bc

My Precious Love: Lost Romance

book_age18+
1.2K
FOLLOW
5.4K
READ
billionaire
love-triangle
dominant
submissive
doctor
sweet
bxg
cheating
first love
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

A dominant doctor and businessman and a employee, is there a chance for them? Matapos makipaghiwalay ng boyfriend ni Ayah ay nagdesisyon itong pumunta ng London para magbakasyon at makalimot where she destined to meet Troy a doctor and businessman who's still looking for his true love.

Until her last night in London, an incident occurs. She find herself sleeping with a guy, Troy! Because of humiliation she decided to runaway after the one night stand and left him behind. Clueless.

After 6 months, they meet again unexpectedly, sa muli nilang pagkikita mawawala na ba ang galit na nararamdaman ni Troy? Muli bang magugulo ang sigaw ng puso ni Ayah? Mapagtatanto na ba nito na ang nangyari sa kanilang dalawa ni Troy ay hindi lang basta pagkakamali? Mabigyan kaya ng pagkakataon ang kanilang umuusbong na relasyon? Anong gagawin ni Ayah sa pagbabalik ni Dave?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“I’m sorry Ayah, but I can’t take it anymore.. Let’s end here.” In just one sentence my heart broke into pieces. Napakakaswal lang nya itong sinambit na para bang normal nalang na lumalabas sa bibig nito ang mga salitang iyon, natulala ako at binaba ang kobyertos na hawak, para akong nablangko at bigla nalang umurong ang dila ko. Sa loob ng tatlong taon, kay Dave lang umikot ang mundo ko. Kahit pa madalang lang kaming magkita at halos hindi na madalas nakakapagusap dahil sa trabaho nya ay okay lang sa akin, iniintindi ko sya dahil mahal ko sya. Alam ko sa sarili kong mahal ko si Dave, kaya kahit nahihirapan akong humati sa oras nya ay nagtiis ako. Pero hindi ko akalain na aabot kami sa ganito, this is our 3rd year anniversary. Actually I have a surprise for him, matagal kong pinagipunan ang surpresa kong iyon sa kanya, trip to London. Pero hindi ko akalain na ako pala ang masusurpresa sa araw na ito. Isang masakit na surpresa para sa espesyal na araw. “W-what did you say? Are you.. breaking up with me?” Utal- utal kong tugon, narinig ko naman ang sinabi nya, pero gusto ko lang na sambitin nyang muli baka sakaling mas maintindihan ko ang gusto nyang iparating. We were okay a few days ago, sinundo ko pa sya sa airport pagkagaling nya ng Bangkok for business trip. Kaya wala akong nakikitang dahilan para makipaghiwalay sya sa akin. At sa mismong anniversary pa namin. “Let’s break up, I’m sorry.” Muling sambit nito, sa puntong iyon ay hindi ko na napigilan pa ang namuong tubig sa mata ko at dumaloy na ito sa pisngi ko.  Hindi ako nakapagsalita pa at patuloy lang ang pag-agos ng luha ko. Tumayo sya at nilapag sa lamesa ang table cloth saka naglaho sa harapan ko. I’m confused, I’m devastated and frustrated. How could he do this to me? Basta nya nalang tinapon ang tatlong taon na pinagsamahan namin, ni wala syang binigay na rason sa pakikipaghiwalay nya basta nya nalang akong nilayasan dito sa restaurant na kinakainan namin. Hindi ko alintana ang mga matang nakatingin sa akin sa paghagulgol ko, wala na akong pakealam. Ang sakit ng dibdib ko, hindi ko magawang habulin si Dave dahil para akong nanghina at hindi makatayo sa kinauupuan ko. Napayuko nalang ako at patuloy na umiiyak. “Are you okay?” Narinig kong sambit ng isang baritonong boses, hindi ko ito nilingon at patuloy na nakayuko. May inabot sya sa aking panyo at hindi ko namalayan na inabot ko iyon at pinunas sa mukha ko. “You shouldn’t crying here.” Muling sambit nito. Tumayo ako habang nakayuko parin saka tumakbo palabas ng restaurant. Nilibot ko ng paningin ang paligid nagbabakasakaling maabutan ko pa si Dave, pero wala na ito. Iniwan na talaga akon ng lokong iyon. Muli kong pinunasan ang mukha at tumindig ng deretso.” You can do this Ayah.  Dapat ipakita mo sa kanya na hindi sya kawalan.” Sambit ko sa sarili, napatingin ako sa panyong hawak ko at muling lumingon sa restaurant saka ko napagtanto na hindi pala ako nakapagthank you sa lalaking nagabot ng nito kanina. Hindi ko rin nakita at itsura nya, bumuntong hininga ako saka pumara ng taxi na dumaan sa harap ko. Tinatawagan ko si Dave habang nasa taxi ako pero hindi na nito sinasagot ang mga tawag ko, talagang nakipaghiwalay na ito sa akin. Naiinis ako sa sarili ko, dapat sinampal ko o di kaya tinapunan ko man lang sya ng tubig sa mukha bago ito makaalis. Ang tanga tanga ko, wala man lang akong ginawa. Tss. “Oh, bakit nandito kana? Kamusta ang date nyo ni Dave?” Bungad sa akin ni Jenny nang makapasok ako sa loob ng bahay. Bestfriend at kasamahan ko ito sa trabaho, saksi sya kung paano nanligaw sa akin si Dave noon at kung paano nahulog kaagad ang loob ko rito.  Si Dave ang tipo ng tao na hindi titigil hanggat hindi nya nakukuha ang gusto nya, mabait at gentleman naman ito sa akin. Sobrang saya ng samahan namin two years ago, pero nang malipat sya bilang assistant ng CEO ng Company nila ay bigla nalang syang nanlamig sa akin, naiintindihan ko naman iyon dahil busy sya sa trabaho at palagi syang sinasama ng amo nya kapag may business trip ito sa ibang bansa. Bumuntong hininga ako bago tumingin sa kaibigan. “We broke up.” Mahina kong sambit, nanlaki ang mga mata nito at napaawang pa ang labi, naghubad ako ng sapatos saka dumaretso sa couch at halos pahiga nang umupo rito. Sinundan naman ako ni Jenny na bakas parin ang pagtataka sa mukha. “Ano?! Nagbreak na kayo? Bakit? Sya ba ang nakipagbreak?” Sunod sunod na sambit nito, muling namuo ang luha sa mga mata ko at agad na dumaloy sa gilid ng mata, hindi na ito muli pang nagsalita at niyakap nalang ako habang pinapatahan ako nito.  Dave was my first boyfriend, bago lang ako sa Cinferno Interprises, satellite company iyon na gumagawa ng mga alak at ineexport sa iba’t ibang bansa nakabase ang main company  nito sa London at pinay ang may-ari na nakapangasawa ng French. Magkatabi lang kami ng building ang real state company na pinagtatrabahuan ni Dave, madalas ko syang makita sa sikat na Italian restaurant na malapit lang din sa mga company namin. Hanggang sa nagpakilala sya at niligawan ako, dahil madalas ko narin syang nakikita sa restaurant ay pamilyar na ang itsura nito sa akin, aminado akong gwapo si Dave, maganda ang katawan at malakas ang appeal sa mga babae. Kaya noong naging kami ay madalas akong magselos sa mga babaeng halos kainin sya ng buhay at sa mga malalagkit na titig ng mga ito. Tulad ng sinabi ko naging masaya ang dalawang taon namin ni Dave, wala kaming malaking problema na pinagawayan. Pero nang mapromote ito sa pagiging assistant ay unti-unti nang nagbago ang lahat sa amin, kung dati ay madalas nya akong tinatawagan kapag hindi sya busy ngayon ay madalang na, minsan kung hindi pa ako magparamdam sa kanya ay hindi pa nga yata nya ako maaalala.  Inabutan ako ng tubig ni Jenny nang sa wakas ay huminto na ako sa pag-iyak. Pakiramdam ko ay magang maga na ang mata ko.  “Hay nako Ayah, dapat hindi mo iniiyakan ang mga ganyang klase ng lalaki, baka may bago na kaya hindi nya masabe kung anong dahilan nya at nakipagbreak sya sayo.” Sambit nito pagkaabot ng baso, saka nirolyo ang mga mata, binalingan ko naman ito ng tingin saka nagsalita. “Hindi ganun si Dave, alam kong workaholic na tao yun, kaya siguro nakipaghiwalay sya saken dahil napepressure sya sa trabaho.” Sambit ko, pilit na pinaniniwala ang sarili na ganun nga lang iyon. Muling nirolyo ni Jenny ang mata sa akin saka sumandal sa upuan. “Hay, basta friend, kapag kailangan mo ng kausap ha? Nandito lang ako.” Muling sambit nito saka tinapik ang likuran ko. “Oo nga pala, pano yung tour nyo sa London?” Dugtong nito habang nakakunot ang noo. Napanguso naman ako at bahagyang nalungkot.  