104 - Revenge “Dad, tell me what’s happening...” Hindi na alam ni Alexander kung ano ang nangyayari. Ni hindi niya alam kung bakit siya sumusunod sa ama at pinsan niya kahit na hindi niya alam kung saan pupunta ang mga ito. “Ano bang gagawin n’yo ni Anton at saan kayo pupunta?” “You’ll find out soon,” sagot sa kanya ng ama kaya mas lalo siyang naguluhan. Tiningnan niya ang pinsan na siyang nagmamaneho ng sasakyan. “Just tell me what’s goin on Anton,” matigas niyang sabi rito. “I don’t have time to play with your little game.” “I’m sorry, Troy, but I can’t,” sagot nito. “Kung gusto mong malaman, sumama ka.” Nakagat na lang niya ang labi saka napilitang tumango. “Fine.” Habang bumabiyahe nila ay kinamusta niya ang nobya, dahil hindi siya mapakali hangga’t hindi niya nalalaman na okay

