siya ng mga tao, at isipin ng mga no’n, bakla siya, kahit totoo naman.            “Sir, si Kapitan po?” ang tanong kay kuya na nakalimutan ko na ang pangalan. Siya ang kanang kamay ni Kapitan pero nawala na sa isip ko ang pangalan niya. Gano’n talaga siguro kapag tutok sa pagsasanay, at nadaragdagan ang edad. Marami na rin kasing iniisip.            “Naglalakad lang kanina riyan e,” ang sagot nito at tumingin sa mga dala namin. “Ano ba iyang mga dala niyo? Baka mamaya mga bomba iyan, malintikan pa tayong lahat dito.”            “Mga pagkain ho ito.” Binuklat ni Noah ang b****a ng lalagyan upang makita nang kanang kamay ang laman ng dala namin. Pati ba naman kasi kaming ang buong katapatan ay nakalaan lang sa hukbong sandatahan, iniisipan pang magdadala ng problema sa hukbo? Masakit pakainin ang isip mo ng mga salitang hindi pa ganoon ka-solido ang tiwala nila sa iyo. Dami kong sinabi, baka nagbibiro lang siya.            “Ayos pala iyan. Sakto na iyan sa dalawa hanggang tatlong araw na pagkain ng hukbo. Matutuwa si Kapitan sa ginawa niya. Baka bigyan pa kayo ng pabuya.” Tumayo si kuya sa pagkakaupo niya. “Sandali, hahanapin ko si Kapitan. Maupo muna kayo riyan at alam kong napagod kayo sa paghahanap niyan.”            “Sige po, kuya.” Rumatsyada na siya ng lipad na mas matulin pa sa isip ng hangin.            “Tignan mo siya. Nalaman lang na pagkain ang dala natin naging energetic from the world to the intergalactic universe na ang peg, no?”            “Hindi ka na nasanay, syempre natural stimuli na nila ang pagkain. Kahit sino naman, mapa-anong uri ng nilalang, pagkain ang nagpapasigla. Sasang-ayon ka ba o bubunsulin kita?”                        “Eh kung jilahin ko kaya iyang jilastra mo pa-gosesung sa both feetsung mes? Tignan natin kung hindi ka tumangis sa sakit. Baka matawag mo pa ang panginoong Jesuah sa pagiging maldita-ey ko. Ano, true bam-bam ba o hindi?”            “Sa true nalang,” lines to end the useless, kinemehang diskusyon.             “Hoy!”            “Ay babaeng palakang kinakangkang ng sampung boylet na frogs!” Tarantang sigaw ni Noah dahil sa biglaang pagsulpot ni Mura sa likod niya. Dahil sa ayaw kong mahalata ng mga kasama namin ang kalambutan ni Noah ay sinipa ko siya. Tagumpay naman ako at tumalsik siya.            “Morphie!” Mabilis na dumagungdong ang t***k ng puso ko nang makita ko si Kapitan na nakatayo sa harapan ko. Sigurado ako nakita niya ang ginawa kong pagsipa kay Noah. Tinulungan ni Mura na makatayo si Noah at isa-isa nilang pinulot ang mga prutas na nahulog sa bitbit ni Noah-ey.            “Kung ikaw kaya ang sipain ko habang nakatanaw ang mga kasamahan mo? Matutuwa ka ba?” ang dagdag pa nito at bumaling kay Noah. “Nasaktan ka ba, Noah?”            “Hindi ho, Kapitan. Ayos lang ako. Ito nga pala ang mga pagkain na nakuha namin ni Morphie.” Inabot niya kay Kapitan ang mga pagkain pero ang kanang kamay ang kumuha no’n.            “Hindi dapat hinahayaan ang mga ganoong aksyon. Nagpapakita lang ang ginawa mo Morphie nang kawalan ng disiplina!” ang wika ni Kapitan. Kung nakalulusaw ang mga tingin ng iba ay matagal na akong nag-melt sa kinatatayuan ko.            Otomatikong dinurog ang puso ko. Bakit masama ang naging dating sa kaniya ng ginawa ko? Gusto ko lang naman na pagtakpan ang ginawa ni Noah. I merely aim to save him from his actions.            “Hindi ko ho—            “Nagawa mo na at kitang-kita ng mga mata ko. Dahil diyan, upang magtanda ka ay hahatulan kita ng isang parusa, isang gabi kang mamamalagi sa ginta ng kakahuyan.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kapitan.            “Sandali kapi---            “Desisyon ko ang masusunod.” Komandong wika nito. “Oliver, kuhain ang mga pagkain at ipamahagi sa buong hukbo. Siguraduhin na ang lahat ay makatatanggap ng sapat at pantay. Ako na ang bahalang magdala sa pasuway na ito sa kaniyang himpilan.”            “Masuusunod kapitan,” wika ni oliver.            Nagkatinginan kaming tatlong magkakaibigan. Dama ko ang awa nila sa akin pero wala silang magawa. Nakita ni Kapitan ang ginawa ko. Mali ang aksyon ko, pero mabuti ang motibo ko. Sometimes, actions are being misinterpreted, and it leads to negative conclusions.            “Sumunod ka sa akin,” utos ni Kapitan. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod nalang sa kaniya. Hindi ko rin naman malaman kung paano ipapaliwanag kay Kapitan ang ginawa ko. Alangan naman na sabihin ko sa kaniya na naginto, Kapitan nagulat kasi si Noah, humiyaw ng malambot, eh marami mga nakatanaw sa kaniya, baka ka ko mahalata niyo na tuklesa siya. Hindi ko naman puwedeng sabihin iyan.            Dito nalang siguro ako magpapalipas ng gabi. Pagabi na rin naman, kaunting oras nalang ang hihintayin ko para matapos ang araw na ito. Huminto kami ni Kapitan sa pusod ng gubat. Tahimik ang bawat isa, tila parehas na nahihiya kung sino ang unang magsasalita. Nakatayo lang ako ng tuwid, nakalagay ang kamay ko sa likuran at naghihintay ng taling ipanggagapos dito.            “Hindi gano’n ang pagkakakilala ko sa iyo, Kaibigan…” napaharap ako kay Kapitan dahil sa sinabi niya. “Ano ang dahilan mo, sabihin mo sa akin.” Hindi ako sumagot. Ayaw ko nang mag-usal pa ng panibagong kasalanan kung magsisinungaling lang din ako. “Kung hindi ka magpapaliwanag, totoohin ko ang sinabi ko… dito ka mismo magpapalipas ng gabi.”            “Ayos lang ho… sanay naman na ako,” sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya. “Talian niyo na ako Kapitan, gusto ko na rin pong magpahinga.” Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. “Iyon nga po palang mga nilabhan ko, nakasampay malapit sa katubigan, baka po tuyo na iyon. Hindi ko na po makukuha.”            Siya naman ngayon ang naging pipi at nakatingin lang sa akin.            “Papakuha ko nalang iyon kay Oliver,” ang sagot niya.            “Sige po… pakitali na ho ako Kapitan,” pagmamadali ko. Hindi siya nagsalita. “Baka po kailangan na kayo sa kuta. Ayos lang po ako rito.”            “Hindi. Mamaya na… magkuwentuhan muna tayo,” ang wika niya.                       Talagang gusto pang chumika nito?            “Sawa na po ako sa kuwento kapitan. Gusto ko nang magpahinga.”            “Eh kung sakalin kaya kita ngayon nang tuluyan ka nang magpahinga habang buhay!?” Sinigawan niya ako. Galit siya. “Ang arte mo! Daig mo pa ang babae!” Binuka niya ang mga pakpak niya. “Bahala ka mapag-isa ngayong gabi. ‘Wag kang magpapakita sa akin.”            Anong eksena ni Kapitan? Hindi pa siya nakatikim ng matamis na katas ng bukang bulaklak at mainit na naman ang ulo niya? Bahala talaga ako rito. Pinanganak ako sa mundong ito na hindi siya kasama. Huwag siyang umeksena at hindi tama.            Kaunti nalang talaga. Hindi ko na makakapa ang ugali niya. Eh ano naman ngayon kung hindi ako magpakita sa kaniya Ayaw ko rin namang makuha ang mukha niyang parang pasan ang galit ng buong mundo. Nababawasan ang kaguwapuhan niya kapag pinagpatuloy niya ang pagkainis sa akin.            Oo, teka… sa akin lang siya inis na inis. Akala mo bang inaway ko siya noong mga bata kami. Kumukulo ang dugo kapag nakikita ako e. Minsan sobrang bait, madalas nasisiraan ng bait. Kaysa kunsumihin ko ang sarili ko sa kaniya, ay mas mabuti kung iiglip muna ako. Ngayon nalang ako makababawi ng tulog. Susulitin ko na.            “Opppsss… mamaya ka na pumikit, maysasabihin lang ako sa iyo.” Binuka ko muli ang mga mata kong kalahati na ang nakapikit para harapin si Hela, ang ahas. Mabait na ahas, hindi traydor.            “Why?” ang tanong ko sa kaniya.            “May sasabihin nga ako sa iyo, hindi ba? Mamaya sa pagtulog mo… mananaginip ka,” ng wika niya. si Hela naman, ayon lang naman pala ang sasabihin niya. Gagambalain pa ako sa pagtulog. Sumisigaw na ang katawan ko ng pahinga.            “Oh, ano naman kung mananaginip ako mamaya? Ipagdarasal ko nalang na mabuti itong panaginip para sulit. Sige… mag-take na ako ng sleep.” Paalam ko.            “Hindi ko maabot ang kalamigan ng puso mo ngayon Moprhie… hindi gan’yan ang tamang pakikitungo sa mga kagaya kong nauna sa iyo sa mundong ito. Bago ka matulog, siguraduhin mong sagrado ang puso mo, dahil kung hindi, ikaw rin.” Nang masabi ito ni Hela ay umalis na ulit ang bahagharing ahas.            Ginawa ko ang nais niya, pinikit ko ang mga mata ko na walang kahit anong galit sa mga kasama ko maliban sa mga Mutuah. Sana, maganda ang maging panaginip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD