Chapter 6

2022 Words
Hindi na ako napalagay habang nasa trabaho, pinapanalangin na mabilis na matapos ang araw nang walang aberya, relax Ayah, relax. Pagpapakalma ko sa sarili, laking ginhawa ko nang dumaan ang maghapon at wala namang nangyaring kakaiba, hindi ko na muli nakita pa si Troy sa company magmula nang umagang iyon. Kinabukasan ay pinatawag ako ni Ms. Elly sa office nya, nagtataka man ay mabilis akong nagtungo roon. Nadatnan ko itong nakatutok sa laptop nya, kumatok muna ako na syang kinaangat nya ng tingin sa akin, ngumiti ito saka nagsalita "Ayah, please come in." Sambit nito sa akin. "Pintawag nyo raw po ako Ms. Elly?" Sambit ko habang papalapit dito, muli ako nitong nginitian saka inabot ang isang itim na folder, pagkaupo ko ay inabot ko iyon saka tiningnan, sandali pang napakunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat sa papel na nasa loob ng folder. "Ms. Elly.." I stuttered, ang bilis ng t***k ng puso ko, tinalo ko pa ang tumakbo ng malayo at nanginginig ang folder na hawak ko dahil sa pangagatal ng kamay ko. I guess Ms. Elly didnt notice it. "Congratulations Ayah President promoted you as Executive Assistant." Nakangiti nitong sambit, nakaawang ang labi kong inangat ang tingin dito. "P-pero Ms. Elly.." Halos magaralgal at utal ko pang sambit dito.  "Are you okay? Bakit parang namutla ka? Hindi ka ba masaya na napromote ka bilang executive assistant? Its a once in a lifetime opportunity Ayah, don't tell me ayaw mo ng position?" Tugon nito habang unti-unting nawawala ang ngiti sa mukha dahil sa nakitang reaksyon ko.  Napasinghap ako at umiling. Tama si Ms. Elly, this is a once in a lifetime opprtunity, hindi dapat ako magpaapekto, matagal ko nang kinalimutan ang nangyari sa London at sigurado akong ganun din si Troy, right?  "Hindi po Ms. Elly, i just didn't expect this." Nakangiwi kong sambit, muli itong ngumiti sa akin saka bumuntong hininga. "Mabuti naman, i thought you don't like it, ikaw lang kasi ang nakikita kong babagay sa position na ito, prepared your things at lilipat kana ng office tomorrow." She said gradually. Lumabas ako ng opisina ni Ms. Elly nang tulala, kung sa iba ay halos magtatalon na kapag nakakuha ng promotion pero bakit ako para akong nanghihina? Dahil ba kay Troy? Ayah nakita mo naman kahapon di ba? Nihindi ka nga nya pinansin, ibig sabihin ba non kinalimutan nya na yung namgyari? Ako nalang tong nagiisang apektado sa nangyari sa amin 6 months ago. f**k Ayah! Pull yourself together! Be professional. "Congrats friend! Narinig ko kay Ms. Elly you were promoted as executive assistant." Nakangiting sambit sa akin ni Jenny nang dumaan ito sa department namin at naabutan akong nagliligpit ng mga gamit. "Oh, wait does it mean.. kay President ka na magtatrabaho tama ba ako?" Dugtong nito, hininaan pa ang huling sinabi at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. I pouted my lips and nodded. She just tap my back like she was wishing me good luck. I sighed, "Mukha namang hindi na ako naaalala ni President, nakita nya ko kahapon pero hindi nya ako pinansin." I stated, trying to convince myself i guess. Tumango naman si Jenny. "Edi mabuti, kaya huwag ka nang magalala okay? Sige na babalik na ako." Sambit nito saka ako hinalikan sa pisngi at umalis na. Nakalimutan nya na ba ako? Or he just want to ignore me dahil napahiya ko sya? Iniwan ko sya pagkatapos may mangyari sa amin, base sa tingin nya sa akin kahapon parang may iba syang gustong iparating. Umiling ako nang mapagtantong nagoover think nanaman ako. I bit my lower lip at napaupo. Nakatitig ako sa salamin sa banyo habang malalim na nagiisip, kung huwag nalang kaya akong pumasok? Magresign nalang kaya ako? Napangiwi ako at inirapan ang sarili. Alam ko namang hindi ko magagawa iyon, saan naman ako pupulutin kapag nagresign ako? Pamaktol kong sinabunutan ang sarili, kasalanan mo ito Ayah! Ito ang bunga ng kapusukan  mo nang gabing iyon kaya magdusa ka!  --- "This will be your table, and that's the office of president." Sambit ni Ms. Elly nang makarating kami sa executive floor, i have a table bago makarating sa pinakaoffice ng president, malawak ang floor na ito kumpara sa mga floors sa baba, it gives justice to its name, Executive's floor. Nakatingin ako sa glass door malapit sa table ko, that's his office, nakasara pa ang ilaw kaya malamang wala pa ito. "Um, Ms. Elly, anong oras pong pumapasok si President?" Paguusisa ko rito, tumingin ito sa akin saka binaling ang tingin sa office nito nang makitang nakatigin ako roon. "He will be here before lunch. Oh, before i forgot arrange his schedule this afternoon na nandoon sa table mo. He need that." Sambit nito, nilibot ko ang paningin sa paligid at bukod sa table ko at office ng president ay wala na akong nakikitang bakas na may ibang nagoopisina rito, bigla nanaman akong kinabahan at namutla. "Ms. Elly, w-wala po bang ibang nagoopisina dito bukod sa akin at kay President?" Kinakabahan kong tanong dito, she tilted her head na parang nagpipigil nang pasensya sa akin. "Dati meron pero pinalipat ni President, he doesn't want to be distract when working. Nasa baba lang naman ako kung may kailangan ka. Sige na, good luck Ayah, galingan mo okay?" Nakangiting sambit nito, tulala akong humakbang para pigilan sana si Ms. Elly sa paglalakad pero hindi ko na sya naabutan dahil nagsara na ang lift. Lumapit ako sa table ko at tiningnan ang mga papel na nakapatong dito, may malaki rin akong computer, malinis at organize ang mga gamit pero mukhang mga bago pa, parang hindi pa nagagamit. Napakunot ang noo ko, ang sabi ni Ms. Elly, umalis na ang dating Executive assistant dito pero parang mukha namang hindi pa nagagalaw ang mga gamit dito, muli kong nilingon ang nakasaradong opisina ni Troy, puro salamin ang partition non at pinto kaya kitang kita ang kabuuan sa loob, pero may blinders naman kaya may privacy parin kahit papaano. Privacy? For what? Ayah this is a f*****g office! Why do he need a privacy? Pagtuligsa ng kabilang sulok ng utak ko. Nagpasya nalang akong ayusin ang schedule ni president this afternoon, i can't believe na ganito kadami ang meetings niya, after the lunch meeting with a chinese investor, isa namang collaborator at isa pang investor ng 3pm, he even has a conference meeting for the new product at 4pm until 9pm. Napangiwi ako habang inaayos iyon sa computer, nakakapagpahinga pa ba sya? Paano nya ako nasisingit dati sa schedule nya kung ganito pala sya kabusy? Napaangat ako ng tingin nang biglang tumunog ang lift. As if on cue, my heart race like it was going to bursts! Ramdam ko ang pagurong ng dugo ko sa buong katawan habang nakatingin at nakaabang sa pagbukas ng lift. Tumayo ako at kamuntikan pang matumba dahil sa biglaang panglalambot ng tuhod. Isang matangkad na lalaki na naka three piece suit at sa likuran nito ay halos kasingtangkad rin nya na nakagray suit, kapwa mga seryoso ang mukha, lalong lalo na ang nasa unahan. I unconciously bit my lip when i scan his body, lalo yatang lumaki? Napalunok ako nang magtama ang mga mata naming dalawa, his face is emotionless. Ang hirap basahin. Hes still wear that looks. Dominating and intimidating kagaya nang unang beses ko syang nakita sa labas ng building. Nanunuot ang mga titig nito sa akin na kung nakakapatay lang ay kanina pa ako bumulagta, ako ang unang bumawi ng tingin nang magsalita ang kasama nitong lalaki sa likuran.  "Good afternoon, you must be the new Executive assistant, right?" Sambit nito saka ngumiti sa akin, huminto sila pareho nang makarating sa tapat ko. Yumuko naman ako dito saka bumati. "G-good afternoon, president. Good afternoon Mr.." bati ko pero natigilan ako sa huli dahil hindi ko ito kilala. Si Troy ay nakatingin na noon ng diretso pero seryoso parin ang mukha. "Give me my schedule." Baritonong sambit nito, agad kong kinuha ang papel at nanginginig pang inabot rito, i saw him smirked and glance at me saka pumasok na sa opisina nya, sinundan ko lang ito ng tingin trying to figure out what is he smirking of? Naputol lang ang tingin ko rito nang marinig ko ang kasama nya na naiwan palang nakatayo sa tapat ko.  "Are you scared of him?" Narinig kong boses ng lalaki, nilingon ko ito saka inilahad ang kamay. "By the way, Im Charles Montenegro. Business partner ni Troy." Nakangiting bati nito. Agad kong inilahad ang kamay ko rito. "Im Ayah Valdez the new Executive Assistant." Tugon ko rito. "Nice meeting you Ayah, good luck." Pahabol na sambit nito saka sumunod narin sa loob ng office ni Troy. Nakasunod ang tingin ko rito kaya hindi nakawala sa paningin ko si Troy na nakaupo na noon sa swivel chair nya at madilim na nakatingin sa akin. Sa akin?! Agad kong iniwas ang tingin dito at umupo na saka inabala ang sarili sa trabaho. Relax Ayah, inhale. Exhale. Wala pang tatlongpung minuto ay muli itong lumabas sa opisina at huminto sa tapat ko, kasunod parin si Mr. Montenegro. Muli akong tumayo at yumuko, nakita ko ang pagtitig nito at pagkunot ng noo pero agad din naman itong naglakad papasok sa loob ng lift. Napasandal ako at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan, paano ko naman makakayang magtagal dito? Ilang oras ko palang syang nakikita para na akong nilalagutan ng hininga. Kailangan kong makausap si Ms. Elly, magpapademote nalang ako, hindi ko kakayaning makatagal dito. Ngayong araw araw ko syang makikita. Muli akong napatayo nang biglang magbukas ang lift at makita si President na mabilis na lumabas mula roon, hindi na nya kasama si Mr. Montenegro muling rumagasa ang dagundong ng puso ko, nakatingin ito ng matuwid sa akin, habang ako ay halos hindi makatingin ng deretso rito. "Ms. Valdez, come to my office." Baritonong sambit nito, saka mabilis na tinungo ang opisina nya. Im thinking twice if I should follow him or not, in the end I found myself walking towards his office, nanginginig ang kamay kong binuksan ang seradora at marahang pumasok sa loob, agad na bumungad sa akin ang lamig ng aircon at mint na amoy ng airfreshener. Nakayuko ako habang nakatayo sa harap ng table nito habang sya ay nakaupo na sa swivel chair at nakadekwatro, nang iangat ko ang tingin rito ay napansin kong may hawak syang bilog na bagay, nang pinakatitigan ko iyon ay nanlaki ang mga mata ko, yun ba yung snow ball na may London eye na disenyo sa loob? Yun yung binili kong souviner sana para kay Jenny noong nasa London ako. Paanong napunta sa kanya iyon? Naiwan ko ba? Muli akong napayuko para itago ang pamumula ng mukha ko. "Why? Are you okay? Are you remembering something Ms. Valdez?" Sarkastiko nitong sambit, tumikhim ako saka inayos ang sarili. "Nothing President." Tugon ko halos magaralgal pa. "Are you sure? Wala ka bang sasabihin sa akin Ms. Valdez? An explaination perhaps, I thought you know something that happened six months ago?" Panunuyo nito na may seryosong boses habang nanliliit pa ang mata na nakatingin sa akin. "I-i dont know what youre saying President." Halos mabulol ko pang sambit. "Really?" Muling sambit nito. "I-if you dont want anything P-president a-aalis na po ako." Tuluyan nang nagaralgal at nautal ang boses ko, yumuko ako lalo saka nagmamadaling lumabas ng office nito, ramdam ko ang pagsunod ng pares ng mata nito habang papaupo ako sa table ko pero hindi ko nalang iyon pinansin, halos hingalin ako sa ginawa ko kahit na ilang hakbang lang naman ang opisina nya sa table ko. Wala pang ilang minuto ay lumabas rin ito sa opisina nya at dumeretso sa lift nang hindi ako tinitingnan. Saka lang ako tuluyang nakahinga ng maluwag nang tuluyang magsara ang lift. Nang makarating sa bahay ay binagsak ko ang katawan sa sofa na parang pagod na pagod. Hindi pagod ang katawan ko but I'm tired mentally, matapos ang nangyari kanina sa opisina para akong naubusan ng lakas, kailangang makausap ko na si Ms. Elly bukas. Magpapademote nalang ako, hindi kakayaning makasama si Troy araw araw sa trabaho. Mariin akong napapikit at napabuntong hininga, im in trouble. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD