Chapter 6-Kakaibang Emosyon

3784 Words
LYKA     Halos nakasunod lang ako ng paglalakad kay Lance nang bigla itong huminto at napasubsob ako sa likuran nito. Maging ito ay nagulat rin sa nangyari.     Nang laki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang malambot niyang likuran plus ang amoy ng katawan nito na talagang nakaka attract sa aking pang-amoy. Lalakeng lalake ang amoy nito at kahit kailan ay hindi pa ako nakaamoy ng ganoong klaseng pabango.     Hindi ito agad lumingon pero ng ilayo ko ang aking katawan sa kanyang likuran ay bigla niya akong nilingon.     "You okay?" nag-aalala nitong tanong sa akin. Bahagya pang nakakunot ang nuo nito. Pagkatapos ay kinuha nito ang cellphone nito na biglang tumunog kaya pala ito napahinto ng wala sa oras.     "Okay lang po ako sir, pasensya na po at nabunggo ko kayo." Hingin paumanhin ko dito, hinimas ko pa ang aking sentido dahil sa hiya.     "It's okay. You first come in. May kakausapin lang ako sa phone,” sabi nito sa akin na iniluwang pa nito ang bukas ng pinto ng opisina nito habang nakalagay na sa tainga nito ang cellphone saka naman ako pumasok sa loob ng opisina nito. Hinintay ko ang pagbabalik nito at bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng bumukas ang pinto ng opisina nito at iniluwa si Lance. Nagkatitigan pa kami saglit, then I decided to focus my eyes in other part of his office…mahirap na.     "Actually, I called you because I want to say something about the expansion of our restaurant in Taguig. And by the way, where have you been a while ago? I was looking for you since I came here earlier." Sunod-sunod na tanong nito sa kanya. Sa pagkakataon iyon ay nakaupo na ito sa swivel chair at ako naman ay muling umupo sa caoch na katabi ng table nito.     "Nasa labas lang po ako sir, I'm with the other staff. Naglagay lang po kami ng christmas decor.” Pagbibigay alam ko sa kanya.     Napatango na lang ito sa sinabi ko at pagkatapos ay may binuklat na isang folder. Unit-unti ay bumalik ang normal nitong awra at nawala na ang pagkainis nito nitong itsura kanina. Akala ko naman ay galit talaga ito sa akin dahil ang buong akala nito ay hindi ako pumasok ngayong araw.     "Kindly read this papers, kahit iuwe mo na lang. These are the documents about the area and the facility of the building that I'am interested to buy for the expansion of our restaurant." Pagbbibigay alam nito sa akin. Mainam ang naisip nitong paglalagay ng iba pang branch ng restaurant nito for exposure.     "Okay sir..." Sagot ko kay Lance, saglit ko pang sinulyapan ang laman ng folder na iniabot nito sa akin.     Siguro ay hihingin nito ang idea ko tungkol sa itatayong bagong branch ng restaurant nito. Three years na rin naman akong nagtratrabaho as manager ng restaurant na iyon kaya medyo gamay ko na ang ibang detalye tungkol sa restaurant na pinagtratrabahuhan ko.     "I'll be out earlier today, Ms.Ramirez. I have some important meetings to do. And tomorrow asked the two chefs to prepare other dishes that we can add or change in the menu that we have now. We need to research about the food trends, para mas marami tayong makuhang costumers." Isplika nito sa akin. Naiintindihan ko naman ang point nito at talagang mahirap makipagkompitensya sa mga bagong restaurant na nagsusulputan ngayon.     Nagpaalam na ako kay Lance para kausapin ang mga nasa kitchen area para sa gagawin ng mga ito bukas. Lance made a signal that I can go outside. But in my surprise, he looked straight at me and smiled. Bigla naman akong na concious so I just smile back at him. Yung ngiting sa una ay normal lang hanggang sa napangiwi na lng ako pagtalikod ko sa kanya.     