Morphie SAKSI ang tubig na ito kung paano nabiyak ang puso ko noong kinailangan na naming dalhin ni Psycher ang mga magulang ko sa huling hantungan nila. Ang tubig ang siyang magiging tulay upang makarating ang kanilang kaluluha sa nag-iisang nilalang na lumikha ng lahat. Mataimtim akong nakatitig sa tubig, payapa lamang ang daloy nito. Hindi ko mawari pero nang maiyabag ko ang paa ko palapit rito ay tila may kung anong bagay ang dumagdag sa katubigan at naging banayad ang daloy nito. Maharil, ito rin ang isang bagay na nagbibigay komunikasyon sa amin. Matagal na panahon ang yinakap ng paglipas. Gayunpaman, kahit ilang taon na ang nagdaan, hangga't nabubuhay ako ay malinaw sa memorya ko kung ano ang mga nangyari. Paulit-ulit at kusang babalikan ito ng isipan ko at malinaw na ipapaala

