Ayah.
Naalimpungatan ako nang hindi ko maramdaman sa tabi ko si Troy, halos nakapikit pa ako nang igala ang paningin sa loob ng kwarto at nakita ko itong nakatayo sa may glass wall at may hawak na isang baso ng alak. Umayos ako ng upo at kinusot ang mata upang makuha ang tamang linaw, marahan akong lumapit rito at niyakap ito sa baywang.
He stiffened nagulat yata sa ginawa ko, ramdam ko ang init ng likod nito nang idikit ko ang mukha ko rito, ang sarap sa pakiramdam.
Pero nang humarap ako rito at nakita ang mukha nito na naaaninagan ng liwanag nang buwan ay napakunot ng bahagya ang noo ko. He’s been acting weird pagkauwi namin galing kanila mama. He keep on saying that he loves me, and don’t leave him.
Kitang kita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata nito na hindi ko mawari kung ano. Pero alam kong may problema itong dinadala, baka ayaw nya lang sabihin sa akin. I respect him. Kung ano man ang problema nya ay ayoko syang kulitin lalo na kung ayaw nya namang sabihin.
Kinabukasan ay kunot noo akong bumangon nang mapagtantong wala na akong katabi sa kama. Tinignan ko ang orasan na nasa side table at lalong nangunot ang noo ko nang makitang alas-sais palang ng umaga.
“Troy?” Tawag ko sa pangalan nito, baka kasi nasa banyo lang. Pero walang sumagot, kinuha ko ang phone ko at tinawagan ito saka umupo sa kama. Pero hindi naman nito sinasagot ang tawag. Napakamot nalang ako sa batok, iniisip kung saan ito pumunta. Pumasok ako sa banyo para maligo nalang dahil hindi na ako inantok pa kakaisip dito. Pagkatapos kong maligo ay namili na ako ng isusuot sa mga paperbag na dala ng tauhan nito nang dumating kami dito sa Seattle.
Bumaba ako ng lobby pagkatapos saka lumapit sa reception area, baka alam nila kung saan nagpunta si Troy. Pero nakita lang daw nila itong nagmamadaling umalis at sumakay sa kotse nya kasama ang driver nito. Lumapit ako sa lounge area at doon naupo saka muling tinipa ang numero nito para tawagan pero hindi parin ito sumasagot.
Nagumpisa na akong kabahan ng mga oras na iyon pero mas pinili kong pakalmahin ang sarili, baka may nangyari lang sa company nya at kailangan nyang puntahan. Sinabi naman nila na kasama nya ang driver kaya hindi ako dapat kabahan.
Nakatitig ako sa phone ko nang may isang pares ng pulang stellietos akong nakita,umangat ang tingin ko sa may-ari ng mga paang iyon at napaawang ang labi nang Makita ang mama ni Troy, matalim itong nakatingin sa akin agad akong napatayo sa kinauupuan at napalunok ng ilang beses,saka ko lang napansin ang babaeng kasama nito. Si Sienna.
“M-Mrs.Laurent.” Utal kong sambit. Ngumisi lang ito at saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. “So dito ka pala dinala ni Troy.” Aniya, muli akong napalunok at para bang umurong ang dila ko dahil sa kaba.
“Tita, there’s a lot of people here, let’s go somewhere.” Bulong ng babaeng kasama nito. Tiningnan lang ito ng mama ni Troy sandali saka muling binalik ang matatalim na mga tingin sa akin.
“Where’s Troy?” Si Mrs. Laurent nang makaupo na ito sa couch, I suggest na magusap nalang dito sa penthouse, sumunod naman ito sa akin kasama si Sienna. I don’t know why they’re here, hindi ko rin alam kung alam na ba nito ang pagpapakasal namin ni Troy, nabablangko na ang isip ko at sumasakit ang ulo ko, ang gusto ko nalang ay makabalik na si Troy. I need him here.
“H-hindi ko po alam.” Sambit ko habang nakatayo sa gilid nito. “What? I knew it, you’re just his past time pero bilib din ako sayo napapayag mo syang bitbitin ka hanggang dito sa Seattle.” Sarkastiko nitong sambit saka ngumisi sa akin, hinawakan naman sya ni Sienna sa braso akmang pipigilan na magsalita pa ng mga masasakit, pero hindi yata nito alam ang salitang respeto.