Kailangan na ma-impress namin ito sa bagong dishes na ipapatikim ng mga tagaluto bukas, dahil kung hindi ay baka masermunan kami ng hindi oras ng may-ari. Nagpakawala ako ng isang buntonghininga ng tuluyan akong makalabas ng opisina nito, bitbit ko ang folder na ibinilin nitong basahin ko sa bahay.          “Ma’am Lyka, kamusta po ang pagka-usap nyo kay Sir Lance?” May himig ng pag-aalala ang boses ng isang crew na nagtanong sa akin. Ito ang inutusan ni Lance kanina para tawagin ako sa labas habang nag-aayos ng Cristmas Décor.     “Okay lang, huwag na kayong mag-alala…nakausap ko na siya.” Nakangiti ako ng sabihin ko sa harap nila ang bagay na iyon. Kita ko kung paanong parang nabawasan ng takot ang mga mata ng kasamahan ko ng marinig ng mga ito na naging ‘okay’ naman ang pag-uusap namin ni Lance. Sinamantala ko na rin ang pagkakataong iyon para ipaliwanag sa kanila ang sinabi nito tungkol sa pagbabago ng menu ng restaurant simula bukas.     Pagdating ko ng bahay ay plakda naman ako. Hindi ko pa nayayakap ang anak ko at wala raw ito sa bahay at kasama ng nila nanay na namili sa grocery.     Padapa kog ibinuwal ang sarili sa kama at saka huminga ng malalim ng lumaon.     Why I feel so stress? Nakasibangot kong kausap sa sarili. Hindi ko naman ito niya ito nararamdaman dati sa dati kong boss.But now, it feels like everytime that I will enter in that restaurant...I’m not that comfortable anymore. Na parang may mali, na hindi ko maipaliwanag. I just feel conscious sa tuwing nakikita ko si Lance, oh kaya ay may ipinapagawa ito sa akin. Samantalang dati ay halos makipagbiruan pa ako sa Italiano kong amo kapag may inuutos ito sa akin, ganoon ako kakomportable na katrabaho koi to. But with Lance…hindi ko maipaliwanag ang kabog ng dibdib ko sa tuwing magkasama kami.     Palagi na lang akong kinakabahan sa presensiya nito. At parati kong naiisip na dapat perfect ang lahat ng ginagawa ko because there is somebody who always judge my works. Not literally criticising my actions but more of being concious everytime I saw him, it was really an awkward moment for me.     Bumibilis palagi ang t***k ng puso ko kapag nakikita ko si Lance. Wala itong tigil hanggang hindi ito nawawala sa paningin ko. And for me, it is not a normal feelings para sa isang tao. Gayung wala naman itong ginagawang masama o kakaiba sa akin. Sa tingin ko, ako lang ang nag-iisip ng ganun so I wanted to damn my emotions and feelings for that.     At isang mahihinang katok sa pinto ang nagpabalik sa gunita ko. Then I immediately opened the door and my daughter Allison greeted me with her beautiful and angelic face.     "Mommy..," malambing na tawag nito sa akin.     "Baby. Where have you been?" tanong ko sa anak ko saka ako lumuhod sa sahig para mag -abot ang mga mukha namin.     "Sa market po Mommy.Sinama po ako ni lola to buy something." Ang tinig ni Allison ay sweet at maliit na parang napacute pakinggang.     "Ah okay. Did you enjoy it?     "Yes po Mommy." Sagot nito sa kanya habang hawak at hinihimas nito ang isang barbie na manika na halatang bagong bili.     "Anak, Lyka… pwede ka kayang umabsent muna bukas? Wala kasing mag-alalaga kay Allison. Kailangan naming pumunta ng Bulacan ni Tatay mo at patay pala ang ditseng Rosa. Baka mailibing iyon ay hindi man lang kami makadalaw. Ang kapatid mo naman ay may exam daw bukas."     Napangiwi naman ako sa tinuran ng kanyang nanay. Paano siya aabsent kung bukas ay may food tasting sa restaurant nila? Malamang na hindi ako payagang umabsent bukas.     