Morphie
NAPABILANG ako sa mga kasamaan namin na tutungo sa palasyo upang kumuha ng mga gamitan na kinakailangan upang makagawa ng mga armas namin- ang pana at palaso. Naiwan na sina Noah at Mura sa Iraqui dahil may sarili rin silang obligasyon na kanilang dapat tapusin at isakatuparan.
Kasalukuyan naming binabaybay ang lawak ng himpapawid, kung susumahin gamit ang panant’ya ko, sa tingin ko ay nasa kalagitnaan na kami patungo sa palasyo. Si Kapitan Chrollo ang nauuna sa amin sa paglipad. Alam mes naman na pangunahan ko siya. Ano ako no’n desisyon? Nagpapati-una?
Maganda ang hayag na pakiramdam ng kalikasan. Matisay, at tila walang nagbabadya na kahit anong kapahamakan. Ako lang sa grupo namin ngayon ang petite ang katawan. Lahat sila ay puro matcho at guwapito. Can’t understand kapitan desisyon hence I love it for the profoundest reason that I really wanted to see the queen.
I am currently enjoying our travel as I know that later on, my arms will carry tons of things, I am making it ready to break. Joke. Binilisan namin ang paglipad dahil ang motto ni kapitan Chrollo that time lost will never be regained for another use.
Sa bilis ng aming paglipad at sa konsentrasyon ng bawat isa ay nagawa namin na makarating doon.
Magiliw at masiglang bumati sa amin ang mga kawal sa bakuna ng Palasyo. Nang makita nila ang presensya ni Kapitan ay agad nilang binuksan ang dambuhalang tarangkahan. Binati nila si kapitan ng maayos na pagbati kagaya nalang ng, maligayang pagbabalik sa inyong tahanan, aming kapitan.
Balak ko sanang umepal dahil parang inaangkin na nila si kapitan. Ang sabi e, aming kapitan daw? Ay jusko.
Pumasok na kami sa loob ng kaharian at doon ay nakita namin ang pinaka-ulo ng hukbong sandatahan, si Heneral Herbes. Naka-upo siya at sa tingin ko ay kasalukuyang namamahinga. Nilapitan siya ni Kapitan at kinuha ang kamay ni Heneral, sunod ay pinatong sa kaniyang noo bilang pagbibigay ng galang.
Ngayon ko nalang ulit nakita si Heneral. Ilang araw na rin siyang hindi nadalaw sa aming pagsasanay. Baka may isinasaayos ng mga importanteng bagay.
“Hinanda ko na ang mga kagamitan na kinakailangan niyo,” ang wika ni Heneral. “Sa pinakadulong ilalim ng Palasyo, doon niyo matatagpuan ang mga ito.”
Tumango sa kaniya si Kapitan, at sinenyasan niya kami sa sumunod sa kaniya. Mga sampu lang kami ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit nasali pa ako sa kanila at ano ang ginawang kuwalipikasyon ni Kapitan para pagbitbitin niya ako, pero para magkaroon ng motibasyon ay iisipin ko nalang na kami ang sampung mahuhusay na nagpapakita ng kakaibang gilas pagdating sa pagsasanay. Usto niyo ‘yorns?
“Baka hindi mo nadala ang mga kailangang bibitin, huh?” ang bulong sa akin ni Pedro. Ayan, ngayon niya lang ako kinausap ulit. Siguro ay tapos na siyang magluksa sa kaniyang ina kaya ako naman ang pagdidiskitahan niya.
Tumingin ako sa kaniya at nginitian siya.
“Basic,” sagot ko at mas bilinisan ang paglalakad. Bumalik na naman siya sa tunay niyang pag-uugali. Ang buong akala ko, ang pagkamatay ng ina niya ang magiging daan tungo sa pagbabago ng ugali niya ngunit maling-mali ang akala ko dahil hindi… mukhang wala na siyang pag-asang magbago. Itatatak ko na iyan sa isip ko para sa susunod na aasarin niya ako, wala na itong maging dating pa sa akin.
Ito ang unang beses na makapapasok ako ng palasyo kaya galak na galak ako, hindi para magbuhat kung hindi para makita ang ganda ng loob nito. Ipagdarasal ko na matanaw ko ang mahal na reyna kahit suntok sa buwan if this will happen.
