Hindi siya pinapansin ni Lance simula ng makita nito kanina na magkausap sila ni Richard. Maski ngayon na nasa harapan sila ng pagkain ay wala itong kibo. Nanahimik na lang din siya at mahirap ng salubungin ang init ng ulo nito. Kahit paano ay nakakabisado na niya ang ugali nito sa ilang lingo na nilang namamalagi sa bahay nito sa Quezon. Tanging si Allison lang ang kinakausap nito sa tuwing may itatanong ang kanyang anak dito. Nakaka frustrate tuloy sa pakiramdam. Yung bang wala ka namang ginawa na masama pero bigla-bigla na lang itong hindi namamansin. Nasanay pa naman siya na kinakausap siya ni Lance pagkarating nito galing sa Manila at sasabihin nito ang tungkol sa problema niya kay Leo. Ayaw naman niyang siya ang unang bumati dito lalo na at wala naman siyang important

