Chapter 42: DREAM

1379 Words
PATULOY sa paglakad ang mga paang walang sapin sa daang puno ng bangkay. Ang hininga ay hindi na mahabol sa bilis ng pagkumpay, ang katauhang sinukluban ng kahihiyahan. Panangis ang siyang nananatiling emonsyong patindi nang patindi sa tuwing ang minuto ay pataas nang pataas. Sa pagtaas nito, ay ang pag-angat din ng bahagdan ng mga taong Paruparong- ang mga kaluluwa'y sumisigaw ng katarungan. Sa mga digmaan na kinaharap ko, kung ikukumpara ang isang ito, wala pa sa sampung porsyiento. Hikakos na ako. Ang tiwala ko ay nagpumilit nang humiwalay sa akin dahil wala na... wala nang pag-asa, wala na akong makitang paraan upang maipanalo namin ang laban na ito. 'Kahit anong gawin mong paglalakad, hindi ka makararating sa iyong patutunguhan hangga't patuloy na nakakubli ang katotohanan sa bagay na tumitibok sa dibdib mo.' Baon ko na ang matinding pag-iisip, pero hindi ko naunawaan kung ano ang nais patunguhan ng mga linyang ito. Gusto ko nang makita ang tao sa likod ng boses. Nahihiwagaan ako sa mga sinasabi niya at hindi ko matiis pa na malaman kung ano ito.  “Ano ang iyong plano at pilit mong ginugulo ang isipan ko?” ang sigaw ko sa kawalan. Para akong may maluwag na turnilyong sumisigaw sa nilalang na hindi ko manlang malaman kung nasaan. “Lakad lang, huwag kang tumigil. Sayang ang oras sa paghinto mo, wala kang kaalam-alam nasa dulo ka na ng kawalan.” Ayan na naman siya. Magkahalo na ang pawis at dugo sa aking katawan. Ang mga sugat ko sa bawat parte ay palaki nang palaki ang uwang. Kumikirot at parang walang humpay nitong pinupunit ang aking balat ngunit wala akong magawa. Kailangan kong tiisin ang nararamdaman ko. Hanggang sa mga oras na ito, patuloy pa rin sa paghagis ng kapangyarihan ang mga halimaw na Mutuah. Mabuti nalang at mabilis akong makaiwas kaya kahit na papaano ay hindi na nadaragdagan pa ang iba't-ibang sugat sa aking katawan. “Tigilan mo na ako!” Ang palad ko ay dumiin sa aking sintido dahil sa pagtindi ng kirot nito. Hindi ako makapag-isip ng tamang paraan, hikahos na nga akong mahagkan ang tagumpay, baldado pa akong makapag-isip nang matiwasay. "Araw-araw kitang patuloy na susubaybayan hanggang sa dumating ang araw na malaya ka na at baon ang katotohanan." “Anong katotohanan ang sinasabi mo? Huwag mong guluhin ang isipan ko! Layuan mo ako, isa kang encanto!” ang buong lakas na hiyaw ko. ISANG patak ng tubig ang tumama sa mukha ko. Otomatikong umangat ang katawan ko, at hinabol ang hiningang mas mabilis pa ang takbo sa ma-alamat na kabayo. Tama ang tinuran sa akin kanina ni Hela. Mangyayari nga ang isang panaginip. Tanda ko pa ang sinabi niya, gawing busilak ang aking puso nang maging mabuti ang panaginip na daranasin ko. Pero, hindi. Matinding bangungot ang hayag nito sa akin.      Ang maliwanag na sinag ng buwan ang siyang nagtatanglaw sa paligid nang aking kinalalagyan. Humampas sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Nagbabadya bang tumangis ng matindi ang kalangitan? Saan ako sisilong rito? Ayan ang tanong na agad na pumasok sa isip ko. Sandali, malinaw pa sa akin ang imahe sa panaginip ko. May nilalang na pilit sumasakop sa isipan ko. Sabi nga, hindi naman totoo ang nasa panaginip pero maaari itong maging abiso. Ipagdarasal ko nalang araw-araw na hindi matuloy ang matinding sagupaan, daluyong ng dugong tumagas sa katawan ng aming kasamahan, walang humpay na bombang walang sawang sumasabog sa kahit saang bahagi ng lugar. Higit sa lahat, ang hindi masukat na puwersa ng kalaban na bumubuga nang patuloy at walang humpay. Tumayo na ako dahil kumalam ang sikmura ko. Nagpapasalamat pa ako na mabait si Kapitan at hindi niya ako tinali. Sa tingin ko, nasa kalagitnaan na ito ng gabi. Hindi ako tuluyang lugmok na nag-iisa dahil hindi ko na kailangan pang dumistansya nang malayo upang makakita lang ng pagkain na pupunan ang kumakalam kong sikmura. Inangat ko ang kamay ko, sinarado ito upang tuluyang mapitas ang bunga. Tama ang napili ko dahil makinis