Morphie MALAYO pa man kami mula sa kinatitirikan ng tirahan ni nay Indang ay sumalubong na agad sa amin ang masigla at malakas pagtawag ni Meera. “Kuya Morphie!?” Nakita ko na may kasama siyang mga bata na sa tingin ko ay mga ka-edad niya. Maharil ay mga nagsisipaglaro sila sa ilalim ng matandang puno ng Narra. Iniwan niya ang mga kalaro niya at pumasok sa loob ng bahay. Sigurado akong ipapaalam niya kay nay Indang ang pagbabalik ko. Nang makababa kami mula sa himpapawid. Sakto ay nakalabas na rin si Nay Indang hila-hila siya sa kamay ng bata. “Ang layo ng nilipad natin. Wala bang inumin, Morphie?” ang siyang biglaang anunsyo ni Noah. Ito kaagad ang unang hiling niya. “Anak, Morphie? Akala ko ay hindi muna kami babalikan pa.” Sa puntong ito, nakatanggap ako ng mahigpit na yakap m

