Marami ng sira ang bahay nila Chloe. Hapon na kami nakarating dun. Pinagpahinga ko muna ang mga bata. Pinagluto ko si Chloe ng makakain namin Kinabukasan inayos namin ni Liam ang mga sira ng bahay sila Chloe naman at ang mga bata naglinis ng bahay. Madilim na ng matapos kami. Magaling na ang paa ko kaya kasama ako ni Chloena pumunta sa palengke. Nakahanap kami ng uupahan na pwesto. "Pwede na ito maging karinderia." Sabi ng mayari sa amin. " Marami ang naghahanap ng makakainan dito. Kaya kung marunong kayong magluto yun na lang ang gawin niyo." Sabi nito. Nagkatinginan kami no Chloe. Binayaran ko na ang upa nito. Namili na kami ng ititinda namin.si Liam naman nagapplay na kargador sa palengke. Tuwang tuwa kami. Naging maayos ang lahat. Naging mabili ang karinderia namin masarap naman

