Chapter 20

2089 Words
--- Troy.   I'm in a board member meeting, kanina pa ako nakikinig sa mga sinasabi ng mga empleyado ko pero ni isa ay walang pumapasok sa utak ko, It's been almost a year mula nang iwan ako ni Ayah. Pagkatapos nyang hingiin ang oras at espasyong kailangan nya ay hindi ko na sya nakausap pa, I respect her decision alam kong hindi madaling tanggapin na ang asawa nya ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid nya. Sinisisi ko ang sarili ko, maraming beses kung hindi sana ako umalis noon sana hindi nangyari kay Vanessa iyon. Pinili kong magtapos ng pagdodoctor noon dahil kay Vanessa. She will always be a part of my past, at hinding hindi sya mawawala sa puso ko. But my goal right now is to bring back my wife. To bring back her love for me. "Troy, are you okay?" Narinig kong sambit ni Charles nang mapansin nitong wala akong imik at nakatingin lang sa papel na nasa harapan ko. "Yeah, let's seat another meeting next week. You may go." Sambit ko saka tumayo na at lumabas ng conference room, sinundan naman ako ni Charles na noon ay nakakunot pa ang noo sa akin. Pumasok ako sa opisina at binuksan ang isang bote ng rhum saka nagsalin sa baso, ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Charles kaya naman nang lingunin ko ito ay nakakunot ang noo ko. "What?" Nakakunot  noo kong tanong dito. "Bakit hindi mo nalang puntahan ang asawa mo sa Seattle, pilitin mong sumama sayo. I know you've been thinking of her simula nang bumalik ka dito, hindi ka narin nakakapagfocus sa trabaho." Sambit nito, nilagok ko ang laman ng baso saka lumapit sa swivel chair at naupo doon "I wont force her, I know she'll come back to me, willingly." Tugon ko saka humarap sa glasswall. She's coming back, I'm sure of that.   --- Pumunta ako sa party ng mga De Vera, they open a new hotel in Poblacion Estancia, I know that place, isa iyon sa mga pinapasyalan ng mga turista. Maganda ang mga beaches at maraming pwedeng gawing mga activities, kaya hindi na ako nagtaka kung bakit ganun nalang kapursige ang may ari na makapagpatayo ng Hotel doon. "Thank you for coming Mr. Laurent." Nakangiting bati sa akin ng isang matangkad na lalaki. Inilahad ko ang aking kamay saka ngumiti. "Thank you for inviting me, Mr. De Vera." Nakangiti kong tugon. "Your hotel is incredible, I’m looking forward for our partnership." Dugtong ko. "Thank you Troy, this hotel is ready for it's true owner to come. By the way, hows your wife? Nasa Seattle parin ba sya?" He said, kumuha ako ng wine nang may dumaan na waiter saka sumagot. "Yes, I'm still waiting." Tugon ko saka bumaba ang tingin sa basong hawak ko. "I guess we're in the same boat, keep on waiting is not that hard. I guess.." Aniya, saka idinikit ang baso nya sa hawak kong baso. Sabay kaming napalingon nang may narinig akong boses ng isang babae. "Well, I guess you don't have to wait anymore." Si Irene, na naglalakad papalapit sa amin, kasama nito ang asawang si Dylan na nakangisi sa aming dalawa. "Talagang nagsama pa kayong mga iniwan ng asawa." Natatawa nitong sambit sa amin. Ngumisi ako at si Connor ay tinaas ng bahagya ang baso, we’re become friends since we are invested in Hotel Estancia, this hotel build for Connor's wife. We have the same fate. "Coming from you? Irene, hindi kaba nagsisisi na bumalik ka dito kay Dylan?" Sambit ko kay Irene na noon ay natatawa lang sa amin. "Stop that bullshit Laurent." Kunot-noong tugon ni Dylan, saka nilayo pa ang asawa sa akin. Ngumisi naman ako saka nilagok ang laman ng wine glass. "Tumigil nga kayo, Troy here." Si Irene, saka inabot ang isang maliit na invitation card sa akin. "What's this?" Kunot-noo kong inabot ito at tiningnan. Baptismal invitation ng anak nila, ngumiti ako saka tinago ang invitation sa loob ng coat ko. "Ipapadala ko nalang ang regalo ko sa anak mo." Tugon ko rito. Bahagyang kumunot ang noo nito sa akin, then she tilted her head. "You're not going?" Aniya. Umiling ako, "I have an important meeting on Saturday, hindi pwedeng macancel." Baritono kong sambit, she rolled her eyes on me. "Sayang naman, I have a special guest pa naman from Seattle." Nakangising tugon nito, bahagya akong natigilan at humigpit ang hawak sa baso. "What do you mean?" Kunot  noo kong tanong rito. "Nothing, you've said you're not coming right?" She just smiled and looked at her husband. "Let's go babe, mamimigay pa tayo ng invitations sa iba. Ikaw rin Connor, pumunta ka ha." Sambit pa nito saka umalis I left there thinking about hat she'd said. Wala naman akong ibang alam na kaibigan ni Irene na nakatira sa Seattle.. except my wife, Ayah.  --- Ayah Kakauwi ko lang galing sa office ni tito John, simula nang umalis ako kay Troy ay tinulungan ko nalang sila ni mama sa business nila, napakunot ang noo ko nang makita ang isang boquet ng flowers sa harap ng pinto, hindi na bago sa akin ang mga ito. Halos araw-araw nalang kung padalhan ako nito ng mga bulaklak at notes, I just wondering magkano na kaya ang nagagastos nya sa pagpapadala ng mga ito sa akin sa halos siyam na buwan? Kinuha ko ang maliit na note na nakapatong sa ibabaw nito at binasa iyon. 'Take care of yourself, Ayah. I miss you so much, please come back soon.' Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa tuwing makakatanggap ako ng ganito kay Troy, gaya ng dating gawi ay iniiwan ko lang ito sa labas ng pinto at hahayaang malanta doon. Si mama ang taga tapon ko non kapag nalanta na o di kaya ay magugulat nalang ako at nakasalansan na iyon sa paso at nasa loob ng kwarto ko. He keeps on sending me those pero kahit isa ay hindi ko man lang pinagtutuunan ng pansin, hanggang ngayon ay umiiwas ako sa nararamdaman ko, indenial na kung indenial pero hangga't maaari ayoko munang sumugal muli. Masakit parin para sa akin ang mga nangyari, mahal ko si Troy pero hindi pa ako handang makasama o makaharap sya. Nagpapasalamat ako at nirerespeto nya ang desisyon ko, hindi ko alam kung kailan ako babalik ng Pilipinas, o kung may balak pa ba akong bumalik? Hindi ko talaga alam. Hanggang sa isang mail ang dumating sa bahay, isang invitation galing kay Irene, we talk a lot simula nang maghiwalay kami ni Troy, mas madalas pa nga kaming magusap kaysa kay Jenny. Maybe because she knows where I came from. Ang bilis ng panahon, dalawa na ang anak nila ni Dylan at bibinyagan ang bunso nya sa darating na sabado. Nakakatuwa ang mga bata kapag nagvvideo call kami ni Irene, kitang kita ko kung gaano sya kasaya kasama ang pamilya nya. Nakakatuwang isipin na siguro kung hindi nangyari sa amin ni Troy ang lahat ng ito baka may mga anak narin kami. Ilan kaya? Mapait akong napangiti habang hawak ang invitation at tinawagan si Irene. "I'm sorry, pero hindi talaga ako makakapunta, marami kasing ginagawa sa office hindi ko naman maiwan sila mama." Sambit ko habang kausap sa kabilang linya si Irene. "Sige na naman Ayah, minsan lang bibinyagan itong inaanak mo e, hindi mo pa sisiputin. Saka sinabihan ko na rin si Tita, kung gusto mo isama mo sila para makapasyal din sila dito sa Pilipinas." Tugon nito, napangiti ako at saka bumuntong hininga. How can I say no to her? May talento talaga sya sa pangungumbinsi ng mga tao. "Okay sige na, sasabihin ko muna sa kanila para makapaghanda sila mama." Nakangiti kong sambit. "Okay, thank you ninang! Don't worry, your husband won’t be there. Busy iyon sa Cinferno, hindi daw sya makakapunta." Aniya, sandali akong natigilan at napalunok. I wouldn’t see him right? Pero bakit parang may kakaibang sakit akong naramdaman sa puso ko at kaunting paghihinayang? Ayah! Pull yourself together! "O-okay sige na. Bye." Paalam ko rito saka binaba ang phone. Hinawakan ko ang dibdib ko na bigla nalang kumalabog ng walang dahilan at napatitig sa mga bulaklak na nasa flower vase na nasa harapan ko. Irene sent me the ticket via email, napangiwi ako. Byernes ang flight ko kaya inayos ko na ang mga dadalhin kong gamit, isang linggo lang naman ang itatagal ko doon at saka babalik narin ako dito sa Seattle. Hindi na makakasama sa akin sila mama dahil hindi nila maiwan ang business nila dito. Nagdalawang isip pa akong tumuloy dahil ako lang magisa ang babyahe pero pinilit ako ni mama na tumuloy na. I don't know what's in her mind, kung noon ay atat na atat itong papuntahin ako ng Seattle ngayon naman ay gustong gusto na ako nitong pabalikin ng Pilipinas. "Is everything okay? Yung mga bilin ko sayo nailagay mo ba sa maleta mo?" Sambit sa akin ni mama habang nasa byahe kami papuntang airport. "Okay na ma." Tugon ko, saka ngumiti rito. "Magiingat ka doon, kapag nagkaproblema tawagan mo ako. And if he approach you, try to be calm and talk to him okay?" Aniya, saka nilingon ako sandali bago binalik ang paningin sa kalsada. "Ma!" Singhal ko rito, tumawa naman ito saka tumango. "I'm just joking anak." Nakaupo ako sa lounge area ng business class habang hinihintay ang boarding, I can't believe na business class pa talaga ang kinuhang flight ni Irene, sigurado akong mahal dito. Ineenjoy ko ang kape ko nang may matangkad na lalaki ang biglang lumitaw sa gilid ko, bahagyang nangunot ang noo ko at nanliliit ang mga matang tiningnan ang lalaki nang tanggalin nito ang sumbrerong suot ay doon ko lang ito nakilala. "Dave?!"bulalas ko. Ngumiti ito saka pinatong ang sumbrero sa lamesa. "Kamusta? Ang tagal nating hindi nagkita Ayah." Sambit nito, nakailang kurap pa ako bago muling nagsalita. Yeah, it's been so long mula nang magkita kami sa Party. Mula noon ay wala na akong balita sa kanya. "Ikaw, kamusta ka?" Tugon ko, sumandal ito sa upuan saka muling nagsalita. "My company sends me here to sort some issues ng company, naayos ko naman na kaya pabalik na ako ng Pilipinas. Hindi ko alam na nandito ka pala, akala ko kinasal kana kay Troy?" Aniya, bahagya akong natigalgal, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Are we still married? Yeah ofcourse Ayah! Nasayo yung annulment paper diba, na may pirma mo lang. "Um, oo. Mahabang kwento e, sorry nga pala, hindi naging maganda yung pagkikita nyo ni Troy doon sa party." Sambit ko saka yumuko, alam kong matagal na iyon pero naguguilty parin ako kapag naaalala ko iyon, hindi naging maganda ang paghihiwalay namin ni Dave dati pero he's been good to me.  "Wala yun, I understand. I'm your ex, kaya naiintindihan ko ang asawa mo kung bakit nya nagawa iyon. Oo nga pala, uuwi ka ba ng Pilipinas?" Tugon nito, umangat ako ng tingin rito saka ngumiti. "Oo, aatend kasi ako sa binyag ng anak ni Irene. Kaya kailangan kong umuwi." "Ikaw lang mag-isa? Bakit hindi mo kasama ang asawa mo?" Muling tanong nito. Natigilan akong muli, dapat ko bang sabihin sa kanya na hiwalay na kami  ni Troy? Hiwalay? E diba ako lang naman ang pumirma sa annulment? "Um, sorry. M-mahabang kwento e." Sambit ko saka mapait na ngumiti rito. Ramdam nya siguro ang pagkailang ko sa topic namin kaya tumayo na ito at nagpaalam. "I'm sorry, by the way. Pwede ba kitang ayaing lumabas kapag nasa Pilipinas kana? Dinner lang, kung okay lang sayo." Sambit nito, napakurap ako ng ilang beses nabigla ako sa sinabi nito. "Um, yeah, sure." Sambit ko saka wirdong napangiti rito, inabot nya ang phone nya at saka ko tinipa ang numero ko, tiningnan nya muna ito saka ngumiti at nagpaalam na. Hindi kami magkasama sa iisang flight ni Dave kaya nauna na sya sa akin. Wala akong ibang ginawa sa byahe kundi matulog at kumain. Nagunat unat pa ako pagkababa ko ng eroplano, isang maleta lang ang dala ko at shoulder bag. Isang linggo lang naman ako dito kaya kaunti lang ang dala kong gamit. Tiningnan ko ang phone ko para icheck ang hotel na nabook  ni Irene para sa akin, palabas na ako ng airport nang mahagip ng mata ko ang isang bulto ng pamilyar na lalaki. Natigalgal ako at parang bumagal ang oras habang nakatitig ko sa lalaking nasa harapan ko at nakasandal sa magara nitong sasakyan, he still look intimidating kagaya ng unang beses ko syang nakita. Unti-unti itong ngumiti hanggang sa lumabas ang malalalim nitong mga dimples, my heart sank nang muling makita ang liwanag sa mga ngiti nito. Ang tagal kong hindi nasilayan ang mga ngiting iyon, nakakamiss. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD