Chapter 43: MU

2078 Words
Morphie  “OH, ayan pinagtabi kita kanina baka maubusan ka pa ng mga barako,” Inabot sa akin ni Noah ang pagkaing galing kanina sa bundok Sierra. Kanina lang ba iyon? O kahapon pa? Nakatulog na ako, at nanaginip na rin sa loob ng isang panaginip tapos kanina lang pala? Aws. Bad iyon! Hindi dapat gano’n.   “Salamat.” Kinuha ko ito at walang anu-ano’y tinalupan. Hindi ko nakain ang prutas kanina dahil sa biglaang paglabas ng hindi ko makilalang Fairouah. Naganap nga rin ang pagsipa ko kay Noah. “Pagkatapos mong lamnan ang ganid mong simukra, ay paliwanag mo sa amin kung anong klaseng kabayo ang tumakbo riyan sa isip mo at naisipan mong patalsikin ako kanina sa kinauupuan ko gamit ang malakas mong super kick! Admit us your secret please, mutant ka na no?” Kung hindi lang ako gutom ay nasupalpal ko na ulit si Noah. “Shrue. I have plenty of stories to share! Marami-marami rin akong kailangan ikuwento sa inyo,” ang wika ko with full of excitements. “Oh siya, si Kapitan, huwag mo nalang rireremind katulad ng ginagawa mo before. Don’t put his actions deeply in to your heart dahil kulang lang sa pagmamahal iyon ng outside forces. That’s the reason why napapadalas ang pagiging mainitin ang ulo. Alam niyo na, hindi nakalalabas sa kuta. Abala sa pagsubaybay sa atin,” wika pa ni Noah. “Oo nga, Morphie. Mawawala ka lang parati sa mood kapag sineryoso mo si Kapitan,” segunda naman ni Mura. Alam ko naman. Kailangan talaga ng kahit anong nilalang ng kahit anong uri ng pagmamahal para mabuhay nang puno ng saya at kapayapaan. Pero sabi ni Noah, abala si Kapitan sa pagsubaybay sa amin, pero nakaliligtaan niya pa ring subaybayan ang puso ko. “Oh kumain ka na. Dami na naming chika.” Tinapik ni Noah ang balikat ko. Mabuti naman and he gets to realize this. Kakaiba ang lasa ng pagkain. Gumuguhit ito sa aking lalamunan na para bang naiiwan ang kaniyang kabuuang sustansya sa aking labi. Sunulit ko na ang libreng pagkakataon upang mag-moment habang kumakain.            Nakuha kaya ni Kapitan ang mga damit niya sa sampayan? Natiklop niya kaya ang mga ito? Gusto ko pa naman sana na ako mismo ang gumawa nito para sa kaniya, pero hindi pa man natatapos ang una kong pagsubok,  binigyan na niya ako ng panibago. Natapos akong kumain at hindi ko na kailangan pang kumuha ng inumin dahil may kasama na itong masustansyang katas. “Ito kasing si Mura...” Tinapik ko si Mura sa balikat niya. Magsisimula na ako sa pagkukuwento. “Huh? Anong mayroon sa akin?” gulat niya. “Wala akong alam diyan a. Inosente ako,” ang depensa pa nito.            “We? Wala talaga? Hmmm… eh bakit ang defensive mo?” binigyan ko siya ng mapanuring tingin.            “Oh, ano ba kasing ginawa ni Mura?” usisa ni Noah.            “Oo nga, anong mayroon sa akin.” “Ikaw kasi… ginulat mo si Noah kaya ayon tuloy napasigaw siya ng baluktot at malambot na hiyaw. Sa takot ko na baka mahalata ng mga kasamaan natin ang kinukubli niyang kalambutan, sinipa ko siya ng mahina para doon mabaling ang atensyon ng mga kasamaan natin. Hindi ko naman sinasadya at napalakas pala ang ginawa ko at nakita ni Kapitan,” ang hayag ko ng storya sa likod ng ginawa kong super kick kay Noah. “Ah, salamat ha?” Tinaas niya ang bangs niya sa noo at may nakita ako roong galos pa-L na galos. “Sa tingin mo, hindi ako makakaget ng pa-L na galos kung mahina lang ang pagsipa mo?” Napasubsob kasi kanina ang mukha niya sa lupa kaya siya siguro siya nagkaganiyan. “Huwag ka nang magtaray kay Morphie, laham ko. Kiss ko nalang iyang pa-L mong galos para mawala na ang hapdi.” Dali-daling dinampi ni Mura ang labi niya sa noo ni Noah. “Enebe! Ekew nemen!” ang daing ni Noah at mahina pang hinampas ang hita ng kaniyang bebe loves. “Ayan tuloy magaling na ang galos! Balak ko pa sanang next week ito paghilumin pero ang magical ng kiss mo e! Makakatanggi pa ako riyan?”            