The Consiquences

252 Words
Sa tagal ng mga panahon ang lumipas ay patuloy pa din ang pag danak ng dugo sa mundo. Ngunit hindi nya parin nalalaman kung papaano eto napakawalan ng tao kung wala naman etong kamalayan. Inutusan ng tagapaglikha ang isang mensaherong alagad “Gabriel” para mag imbestiga sa pangyayari at napag alaman nga ng alagad na eto, na pakana lahat ng kanang kamay ng tagapaglikha na si “Lucifer”. Nagalit ang tagapaglikha sa kanyang kanang kamay at nagwika ng: “Ayon sa Tagapaglikha” – Sa kasakiman mo at inggit mo lucifer ay nagawa mong traydurin ang iyong tagapaglikha. Dahil sa mga ginawa mo ay papatawan kita ng kaparusahan ng pagkakakulong sa mundong aking nilikha at mananahan ka sa kaila-ilaliman bahagi neto at kelan man ay hindi ka makakabalik sa aking palasyo. Kasama mong mamumuhay dun ang lahat ng iyong mga alagad, kasama mo din ang tao at iba ko pang nilikha, sa pagkakataon yan meron na silang kamalayan kagaya mo kaya hindi ka na rin magiging ligtas sa kanila. Agad agad naman etong bumagsak sa palasyo ng tagapaglikha at nahulog kasama ang kanyang mga alagad sa kaila-liman ng mundo. Pinarusahan din ng tagapaglikha ang mga tao at nagwika ng: “Ayon sa Tagapaglikha” – Ikaw tao (lalaki at babae) kayo ay parurusahan ko, nd nyo na magagamit ang inyong kapangyarihan hanggang kayo ay hindi nagiging karapat-dapat dito, ipapatapon ko kayo sa isang isla para kayo ay makapagparami, yan lang ang maitutulong ko dahil sa pagmamahal ko sa inyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD