Chapter 1
"Ire!" sabi ni chloe sabay tawa nila ng mga barkada nya.
Palihim ko silang inirapan. Tsk! Mga pabida! Tinatawag nila akong ire! Nickname ko daw. Ire as in yung umiire? Nakakainis! Akala mo naman antatalino nito nakikikopya lang naman sa sipsip sa teacher nilang lider lideran.
Mga tipo nila yung magbabarkada na nagbabackstabban? Oo ganon. Ginagamit nila isa't isa for fame. Mga pasikat sa social media.
"HOY IRE! tinatawag kita, aba! Tumingin ka naman!" sigaw nya sabay tawa nanaman sila na parang palaka.
Hindi ko pa rin sila pinansin at nagsulat sulat nalang sa notebook ko. Kakatapos lang ng lunch break at oras na ng math subject namin, kaso wala pa si sir kaya pambibwisit nanaman inaabot ko sa palakang to!
"HUY SABING TUMINGIN KA E! BINGI KA BA?" biglang lumipad notebook ko. Wow may pakpak yarn?
Tiningala ko si chloe na hawak hawak ang notebook ko. Nakatingin sya saakin ng masama habang may nakakalokong ngisi. Ang asim nya! Galaw kasi ng galaw!
"Oh bakit?" maangas na tanong ko. Pabalang kong inagaw sa kanya notebook ko. Hindi nya inaasahan kaya nakuha ko. Inirapan ko sya ng harap harapan saka inayos ang desk ko na nagulo.
"Aba! Sisiga siga to ah!" narinig ko ang paggalaw ng mga upuan sa bandang kaliwa ko. Nagsitayuan na mga tropa ni chloe. Mag initiate retreat na ba ako?
Nagulat ako nang may biglang humila saakin sa kwelyo. Napailag naman ako nang makitang si jessa 'yon. Ang laki nya kasi at ang asim nya! Idagdag mo pa ingay ng bibig nya kakanguya ng chewing gum na akala mo nakakaangas!
"Siga ka ah? Gusto mo away? Anong palag mo samin, ha? Pag tinatawag ka, tumingin ka! Tatanga tanga!" sigaw nya sa mukha ko at patulak akong binitawan. Napaupo ako sa sahig sa lakas.
Tawanan ng nga kaklase ko narinig ko. Tsk tsk tsk pag pinatulan ko to sabog mukha nito.
"Problema mo?" maangas na tanong ko. Tumayo ako at pinagpag uniform ko sa harap nila. Sakit sa pwet netong mga 'to.
Hindi makapaniwalang tinuro ako ni jessa habang nakanganga at tumingin sa mga katropa nya. Napailing iling pa sya at tinignan ako ng parang naaawa kunwari. Anong tingin yan, brad?
"Tingin mo may laban ka samin?" nang iinis na tanong nya. Iniisip nya siguro na dapat akong matakot sa kanya kasi member sila ng frat na hawak ng mga seniors dito samin.
Tatamad tamad kong tinagilid ang ulo ko at sinulyapan si chloe na nasa likod ni jessa. Pinapaligiran ako ng mga palaka, mabuti nalang at di tag-ulan baka nagingay mga to.
Nilagay ko dalawang kamay ko sa bulsa ng skirt ko para mas maangas tignan. Ha! Manigas kayo mga palaka!
"Bakit kasi nagtawag ka ng tropa mo? Ang unfair naman 'non?" sarkastikong sabi ko sa kanya at inismiran sya.
Tumawa nanaman si jessa na sinundan ng mga katropa nyang di naman gets bakit sya tumawa.
"Palibhasa' y wala kang kaibigan. Wag kanang mainggit." tumatawa pa ring sabi ni jessa.
"Oks lang kaysa kasing plastic mo. Bakit 'di ka na rin magpaplastic surgery para naman balance at gumanda ganda ka?" sarkastikong sabi ko at nakisabay sa mga tawa nila na unti unting nawawala.
Napatigil ako at tinignan sya. "Oh? Bakit? Hindi ba nakakatawa?" sarkastikong sabi ko at tumawa ulit, yung tipong halatang halata na fake.
Biglang bumukas ang pinto at malakas na sumara ito. Pumasok na si sir.
"Good morning." masungit na sabi nya. Agad agad kaming nagsipuntahan sa mga upuan namin. Mabait naman si sir pero kapag nasa klase ka nya ay dapat seryoso ka, kundi mapapahiya ka.
Marami nanamang babaitang nagbubulungan. Marami kasing nagkakacrush dito kay sir, e. Gwapo ba naman at matalino? Sabi nya nga ay magmamasters daw sya ng law nyan! Gosh! Attorney na nga, gwapo pa! HAHAHA
Tahimik kaming lahat hanggang sa matapos ang klase. Ultimo magtanong nga si sir at magpasagot ng problem sa board e, ang tahimik namin.
Nakatayo akong nag aayos ng bag ko. Sinipat ko pa yung chair ko kung may naiwan ba ako o wala na. Lalabas na sana ako nang may humila saakin at tinulak ako sa pader. Malapit na ako sa pinto e! Tsk!
"Wag mo ng subukang lumabas ng school na 'to. Aabangan ka namin sa gate." nakangising bulong saakin ni sheena, isa sa mga tropa ni chloe't jessa. Sus! Sinong tinakot mo?
Nginisihan ko lang din sya at tinulak para makadaan ako. Napapailing ako habang naglalakad. Uuwi ata akong may bangas ang mukha? Mababahiran ng dumi kagandahan ko!
Sa susunod na kabanata...
"ANO?!" galit na sigaw nya sakin.
Inambahan nya ako pero hindi ako nagpatinag. Nginisihan ko sya. Lalapitan ko na sana sya nang may pumigil saakin. Napatingin ako sa kanang braso ko at napatingala. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Nginitian nya ako at tinanguan "It's okay." aniya at may itinurok saakin. Sa huli, ang naaalala ko nalang ay ang pagkahimatay ko at ang ingay ng paligid.