Sandali naming pinagsaluhan ang tawanan. “Pero sandali, seryoso na ako this time.” Humarap kami kay Noah. “Kailangan ba talaga nating ikubli ang pagkatotoo natin magkaroon lang tayo ng karapatang ipagtanggol ang ating kaharian? Hindi ba puwedeng makipaglaban bitbit ang tunay na pagkakakilanlan?” “It’s not like your relationship that goes smooth and well, your queries is complicated Noah.” Huminga ako ng malalim. “Hindi nila tayo mauunawaan.” Ngumiti ako. “Isa pa, masaya naman tayong nagkukubli, hindi ba?” “Oo, masaya tayo Morphie pero hanggang kailan? Habang buhay tayong hahabulin ng konsensya natin sa pagkukubling ito,” si Noah. “Gusto mo na bang ibunyag natin ang totoo?” tahimik kong tanong. Nakikinig lang sa amin si Mura. “Kung sama-sama tayo at magiging solido haggang sa dulo, oo, sige at payag akong ihayag ang totoo,” ang sagot nito. Hindi ako agad nakasagot. Bakas na naghihintay sila sa kung ano ang magiging tugon ko. Huminga ako ng malalim. Sigurado akong irerespeto nila ang magiging desisyon ko. “Hindi pa ako handa.” Ito nalang ang naging tugon ko. “Kung ano man ang magiging desisyon ng bawat isa ay tanggapin nalang natin ng buong-buo. Dahil ako, kung itatwa man ng kapwa natin ang pagiging tomboy ko ay hinding-hindi ko kayo idadamay dahil mahal ko kayo... kayo nalang ang natitirang mahalaga sa buhay ko. Kung darating man ang araw na kinakatakot ko, huwang kang mag-alala Morphie... protektado namin ni Noah ang tunay mong katauhan.” Gusto kong mapaluha sa sinabi niya. Maikli lang ngunit malalim ang tama nito sa dibdib ko. “Kaya niyo iyong gawin para sa akin?” Tumango sila ng sabay. Kusang bumuka ang aking mga braso at nag-akapan kaming tatlo. “Nanaginip ako kanina, dalawang panaginip...” hindi ko na kailangan pang alalahanin ang naganap habang pikip ang mga mata ko dahil malinaw pa sa akin ang bawat detalye nito. “That intrigues me a lot kanina pa!” Hinatak ni Noah ang patilya ko kaya't lalong nagising ang diwa ko. “Itong si baby... ang sadista! Kagatin kita riyan e.” Baby naman ngayon? They have lots of call signs ha. “Matinding panangisan, panangis na hindi pa nasasaksihan ninuman sa atin. Ang bawat mandirigmang Fairouah ay lumulutang na sa kanilang sariling dugo. Parang nakita ko na kung ano ang mangyayari sa atin hindi magiging pabaya tayong lahat. Nakatatakot. Talunan tayo, at hindi manlang nating nagawang sugpuin maging trenta porsiyento ng lakas ng mga Mutuah. Sa paginip kong iyon. Doon ko lang naramdaman, ang salitang 'Kawalan ng Pag-asa.' Sinasabi ko sa inyo ito dahil kailangan nating gawin ang buo nating makakaya upang hindi magkatotoo ang laman ng panaginip ko. Katarungan ang kailangan nating makamtan, lakas at tapang ang ating inaalay sa mga kalaban... hindi daluyong ng talunang dugo,” mahabang saad ko. “Sama-sama tayo.” Hinawakan nila ang kamay ko bilang pagpapalakas ng loob ko. “Alam natin na malakas ang puwersa ng kalaban. Hindi manggagalaiti ang palasyo sa pagsasanay sa atin kung mahinang puwersa lang ang ating babanggain,” ang dagdag pa ni Mura. Aminado ako na marami na akong nakuhang taktika at estratehiya sa pakikipaglaban. Pero ayon lang at hindi ko maiwasang hindi mabalisa sa tuwing iisipin kung ilang bahagdan ang lakas na tinatago ng kalaban. Parati kong bitbit sa isip ko ang pitong maalamat na siyang luhod sa mga kapangyarihan- ang seven deadly specialist. Isa pa lang ang sumugod sa amin, halos madurog na ang aming hukbo. Paano kaya kung lahat sila ay sabay-sabay na aatake, ano na ang kahahantungan namin? “Don’t think too much about that, Morphie. Keribels sila ng powerful niyowers kes. Isang jutot-ey ko lang sa kanila, tignan natin kung hindi mayanig ang mga bahay pang-amoy nila,” ang pagpapatawa ni Noah. Bet ko ang Jutot-ey “Sandali...” Tumitig ako sa kanila. Sinusuri ang mga hawak nila sa isa't-isa. Gusto kong marinig na sabihin nila sa akin na kami na. Iniisip ko pa lang ay mapapatalon na ako sa tuwa. Baka mabuhat ko pa sila at mahayag sa dulo ng kanilang hininga. Biro lang. “Ano? Kabastra akis ng tentakels with .1 percent kapag na-hearsung ng earsung ko sa iyo iyang 'sandali',” ang sabi ni Noah. May kapangyarihan ba ang salita ko? Kung ganoon, matakot na sana ang mga Mutuah sa akin. Hihiyaw talaga ako ng malakas!!! Rawr! “Kayo na ba?” diretso kong tanong. “Huh? Kami?” si Noah. “Hindi, kayo noong mga puno sa gubat!” pamimilosopo ko. “Hindi pa ba!? Mga  makikireng ito, oo!” “Okay, but we aren’t currently in the relationship. MU, I guest?” ang sagot ni Mura. “What’s MU?” kunot noo kong tanong. Ngayon ko lang iyan narinig. Bago sigurong salita na naimbento ni Noah na chinika kay Mura. “Morphie naman. Kahit kailan ka talaga, wala kang muwang sa mga thingy-thingy about how the world works. Minsan kasi, you'll trin'-a kineme mag-joining sa mga clubeber na mag-achieve mo ang mga wisdomera nang witchikels ka tonta riyanchibels!” “Ano nga kasi ang MU?" “It simply stands for Malanding Ugnayan Morphie,” sagot ni Noah. “Ninang ako sa limang dosenang supling, huh? Write me on the list na ha?” ang kinikilig kong sambit. Sa kakerihan ni Noah, sigurado akong sobra pa sa isang dosena ang kanilang magiging anak. “Pahabain mo muna iyang buhok mo bago ka maging ninang, NINONG!” pambabasag niya sa sinabi ko. “Heto naman. Minsan na nga lang mag-inarte, ayaw mo pang pagbigyan.” “Eh wala naman kasi sa lugar. Hindi ka naman talaga bagay na maging ninang-eys.” “Adi not.” Hindi ko na nagawa pang ibahagi sa kanila ang tungkol sa ikalawang pananginip ko. Mabuti nalang at hindi maging mapag-usisa ni Noah. Nawala na rin ito sa isip nila. Magkikita pa raw kaming muli sabi ng Fairouah sa panaginip ko. Ang tanging magagawa ko ngayon ay paghandaan ang araw na iyon. Dahil sa tingin ko matinding rebelasyon ang magaganap. “Ano nga ulit ang tawag sa dumi sa loob ng ilong?” ang siyang tanong ni Noah. “Kulangot! Iyong kaamoy mo.” At ang gabi nga namin ay napuno ng mga halakhak hangga't sa inabutan na kami ng liwanag sa kaparehas na puwestong kinauupuan namin. NILAPITAN ko si kapitan sa kinauupuan niya ngayong umaga. Matindi ang sikat ng araw. Naghahayag lang ito ng malinaw at malinawag na pag-asa na dapat ay walang ipangamba. Nais kong humingi ng pasensya sa kaniya sa naging aksyon ko kahapon. Kawalan ng respeto ang pinakita ko sa kaniya. Siya ang Kapitan at dapat hindi nawawala sa akin ang pag-respeto kahit gaano pa man kapangit ang ugaling pinakita niya sa akin. “Magandang umaga ho, Kapitan.” Kinakabahan ko pang-ani. Nakita kong may umiinom siyang mainit na inuming tutulong upang mas lalong magising ang diwa niya. Hindi siya sumagot. Nakatuon lang ang pansin sa malaking papel na kanina pa niya pinag-aaralan. Sa tingin ko ay Mapa iyon, at nakalagay roon ang mga taktikang aming gagamitin. “Patawad sa naging aksyon ko kahapon, kapitan,” nagsimula na akong magsalita. Wala akong ideya kung maganda ang araw niya o ano. Sana ay kausapin niya ako at patawarin sa nagawa ko. Naalala ko, gusto nga pala niyang makipag-kwentuhan sa akin pero hindi iyon nangyari dahil sa pagiging tagilid ng ugali ko. Baka gantihan niya ako. “Hindi ko sinasadya ang nagawa ko, nabigla lang ako. At saka nga pala, nakuha niyo ba ang mga damit niyo? Naging mabango ho ba ang amoy nito o walang pinagbago? Nagustuhan niyo rin ba ang mga pagkain na biyaya ng bundok Sierra? Salamat nga po pala kapitan sa pagpunta kina Noah at Mura sa ginta ng kagubatan at pagbigay sa akin ng makakain,” ang mahaba kong salita. Tumingin lang siya sa akin. Tiniklop ang dalang papel ng pabilog, at saka tumayo. Iniwan na niya ang kahoy na basong wala nang laman sa inupuan niya. “Ano nangyari roon!?” ang bilang sulpot ni Noah sa gilid ko. “Hindi ko alam. Baka wala na naman sa mood. Oh siya, tara na nga.” Inaya ko na siya. May mahalaga kaming gagawin ngayong araw. Ang pagsasagawa ng matitibay at mabagsik na palaso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD