Pinasok din ni Moriz ang negosyo. Kaya lalo lang kaming nagkakabanggaan. "Sinusubukan niya ako. Talaga akala niya naman kaya niya ako." Sabi ko. Kaya imbis na hindi ko pakikialaman ang lugar ng Canada sinakop ko din ito. "Xian sa linggo na ang Kaarawan ni lola pupunta ka ba dito?" Tanong ni Reeve sa akin. "Oo darating ako diyan." Sabi ko sa kanya. Saka binigyan siya ng impormasyon tungkol sa droga. Dahil pinasok nila ang lugar papasukin ko din ang negosyo nila. Pero hindi upang maging dealer kundi upang maging asset ni Reeve at ang tanging puntirya namin ang Samañego Brothers. Dumating ang kaarawan ni lola. Maaga pa bumiyahe na ako papuntang pilipinas. habang sakay ng private Plane ko hindi ko maiwasan na hindi ko siya maisip. "Boss D. Bakit hindi mo siya silipin?" Sabi ni Leona

