Ayon sa Alagad – Mabubuksan mo lang ang libro gamit ang yung dugo.
Agad naman nabuksan ang kandadong nakapalibot dito. Malaking pangamba ang nararamdaman ng tao habang unti -unti nya itong binubuksan. Nang mabuksan ang libro ay may biglang lumabas na napakadilim na usok ang kumakawala sa libro. Naramdaman ng tagapaglikha ang kaganapan na nangyayari sa mundo at gulat na gulat eto sa kanyang nasasaksihan. Pumaloob naman ang tinig ng alagad sa isip ng tao at nag wika ng:
“Ayon sa Alagad” – “Ha!Ha!Ha! Tao hindi mo alam ang ginagawa mo, pinakawalan mo ang kamalayan, ngayon hindi kana magiging paborito ng tagapaglikha. Binuksan mo ang pinaka-iingatan ng tagapaglikha kaya nya binuo ang mundo para meron syang paglalagyan neto. Yan ang libro ng Kamalayan “Book of Evil”.
Pumasok ang aura ng kamalayan sa lahat ng nilikha sa mundo na siyang may dahilan na makapag-isip ang mga eto ng hindi kanais nais na mga bagay. Nagsimulang mainggit ang ibang nilikha sa kapwa nilikha, nagsimula din ang mga ito na mag sakupan ng kanilang mga lugar at humantong na sa pinaka masamang bagay sa mundo ang pagkitil sa kapwa nilikha. Nagalit ang tagapaglikha sa nangyari at ini-isip nya kung sino ang may kagagawan ng lahat kung bakit nagawang makapunta ng tao sa bundok ng “APO”.