Napayuko nalang ako at mariing pinagtalikop ang dalawang kamay para pigilan ang namumuong tubig sa mga mata ko. “Anyway, I’m here to give my present to you, I heard that you married my son behind my back. Congratulations!” Dugtong nito, tumayo ito at may kinuha sa bag, tumayo rin si Sienna na bakas ang pagaalala sa mukha. Lalo akong kinabahan nang lumapit ito sa akin at hinagis ang isang brown envelop.
“A-ano po ito?” Tanong ko, she just smirked at me saka nagsalita. “See for yourself.” Aniya.
Nanignginig pa ang mga kamay kong binuksan ang envelop na iyon, alam kong hindi maganda ang laman non pero hindi ko na napigilan ang sarili kong tingnan iyon, halos manghina ako at bumagsak ang dalawang balikat ko nang makita ang laman ng envelop. Mga pictures ni Troy when he was in highschool, kasama ang isang babaeng kilalang kilala ko, si Ate Vanessa.
Ang mga luhang nangingilid kanina ay hindi ko na napigilang tumulo sa pisngi, inangat ko ang tingin sa kaharap, gulong-gulo ang isip ko at halos magaralgal ang boses ko.
“A-ano pong ibig sabihin nito?” Halos naiiyak ko nang sambit.
“You still don’t get it? Dating magkasintahan ang kapatid mo at ang anak ko, balita ko nagsuicide ang kapatid mo hindi ba? Dahil iniwanan sya ni Troy. We’ll tama lang naman ang ginawa ng anak ko dahil walang patutunguhan ang relasyon nila, sisirain lang ng kapatid mo ang buhay ng anak ko like what you’ve been doing right now, hindi kaba nahihiya sa kapatid mong namatay? Kaya mo bang pakisamahan si Troy kahit na alam mong sya ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid mo?” Kaswal nitong sambit na para bang nagkukwento ng isang nobela, I heaved a deep sigh out of disbelief.
How can she say that in front of me? Halos magunaw ang mundo namin ni mama nang mawala si Ate Vanessa. Bata pa ako noon kaya wala akong masyadong alam sa mga nangyari sa ate ko, hindi ko akalain na si Troy ang lalaking iyon. Napahawak ako sa dibdib nang maramdaman ang sakit dito, napaupo pa ako sa couch at halos maubusan ng lakas pero ang tubig sa mga mata ko ay patuloy lang sa pag-agos na para bang walang katapusan, hindi maubos ubos.
Napalingon ako sa isa pang papel na nilapag nito sa lamesita. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa tubig na patuloy na namumuo dito pero alam ko ang papel na iyon, annulment paper.
Lalo akong napahagulgol lumapit pa sa akin si Sienna para sana aluin pero pinigilan ito ni Mrs. Laurent.
“Sign that paper at layuan mo ang anak ko, kung mahalaga sayo ang kapatid mo pipirmahan mo iyan at lalayo ka. Sienna, let’s go.” Narinig kong sambit nito bago tuluyang umalis.
Lalong lumakas ang hagulgol ko at suntukin ko na ang dibdib dahil sa paninikip nito habang patuloy parin ang pag-iyak ko. Ilang oras akong nakatitig lang sa isang pirasong papel na iyon, sinubukan kong muling tawagan si Troy, nasaan ba sya? I need him here pero wala sya. I want to hear his side, I want to stay by his side, I don’t want to leave him.
Pero, paano?
Hindi ko makakayang dalhin ang guilt habang masayang kapiling si Troy. What should I do?
Ramdam ko ang panglalambot ng tuhod ko at hapdi ng mga mata ko, nakatulala lang ako sa sahig nang walang kahit na anong emosyon marahil sa sobrang pagod ko ay hindi ko na alam pa ang dapat na naramdaman kaya mas pinili ko nalang na matulala sa kawalan, narinig ko ang pagbukas ng pinto at ilang yabag, pero hindi ko ito nililingon.
"Babe?"
Baritonong boses ng isang lalaki, sa yabag ng paa at boses palang nito ay alam ko na kung sino ang dumating. Marahan itong lumapit sa akin parang tinatansya ang bawat kilos at nagtataka. "What are you doing here? Kumain kana ba?" Muling tanong nito, tumayo ako at humarap dito para iabot ang envelop na inihagis sa akin ng mama nya kanina.