ito, mukhang malinamnam at punong-puno sa bitamina. Akmang ibubuka ko na ang ang bibig ko ngunit may narinig akong malakas na kaluskos sa paligid. Ginala ko ang tingin ko upang hanapin kong sino ito. Inalerto ko na rin ang sarili ko at inaalala ko ang sinabi ni Hela na marami nga raw mga mababangis na nilalang na gumagala sa tuwing gabi. Ayon sa pagyabag ng mga paa niya, paikot siya sa kinatatayuan ko. “Itigil mo ang pagkubli sa sarili mo. Bahag ang buntot lamang ang gumagawa niyan,” ang wika ko rito at matapos ay pumangas ng prutas na pinitas ko. “Handa ka na bang makita ako!?” Tumayo ang mga balahibo ko nang marinig ang boses niya. Hindi ito dulot ng takot kung hindi parang may hindi maipaliwanag na koneksyon ang kaluluha ko sa kaniya. Tumigil ang paglalakad sa bandang kaliwa ko. Tinuon ko ang tingin ko roon at lumabas ang Fairouah na may kakaibang itsura. “Fake,” ang mahinang bigkas niya habang lumalapit sa akin. May naalala ako. Hindi ako maaaring magkamali. Ito, ito... ang boses na naririnig ko kanina sa panaginip ko. “Ikaw,” ang bigkas ko habang sinusuri ang pagkatao ng nilalang na ‘to. “Huwag mong ibaling sa akin ang pagiging huwad mo.” Kakaiba ang itsura niya. Ito na naman tayo, mali na naman ang nakuha nila sa sinabi ko. Ikaw, ang ibig sabihin, ikaw ang nasa napaginip ko. Kakaiba ang itsura niya. Mukha siyang paruparong may tinataglay na kakaibang porisyento ng kapangyarihan. Mas lumapit siya sa akin kaya naman luminaw ang itsura niya. “Sino ka?” ang tanong ko. Sa tagal ko naninirahan sa mundo namin, hindi ko pa nakita ang itsura niya. Hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko dahil panatag ang loob ko na hindi siya gagawa ng galaw na maaari akong masaktan. “Ang taong nauna sa iyo sa mundong ito , ang taong makakaintindi sa iyo ng buong-buo. Ikaw… ikaw ang nakatadhanang magtatama ng kapalaran ko.” May hindi matanaw na pakong bumaon sa mga paa ko, hindi ako makakilos. Ngayon ko lang narinig ang sinabi niya pero parang matagal na itong alam ng puso ko. Iba ang nararamdaman ko, hindi ko talaga maipaliwanag. “Sabihin mo sa akin kung sino ka,” ang paki-usap ko sa kaniya. “Ang puso natin at tandhana ang gagawa ng paraan upang magkita tayong muli, ipaliwanag ko sa iyo ang mga bagay-bagay. Nalalapit na ang araw na iyon. Tumindig ka na parang pader na walang sinuman ang may kayang sumira. Be authentic, Morphie. Speak your truth as this is the only way for you to have the unstoppable force.” Naging puti siyang ilaw, at walang anu-ano ay dumaan sa kinatatayuan ko. Sino kaya siya? Ano ang sinabi niya na ako raw ang magtutuwid ng kapalaran niya? Hindi ko maintindihan. Kanina pa ako naguguluhan. Sasabog na ang isip ko sa mga malabo at nakalilitong impormasyong naglalagi rito. “Morphie! Morphie... Gumising ka riyan!” Nagising akong sa malakas na pagyanig sa braso ko. Minulat ko ang mga mata ko. Natutulog ba ako? “Nananaginip ako ulit!?” Namulatan ko kasi Noah at Mura, nakatayo sila sa aking harapan. “Huh? Ewan ko sa iyo. Ginising ka na nga namin, tatanungin mo pa kami? Tumayo ka na riyan at tara na sa kuta. Inutusan kami ni Kapitan na puntahan ka raw dito," ang mahabang sagot ni Noah. Pinapunta sila ni Kapitan? May awa pa rin pala sa akin si Kapitan. Pero teka, nanaginip ako kanina, nagising ako, tapos nananaginip ulit ako? Ang gulo. Parang ang ugali ni Chrollo. Hay, nako nalang talaga, oo! “Hoy, bakla ka! Bakit ba sinipa mo ako kanina? Ilang espiritu na naman ba ang sumapi riyan sa katauhan mo?” ang tanong sa akin ni Noah. Hindi ako nagsasalita at nakatulala lang sa kawalan. “Bakla ka! Nakulam ka na ba rito? Sasagot ka o ibibitin kita ng patiwarik?” Kahit hindi ko na pansinin pa ay ramdam ko ang gigil ni Noah.            “Nanaginip ako sa loob ng panaginip,” ang sambit ko sa kanila.            “Gutom ka na, mamsh.” Hinatak ako ng dalawang nag-iibigan. Napilitan akong ibuka ang pakpak ko at lumipad kami sa lugar kung saan makapag-uusap kami ng mas maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD