Katulad ng inaasahan ay masayang- masaya si Allison ng makita nito si Lance. Kulang na lang ay maglulundag ito sa tuwa nang sabihin nito na mamasyal silang tatlo. Pati ang mga magulang niya ay tahimik lang na nakamasid sa kanilang tatlo pero nakita niya ang simpleng pagngiti ng mga ito. Marahil ay hindi rin makapaniwala ang mga ito na sa maikling panahon ay napalapit agad si Allison kay Sir Lance. Tinulungan siyang mag-empake ng kanilang mga damit ng kaniyang Nanay. Noong una ay tahimik lang itong na tumutulong sa kanya sa paglalagay ng mga damit sa bag pero hindi na rin siguro nakatiis at nagsalita na rin ito. "Lyka,anak. Mag-iingat kayo ni Allison sa pupuntahan n'yo. May tiwala naman kami kay Lance na hindi niya kayo pababayaan ni Allison, kaya lang natatakot lang talag

