Morphie HINDI pa tuluyang natatapos ang delubyo ko ngayong gabi dahil kailangan ko pang ipasok si kapitan patungo sa kaniyang pagpapahingahan. Si Psycher naman kasi ay masyado siyang kinunsinti kaya ito, nalasing si Kapitan ng todo. “Kapitan…” mariin ko siyang tinapik sa balikat niya. Hindi ko maaaring gawin sa kaniya ang mga hampas na ginawa ko kanina kay Psycher. Mahirap na at hindi ko kayang kontrolin ang pagdilim ng paningin niya. Kung ano pa ang magawa niya sa akin if I act violently. Lumikot siya ng kaunti ngunit walang pag-imik na nilikha. Muli ko siyang tinapik. Hindi ako susuko hangga’t hindi siya nagkakamalay. “Hey kapitan, let’s go in the inside na.” Hindi ko siya maaaring iwanan dito. He can’t sleep comfortably here. “Morphi