Masasayang lang ang binili kong ticket, ang mahal pa naman nito. “Alam mo friend, I think you need a break. Gamitin mo yang tour mo nay an para makalimot tapos maghanap ka ng afam don, malay mo nasa London pala ang forever mo.” Sambit nito, hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi nito o lalo akong maiiyak. Si Dave ang dahilan kung bakit ako bumili ng ticket dahil gusto nyang magtour sa London, pagkatapos ako lang palang mag-isa ang gagamit. “Sumama ka nalang kaya sa akin?” I said between my sobs. She immediately waived her hands at me. “I’m sorry, I have something to take care off. Just enjoy there okay?” Tugon nito. Hindi ako makatulog ng gabing iyon, iniisip parin ang nangyari kanina sa restaurant. Naubos na nga yata ang luha ko dahil kahit ang lungkot ay hindi ko na magawang umiyak pa, muli kong naalala ang lalaking nagabot ng panyo sa akin sa restaurant kanina. Sino kaya sya? -- “Oh, magiingat ka don ha? Huwag mo nang isipin pa masyado yung lalaking iyon. Magenjoy ka sa London, okay?” Sambit ni Jenny nang maihatid ako nito sa airport. Ngayon ang flight ko papuntang London, kasama ko dapat si Dave ngayon kung hindi lang sya nakipaghiwalay sa akin. Kamusta na kaya sya ngayon? Tinatawagan at tinetext ko sya mula nang makipaaghiwalay sya sa akin pero nakapatay na ang phone nya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko na napansin naman ni Jenny, kaya lumapit ito ng bahagya at niyakap ako. “Don’t think of him anymore. Okay? Maganda ka, matalino, mabait. Marami kapang makikilala dyan na mas deserve mo kesa sa lalaking iyon. Oh, basta huwag mo akong kalimutang tawagan pagdating mo don a?” Aniya nang kumawala ito sa pagkakayakap sa akin, ngumiti naman ako ng bahagya saka tumugon. “Thank you, alis nako.” Sambit ko rito, ngumiti naman ito at tumango. Nakaupo ako sa isang bench habang naghihintay ng boarding. Hindi ko alam kung ilang beses akong bumuntong hininga ng mga oras na iyon. Parang ang bigat sa pakiramdam ang umalis, tama bang ituloy ko pa ang tour? E kung umuwi nalang ako? Pero sayang naman yung binayad ko. Napasandal nalang ako sa upuan at muling bumuntong hininga. Hanggang sa mapansin ko ang isang lalaking nakatingin sa akin, nakaupo ito sa dulo ng bench na inunukupahan ko. Hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil sa suot nyang shades at sombrero, pero nahihinuha ko ang pagkaseryoso ng mukha nito, hindi kasi sya nakangiti. Literal na nakatitig lang ito sa akin, naka leather jacket rin itong itim at maong pants. Bahagyang kumunot ang noo ko nang magtagal ang pagtitig nito sa akin, parang nangtutunaw. Nakaramdam ako kaagad ng kaba kaya ako na ang bumawi ng tingin at saktong tinawag na ang flight ko kaya tumayo na ako at kinuha ang mga bagahe ko, saka umalis. Muli ko pang nilingon ang lalaki pero wala na ito sa upuan nya. Nagkibit balikat nalang ako at tuluyang pumasok sa loob para magcheck-in. Agad na binati ako ng flight attendant nang makapasok ako sa eroplano, nakaramdam ako ng magkahalong kaba at excitement pagkaakyat ko ng eroplano. This is my first time flying, sayang lang at ako lang mag-isa sana sumama man lang si Jenny sa akin. Agad kong hinanap ang upuan ko, at nakita ko naman iyon kaagad, hindi naman masyadong maraming tao ngayon, maraming bakanteng upuan at mangilan ngilan lang ang pasahero. Mahaba habang byahe ang tatahakin ko. 19 hours kung hindi ako nagkakamali. Wala pa akong katabi sa upuan kaya lumipat muna ako malapit sa bintana para silipin ang labas, napangiti ako mas maganda siguro ang view dito mamaya, sana pala nagpalipat ako ng seat. Sinilip ko pa ang entrance ng eroplano kung may mga dumarating pa, plano kong lumipat. Kung wala akong katabi dito nalang ako uupo sa may bintana. “Excuse me?” Narinig kong boses ng isang lalaki, tumingala ako nang lingunin ko ang isang matangkad na lalaki, na nakatayo sa gilid ko. Nawala ang ngiti ko sa labi nang maalala ko yung lalaki na nakatitig sa akin sa bench kanina. “That’s my seat.” Baritonong sambit nito, agad akong napanganga ng marealize ko ang ibig sabihin nito, wirdo akong ngumiti saka tatayo n asana pero bigla itong nagsalita. “We can change seats if you want.” Muling sambit nito. Napahinto ako sa pagtayo at agad na ngumiti. “Talaga?” Bulalas ko, tumango lang ito at umupo na sa dapat na uupuan ko. “Thank you.” Dugtong ko pa, saka ngumiti rito ng pagkalaki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
534.1K
bc

Taz Ezra Westaria

read
110.9K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.9K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.4K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook