"Naku, mukhang uulan na, umuwi na tayo bago pa tayo mabasa ng ulan," saad niya kay Mayor Mark nang mapansin ang pagbabago ng klima nang makarating sila sa may gulayan para ipakita rito ang mga tanim na gulay sa kanilang asyenda. Bigla kasing dumilim ang langit at lumakas ang hangin sa paligid. May mga trabahador na rin ang nagsi silong muna dahil nga mukhang uulan na. "Mabuti pa nga bumalik na tayo sa bahay niyo," tugon sa kanya ni Mark at nagulat pa siya nang hawakan nito ang kanyang kamay at alalayan sa paglalakad. Nais man niyang bawiin ang kamay hindi na niya nagawa, dahil nahihiya siyang alisin ang kamay nito. Habang naglalakad sila hindi naman maiwasan ng mga trabahador na naroon pa ang mapatingin sa kamay niyang hawak ni Mark. Pinakilala naman niya ang batang Mayor sa mga tauhan

