Morphie MAAGA kaming naglakbay kaya naman agad din kaming nakabalik sa lupain ng Iraqui. Halos nakabalik na rin ang lahat. Marami ring naiwan dahil wala na silang uuwing pamilya. Dito nalang nila napiling magpahinga katulad ni Pedro. Masasabi ko na sobrang saya nang isaw araw naming pagbabakasyon dahil sa hindi mabilang na ngiti at tawa na nalikha ko. Ngayon, babalik na kami sa totoong set-up. Kung ano talaga ang nagaganap sa buhay namin sa kamay ng Reliadad. "Nagbanta ang mga Mutuah. Kung hindi tayo susuko sa kanila, mapipilitan silang sakupin ang ating kaharian, at dakpin ang ating reyna," ang siyang wika ni Heneral habang lahat kami ay nakahanay ng maayos upang pakinggan ang ibabalita niya. Ito nga iyon. "Alam mo iyang mga Mutuah Morphie, sagad na hanggang sa anit ko ang pasensya