Bigla tuloy akong naguluhan kung ano ang dapat kong gawin bukas. Saan kaya niya pwedeng iwanan muna si Alliso? Hindi ko naman pwedeng ipasama ito sa mga Nanay dahil baka mahirapan lang ito sa biyahe at mainit pa ang panahon.     "Kung isama mo na lang kaya si Allison sa trabaho mo bukas, anak?" Suhestiyon ni Nanay. "Mabait naman ang anak mo,hindi makakaabala yan sa mga gagawin mo sa trabaho basta bigyan mo lang ng mapaglilibangan." Tugtong pa ni nanay.     Pwede ko nga kayang isama ang anak ko sa trabaho bukas? Paano kung may sabihin na hindi maganda si Lance dahil nagdala ako ng anak sa trabaho? Medyo nag- aalinlangan ako sa sinabi ni Nanay. Pero wala naman akong ibang choice, paano pa? Hanggang sa napagdesisyunan ko na isasama ko na lang sa trabaho si Allison. Bahala na kung masermunan ako ng magaling kong boss sa pagsasama ko sa aking anak. Ang importante ay maalagaan ko pa rin ang aking anak kahit na nasa trabaho ako. Tutal kaysa umabsent ako mas mainam na ang naisip ni Nanay na suhestiyon para sa problema ko.  Lance POV     Medyo na late akong pumasok sa trabaho this morning, may kinailangan kasi akong tapusing basahin ang ibang report na pinasa sa akin ng personal secretary ko para sa iba ko pang negosyo, kaya ganun na lang ang gulat ko ng hindi ko nadatnan si Lyka sa restaurant. Agad nangunot ang noo ko, it seems that she take me for granted for not telling me that she’ll will not be able to perform her duty today.     Nakapamaywang ako ng tanungin ko ang isang crew kung bakit wala si Lyka ng araw na iyon.     “Where is Ms. Ramirez?” iritado kong tanong. Kita ko sa kausap ko na takot ito dahil medyo nataasan ko ito ng boses.     “S-sirrr…hindi po absent si Ma’am Lyka, maaga po siyang pumasok ngayon.”     “And where the hell she is?” balik kong tanong dito. Nang biglang sumingit ang isa pang crew at tinulungang magpaliwanag ang aking kausap.     “Nasa entrance door po sila kanina sir at nagkakabit ng Christmas décor, tatawagin ko lang po.” Nagprisinta itong lumabas para tawagin si Lyka. I can’t explain but I feel disgusted when I thought that Lyka is not here today. At ilang minuto nga ang lumipas ay nakita kong pumasok si Lyka sa entrance door kasunod ang crew na tumawag dito.     I immediately staired at her beautiful face, but I made sure that my looks will still be firm that I’m the boss who is questioning my employee for being late or absent at work.     Habang papalapit siya sa akin ay hindi ko inalis ang aking titig sa kanya, as if na mawawala ulit siya sa aking paningin. Nang sabihin nito ang dahilan kung bakit hindi ko siya naabutan sa loob ng restaurant ay agad namang kumalma ang aking pakiramdam. Then I ask her to be with me, inside my office. Kita ko ang takot at pagtataka ng mga kasamahan niyang nagtratrabaho sa restaurant pero hindi ko na lang ito pinansin. I have my own reasons kung bakit ko gustong makausap at makasama si Lyka sa loob ng aking office. Gusto kong sabihin sa kanya ang plano kong magdadagdag ng branch ng aming restaurant, at makasama ito ng madalas as we talk about the new restaurant that I’am planning to start.     Iyon ang naisip ko nang unang paraan para mapalapit ako kay Lyka, ang humingi dito ng tulong para sa pagatatayo ng bago kong restaurant, na alam kong hindi nito mahihindian.     