LYKA Sa araw na iyon ay naka schedule ang check-up ko sa doctor. Ang usapan naming ni Lance ay magkikita na lang mismo kami sa mismong hospital dahil sa tanghalin pa naman ang sched ko. May kailangan lang daw itong pirmahan na mga papel sa restaurant at sa Athilus. Kaya naisipan ko magpunta muna sa isang mall para tumingin ng mga baby dress at ibang gamit na maaari naming bilhin ni Lance kapag namili na kami ng mga gamit ng anak namin. Pinaiwan na lang ni Lance si Manong Jojo para makasama ko sa pagpunta sa hospital at gumamit na lang ito ng ibang kotse papasok sa trabaho. Pagkagayak ko kay Allison para pumasok sa trabaho ay ako naman ang gumayak para umalis. Binilin ko rin kila Manang Tessie na huwag ng magluto masyado ng pagkain sa tanghalian at hindi naman kami ako sa bahay kakain.