Sa wakas ay nayabag na namin ang aming mga paa papasok sa loob ng palasyo. Napatigil ako sa paghakbang dahil sa kakaibang itsura nito. Walang sapat na salita ang kayang magpaliwanag sa kadalisayan at pagiging perpekto nang bawat sulok nito, kahit nasira na noon ng mga Mutuah ang ibang panig nito ay mabilis itong naka-recover at bongga na ulit. Hindi ko kayang ihambing kung mas kaakit-akit ito kaysa noong una dahil hindi ko naman nakita ang istura nito dati.
“Hoy, Morphie?” May kumalabit sa akin kaya bumalik ang diwa ko ngunit hindi ko na nakita pa kung sino ito. Napansin kong ako nalang pala ang nahuhuli sa paglalakad.
Busog na busog ang mga mata ko sa malawak at engrandeng pasilyo ng palasyo, kahit na may kadiliman sa parteng ito ay hindi iyon nakahadlang upang makita ang kagandahang itinatago nito. Sa pangatlong pagkakataon, nabigo na naman ako sa aking pag-aakala na ang Bundok Sierra na ang pinakamagandang lugar sa buong Insectia dahil mas nangingibabaw ang taglay na kariktan ng tirahan ng mahal na Reyna.
Siguro masasabi ko na ito ay gawa ng mga Fairouah, samantalang ang nasa bundok Sierra naman ay biyaya ng inang kalikasan. Hindi dapat na pagkumparahin ang dalawang ito because their beauty serves different and unique purposes.
Makikita rin ang ilang kampensina na abala sa kanilang paglilinis. Napapangiti nga ako dahil kahit papaano nabalik na ulit sa normal ang takbo ng buhay rito sa Lepidoria. Magtutuloy-tuloy lamang ang ganitong kapayapaan kung isasantabi ng mga ganib na kalaban ang mga plano nila at yayakapin ang pagkakaisa.
Sa pagkakataong ito ay nakita ko ang ilang mga batang Marabi. They are all cute. Bakit kaya sila napadpad dito? Marahil ay mga nagsisipaglaro? Ang Marabi ang pamilya ng Reyna, sila lang ay may karapatan na mamalagi rito sa palasyo dahil ito ang kanilang tahanan. Ito ang antas na pinagmulan ni Kapitan Chrollo. Kung kasali man na manghina ang mahal na reyna, at tinatawag na siya ng panginoong Jesuah, kahit nagtataglay siya ng buhay na walang hanggan, kung itinakda ng aming Diyos na makapiling siya, sa hanay na ito kukuha ng papalit sa kaniya. Kung wala mang reyna, maaari ay Hari.
Nakaka-miss din na maging munting bata, iyong tipong tinitignan mo ang mundo bilang isang payapang lugar kung ang kasiyahan ay walang humpay at walang lugar para sa mga pasakit at problema. Habang nagkakaisip, lumiit ang mundo, kasabay naman nito ay ang paglaki ng mga problema na hindi naman matiyak kung saan nagmumula. Ang kasiyahan ay nag-iba, binalot ng matinding galit nang kitilin ang yaong mga magulang.
Nang makita ko ang mga batang Marabi ay mas lalo lang nitong pinag-intig ang pag-aasam ko na hindi ko hahayaan na hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan ang bawat batang Fairouah, isang lugar kung saan mananatili ang kaayusan at pagmamahalan.
Nang makarating kami sa dulong bahagi ay bumukas ang dalawang pintuan na halatang gawa sa metal. Tumambad sa amin ang maluwang na parisukat na kahon, naunang pumasok roon si Kapitan kaya naman nagsisunuran kaming lahat.
“Hinga ng malalim. Mabilis tayong bababa baka mahilo kayo,” paalala ni Kapitan habang sumasara ang dalawang metal na pintuan.
“Woi!”
“Ah!”
Ang gulat na bigkas ng ilan nang dahil sa gulat. Tama si Kapitan, mabilis ngang bumaba ang sinasakyan naming kahon. Kaunting analog ang utak ko dahil sa nangyari. Ayaw ko naman na makita nila akong lalamya-lamya kaya inayos ko ang sarili ko. There is no time for me to shake my hands and do the dancing galour.
“Nandito na tayo,” ani ni Kapitan at kasabay nito ay ang pagbukas muli ng dalawang metal na pintuan. Tumambad sa amin ang napakaliwanag na silid. Nakakaintriga namang alamin kung ano ang nasa loob nito. Mauna na kaya ako sa kanila? Pero bawal.
At upang makita ang kabuuan nito ay lumabas si Kapitan at sumunod naman kaming lahat sa kaniya.