Nang bigla kong maramdaman ang pagdantay ng ulo ni Lyka sa aking likuran ay parang may kuryenteng umakyat sa aking kamay patungo sa lahat ng parte ng aking katawan. Nagulat ako dahil halos kasunod ko lang pala siya at bigla naman akong huminto dahil narinig ko ang isang tawag mula sa aking cellphone na nasa loob ng bulsa ng aking pantalon. After I talked to somebody in my phone, kinausap ko na si Lyka regarding sa mga plano ko, and as I expected…hindi siya tumanggi ng sabihin ko sa kanya na kakailanganin ko ang tulong niya sa sisimulan kong bagong branch ng restaurant. Her answer made me happy, hindi ko lang pinakita sa harap nito kung gaano ako kasaya that finally, magakakasama na kami ng matagal…quality time with her means I have the chance to be friend with her and soon, maging malapit kami sa isa’t-isa. **** Lyka POV     Pagdating namin ni Allison sa restaurant ay nakatingin na agad ang mga kasamahan ko sa amin. Hindi ko naman sila masisisi kung bakit. Alam naman ng mga ito na may anak na ako at naging open naman ako sa kanila pagdating sa aking anak. Ayokong itago ang anak ko sa tao kaya kahit mahirap ay sinabi ko sa kanila ang totoo. Sa mga picture ko lang naipapakita ng madalas si Allison kaya siguro ganoon kasabik ang mga ito na makilala ang aking anak. Pinagkaguluhan pa ng ibang crew ang aking anak pagdating namin pero binawal ko na lang sila at baka mamaya ay biglang dumating ang magaling naming amo, mahirap nang mapagalita.     “Ang cute po ng anak ninyo, manager.” Puri ng isang crew kay Allison. Nagpasalamat naman ako agad at inutusan ko silang bumalik na sa trabaho pagkatapos.     “Jayson pakilagay mo naman ang mga gamit namin ni Allison sa office ko.” Utos ko sa isa sa mga staff ng restaurant. At pagkaabot ko sa mga bag na dala namin ni Allison ay agad kong nilingon ang anak ko.     "Anak, magwo-work lang si Mommy ah? Ano ang gusto mo? Doon ka muna sa office ni Mommy tapos ay dalhan na lang kita ng cake?" Suhestiyon ko sa aking anak. Hindi naman ako nabigo at nakangiti namang sumagot ang aking anak.     "Opo Mommy,wait po kita sa office mo." Nagpapasalamat ako at naging matalino at mabait ang aking anak. Sa murang edad nito ay naiintindihan na nito ang kalagayan naming mag-ina.     At hinatid ko nga siya sa aking office at saka binilinan na huwag lalabas basta-basta doon. Iniwan ko rin sa kanya ang tablet na binili ko para may nagagamit siya sa bahay kung minsan at may paglibangan ito. Alam naman na nitong i-operate ang sariling gadget nito.     Nang maiayos ko si Allison ay ang kusina naman ng restaurant ang tinungo ko. Nadatnan ko na busy na ang dalawang chef si Chef Cherry at Toneth na nagluluto ng mga dishes na ipapa food taste nila kay Lance.     "Chef Cherry…chef Toneth, kamusta? Naiready ninyo na ba yung mga pagkaing nagagamitin natin sa food tasting?" Dinukwang ko pa ang mga platong may mga laman ng mga pagkaen sa table.     "Kaunti na lang manager, matatapos na po namin ang pagluluto." Si Chef Tonet ang sumagot at ngumiti pa ito sa akin na nakapagdulot ng kapanatagan sa akin. At least, kahit na hindi ako nakapasok ng maaga ay nakatulong pa rin ako sa mga ito sa paghahanda ng pagkaen para sa food tasting ng araw na iyon. At nagawa pa rin namin ng maayos ang mga trabahong naka-assign sa bawat isa sa amin.     "Kaya lang medyo kinakabahan kami ni Chef Tonet, manager. Paano kung di magustuhan ni Sir Lance itong mga niluto namin? Ayaw naman namin mawalan ng trabaho," malungkot na pagkakasabi ni Chef Cherry sa akin. Nagulat ako sa sinabi nito pero alam ko naman ang pinanggagalingan ng takot ng mga ito dahil talaga namang nakaka kaba kapag kaharap nila ang bagong amo nila ngayon. At naalala ko muli ang huli naming pag-uusap, napailing na lang ako pagkatapos.     “Naiintindihan ko ang sitwasyo n’yo.” Pakunsuwelo ko sa kanila, kailangan ko pa ring palakasin ang mga loob nila bilang maneger ng restaurant na pinagtratrabahuhan namin. Kung sana ay ang dati pa naming amo ang makakaharap namin ngayon para sa food tasting sana ay hindi ganito ang kaba na nararamdaman namin pare-pareho. Pati kasi ako ay madadamay kapag ni isa sa mga hinanda ng mga chef namin ay walang nagustuhan ang magaling naming boss. Hindi ko tuloy alam kung papaano ko palalakasin ang loob ng mga ito kung pati ako ay pinanghihinaan na rin ng kalooban ng mga oras na iyon.     "Chef Cherry,Chef Tonet...basta't galingan lang natin ang presentation tapos ay lahat ng mga natutunan ninyo sa pagluluto sa loob ng ilang taon sa restaurant na ito, ibuhos n’yo na, okay? As in todo-todo!" biro ko sa dalawang chef. Hindi naman ako nabigo at napatawa ko naman ang mga ito.     "Nga pala manager,bakit kasama mo anak mong Allison sa trabaho?"hindi na nakatiis si Chef Tonet at tinanong na ako. Nakita na rin pala ng mga ito si Allison kanina pagdating namin.     “Wala kasing mag-aalaga sa anak ko,chef. Umalis sila Nanay nagpunta ng Bulacan, kaysa ipasama ko pa si Allison at mapagod sa biyahe ay isinama ko na lang siya dito." Pagtatapat ko sa kanila.     Nagtanguan lang ang dalawang chef na kausap ko pagkatapos at saka ako nagpaalam na pupuntahan naman ang counter para bisitahin ang report ng naging kita kahapon.     Paglabas ko ng kusina ay sakto naman na nakita kong may kausap na bata si Sir Lance. Masaya itong nakikipagkuwentuhan sa batang kausap at bigla ang naramdaman kong kaba ng mapagtanto kung sino ang kausap nitong bata. Nanglaki pa ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang kausap nitong bata.     Si Allison! Patay...Bakit lumabas ito ng office ko ng hindi nagpapaalam sa akin? Tuloy ay nakita pa ito ni Sir Lance na palakad-lakad sa restaurant.     Sa kaba ko ay hindi agad ako nakaalis sa kinatatayuan ko hanggang mahagip ako ng paningin ni Sir Lance at kahit kinakabahan ay nginitian ko ito. Akma akong lalakad papalapit sa kanya at sa aking anak pero nauna na itong kumilos at kinuha pa nito ang kamay ni Allison saka lumakad ang dalawa papunta sa gawi ko.     Tiningnan ko muna saglit ang mga kumakain sa loob ng restaurant. Buti at maaga pa kaya di masyadong crowded sa loob kung hindi ay baka kung sino na ang nakakuha sa anak ko, masyado pa namang busy ang mga kasamahan ko sa trabaho kaya paniguradong malaki ang tyansa na hindi mapansin ng mga ito si Allison kung sakaling lumakad ito papalabas ng restaurant.     Ilang segundo pa ang lumipas at nasa harapan ko na ang aking anak at si Sir Lance. Napangiwi pa ako ng makita kong ngising-ngisi pa ang aking anak habang hawak ni Sir Lance ang kamay nito.     "Mommy..," malakas na tawag nito sa akin. Awtomatiko naman binitiwan ni Lance ang maliliit na kamay ni Allison para patakbong pumunta sa akin. Yumakap pa ito sa aking pipis na tiyan. Saglit ko siyang tiningnan na nakayuko at kunwari ay pinandilatan ng mata dahil sa ginawa nito, tapos ay sunod kong binalikan ng tanaw si Sir Lance na nakangiti sa amin ni Allision ng mga oras na iyon.     "Anak, di’ba ang kabilinbilinan ni Mommy ay huwag kang aalis sa loob ng office ko?" tanong ko sa anak ko na hindi tinatanggal ang ngiti sa mga labi nito.     "Huwag mo nang pagalitan ang anak mo, Ms.Ramirez." Biglang singit ni Sir Lance sa usapan naming mag-ina, nakapamulsa pa ang isa nitong kamay sa suot nitong khaki pants.     "Hindi po sir...bale binilinan ko po kasi siya na huwag lalabas ng office ko pero sinuway ako kaya tinatanong ko lang po siya kung ano ang dahilan niya at ginawa niya ang bagay na iyon." Pagdadahilan ko sa kanya, pero ang totoo ay gusto kong singhalan ang anak ko dahil nagpakita ito sa Sir Lance.     "You know what? Ang cute at ang bait ng anak mo," mayamaya ay saad pa ni Sir Lance na kay Allison nakatingin habang nakangiti pa rin.     "Po? Ano pong ibig ninyong sabihin sir?" takang tanong ko. Hindi kasi ako makapaniwala na hindi ito galit ng malaman nito na nagdala ako ng anak sa trabaho. Ang buong akaala ko kasi ay kakausapin at papagalitan niya ako dahil dinala ko si Allison sa restaurant nito. Handa naman aokong magpaliwanag kung sakali sa kanya kung bakit kinailanganan kong dalhin si Allison sa trabaho.     "Nakasalubong ko siya sa counter at sinabi ng mga staff na kasama mo itong cute na bata na ito pagdating, kaya tinanong ko siya kung kaano-ano ka niya. Ang sabi niya ay Mommy ka nga raw niya," pagkukuwento ni Sir Lance sa akin. "And then, tinanong ko kung bakit nasa labas siya…ang sabi niya hinahanap daw niya ang Daddy niya." Pagpapatuloy nito. Nagulat ako ng sabihin ni Sir Lance ang bagay na iyon. Talagang hindi nakalimutan ng anak ko ang dahilan nito kung bakit pilit itong sumasama sa akin dito sa restaurant at baka raw makita nito ang ama nito na matagal nang hinahanap sa akin.     Sa tuwing naiisip nito ang totoong ama nito na si Leo ay may pinong kirot akong nararamdaman sa puso ko dahil hindi man lang nito nasilayan ang hitsura ng ama nito kahit sa letrato man lang. Hindi ako ganoon kasama para burahin ng tuluyan ang katauhan ni Leo sa isip ng anak ko. Alam ko namang balang araw, nagkataon man oh sadyang itinadhana ay magkikita ang dalawa kaya ayokong makalakihan ng anak ko na patay na si Leo. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako na nakilala ko siya at dahil dito ay nagkaroon ako ng isang Allison. Pero hindi mabubura ang katotohanang itinatwa nito ang aking anak hindi ko pa man ito nasisilang sa mundo, kaya kahit anong mangyayari ay hindi ito nararapat na maging isang ama sa paningin ng anak ko. Sinabi ko na lang kay Allison na nagtratrabaho ito sa malayo at hindi ko alam kung kailan ito makakabalik, hanggang siguro hindi na natiis ni Allison ang kawalan nito ng isang ama kaya ganoon na lang ang kagustuhan nitong makilala ang totoo nitong ama. Muli kong nilingon ang aking anak at lumuhod pa ako para magpantay ang aming mga mukha.     "Anak totoo ba yun? Sinabi mo talaga iyon kay Sir Lance?" hindi makapaniwalang tanong ko sa aking anak. Hinimas ko pa ang kulay mais niyang buhok na naka pony tail.     "Opo Mommy. Tinanong ko pa nga po siya kung siya ang Daddy ko." Nakangusong sagot ng anak ko. Parang gusto na tuloy lumubog na lang sa kinaroroonan ko ng mga oras na iyon dahil sa pagkapahiya.     Sa sobrang talino ata ng anak ko, nasobrahan naman ata ito. Pati ang hindi dapat na itanong, nakuha pang itanong sa boss namin. Nakakahiya!     At paglingon ko sa gawi ni Lance ay nakangiti pa rin ito na parang nakakaloko. Ano bang nangyari dito at parang nasaniban ata ang peg? Kahapon lang masungit tapos ngayon parang kung sinong angel ang sumanib dito at kay bait ng hitsura nito ngayon.     "Ikaw talaga anak, nakakahiya ang mga pinagtatanong mo." Saway ko kunwari kay Allison. Tumayo na ako at saka ko siya hinawakan sa balikat.     "No its okay. Baka umiyak pa ang anak mo Ms.Ramirez. Hayaan mo na lang siyang maglaro para malibang kahit nasa loob ng office mo." suhestiyon nito sa kanya, at tumango na lang ako pagkatapos. Nagulat pa ako ng lingunin nito muli si Allison at ngitian.     "Baby, play ka muna sa office ni Mommy mo. Later maglalaro tayo, okay?" Pangako nito sa aking anak.     "Yes po Daddy," sagot naman ni Allison na nagpangiwi naman akin ng marinig ko ang sagot nito kay Sir Lance. Nagkatinginan pa kami nito  at amuse na amuse ang histura nito habang ngingiti-ngiti kay Allison.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD