Pagdating nila ni Allison sa kanilang bahay ay agad silang dumeretso sa kuwarto nila ni Lyka para magkita na rin nito sa wakas si Allison. Pagbukas pa lang nila sa pinto ng kanilang kuwarto ay agad na bumungad sa kanila si Lyka na umiiyak habang hawak ang isang rosaryo. Agad na tumakbo si Allison papunta sa Mommy nito. "Mommy!" Yumakap agad ito kay Lyka ng mahigpit. "A-anak!" Hindi rin napigilan ni Lyka na bumuhos ang emosyon nito ng sa wakas ay mahawakan na nito ng personal si Allison."O-okay ka lang ba?" nag-aalala tanong ni Lyka kay Allison. Nanginginig pa ang boses nito ng magsalita. "O-oppoo Mommy. M-ommy si Daddy Leo..." at muli itong umiyak. "Bakit anong nangyari sa Daddy Leo mo? Kasama niyo ba siya?" naguguluh