Kitang-kita ang mga iba’t-ibang guri ng kagamitang panglaban. Nakasalansan ang mga ito ayon sa kanilang pagkakakilanlan, maayos at organisadong-organisado ang pagkakahanay. May mga pangalan na nakalagay kaya agad na matitiyak kung saan nakahay ang mga kinakilangan namin. May limang kahong nakatabi sa gilid. Nakasulat sa taas ng bawat kahon ang katawagaan sa aming grupo- Acrusa.
Ito maharil ang sinasabi ni Heneral Herbes na nakahanda na raw ang aming mga kakailanganin. Malaki ang kahon kaya kinakailangan ng katulong upang mabuhat ang isa. Si Miguel ang naging katulong ko. Hindi ko talaga pinili si Pedro dahil unang-una ay ayaw ko—ayaw kong makita ang nasusuklam niyang pagmumukha na apura pang-aasar sa akin. Binuhat ko ng buong lakas ang kahon, para hindi naman magreklamo si Miguel na pabuhat din ako.
Muli kaming sumakay sa loob kahon, at mabilis na umangat pabalik sa taas ng palasyo.
“Astig Kapitan! Ang saya palang sumakay sa ganiyan! Umaangat ka at bumababa, hindi mo na kailangang gamitan ang mga pakpak mo!” ang banat ng iba naming kasama.
Ikukuwento ko rin ito kay Noah, ayon ay kung hindi ito mawawala sa isip ko.
Maya-maya ay nakaramdam ng kaba ang bawat isa sa amin nang biglang namatay ang ilaw ng kahon, at umalog ang kinaaapakan namin. Naging dahilan ito upang bumagsak ang kahon na bitbit namin dahil sa kawalan ng balanse, at huminto ang kahong sinasakyan namin.
“Anong nangyari, Kapitan?” ang tanong ng isa sa amin. Hindi ko siya makita dahil madilim.
“Nawalan siguro ng enerhiya ang kahon kaya huminto,” kilala ko ang boses na sumagot, si Kapitan iyon.
Dito pa kami na-trap. Mabilis naming naramdaman ang kainitan dahil walang hangin na pumapasok sa kinalalagyan namin.
“Kailangan nating makaalis dito kapitan, baka mawalan tayo ng hininga!” alam kong si Pedro ang nagsalita.
Sa Pagkakataong ito, sa-sang-ayon ako sa kaniya dahil may katotohanan naman ang sinabi niya. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga pawis ko sa pisngi ko.
“Sandali… tatawagan ko si Ama,” ang sagot ni Kapitan.
May kakayahan ang mga Marabi na mag-usap gamit ang kanilang isipan iyon ay kung nasa isang lugar lang sila, at malapit sa isa’t-isa. Naging tahimik kami upang magkapag-concentrate si Kapitan sa ginagawa niya.
Ilang sandali lang, muling nagbukas ang liwanag. Umangat ang sinasakyan namin. Minsan din pala ay katulad niya ang kahong ito na paiba-iba ang ugali.
Kitang-kita ang tumatagaktak na pawis sa amin. Hayst! Ito na naman at hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil sa tuwing nakikita kong pawisan si Kapitan ay unting-unti nawawala ang pagtatampo ko sa kaniya. Automatically ay napapalitan ito ng pagkamangha sa kaniyang itsura, ang gandang lalaki ni Kapitan kaya hindi na ako magtataka kung mamaya ay kikitain niya paglabas namin sa palasyo ang nobya o nililigawan niyang hindi sinasabi sa akin.
“Ito ang pamunas, kapitan.” Naaala ko na may bimbo nga pala ako sa bulsa ko. Ayaw ko kasing maligo sa pawis sa tuwing nagsasanay at may ibang ginagawa kaya nakasayanan ko nang maglagay nito.
Kinuha niya ito sa akin at nagpasalamat. Ilang sandali pa ay bumukas muli ang kahon na sinasakyan namin. Lumabas kami rito bitbit ang limang kahon. Nang mapalingon ako sa bandang kaliwa ay napatitig ako dahil naroroon ang mahal na reyna, kasama niya ang isang Faireeta.
“Magbigay galang sa mahal na reyna!” Mabilis kaming lumuhod at yumuko sa paparating na mahal na reyna.
Alam niya maharil na pupunta kami rito. Nanginginig ako, sa wakas makikita ko na sa malapitan ang aking kagandahan ng mahal na reyna. Hindi na ako makapaghintay pa!