LYKA Hindi ko inaasahan na makikita ko si Leo sa restaurant ng araw na'yon. Wala pa naman si Lance at tatanghaliin daw ito ng punta ng restaurant at may dadaanan pa raw itong importanteng bagay. Parang nakikinita ko ang mga sasabihin nito sa akin sa oras na mag-usap kami. Marinig ko pa lang ang boses nito ay gusto ko na itong talikuran at hindi na kausapin pa kahit kailan. Pero ng maisip ko ang sinabi ni Lance na hindi ko maaaing pagtaguan habangbuhay si Leo ay doon na ako nagpasyang kausapin ito. Para makaiwas na lang sa mga taong nasa paligid namin ay minabuti ko na lang na papasukin ito sa opisina ko at doon ito kausapin. "Ito pala ang office mo," kumento nito ng makapasok na silang dalawa. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin at marami pa akong kailanga

