Chapter 2 - The Bet

1711 Words
My friend's muffled laughter irritates me, but Luke's annoyed look at me bothers me more. Agad akong nagbawi ng tingin dahil sa pagkapahiya. “Oh my gosh! Mula noon, hanggang ngayon, waley ka pa rin kay Mr. Green mo,” pang-aasar ni Mariel. I wanted to argue, but I have to admit that she's right. At hindi ko maisip kung bakit napakasungit sa akin ng Luke na ito! Is it because I confessed to him? Masama ba ‘yon? Nandidiri ba siya sa akin? “Pangit ba ako?” naisipan kong itanong sa dalawa. “Of course not!” mabilis na sagot ni Melody. “Ano ka ba? Baka naman hindi lang talaga ikaw ang type ni Luke. You know, may preference din ang mga lalaki pagdating sa mga babae. Iyong iba ang gusto ay maputi, o singkit o morena.” “Okay! Sabihin na nating hindi ako maganda sa paningin niya, pero hindi naman niya kailangang maging rude sa akin!” inis na sambit ko. Sinulyapan ko si Luke na noon ay sa mga ka-meeting na nakatuon ang atensyon. Apat sila sa table. Iyong kaibigan niya na kasama niyang dumating at dalawa pang may edad nang lalaki. Tinitigan ko siya. It drives me crazy that I find him attractive no matter what he does. The way his lips moved as he spoke, his hair dancing in the gusts of wind, and his eyes that seemed to be changing shades whenever he wanted to emphasize something. I even saw him bite his lower lip at one point. “Rude agad?” tanong ni Mariel. “Oo! Rude! Nginitian ko siya pero nakita n’yo naman ang tingin niya sa ‘kin kanina ‘di ba?” nagpupuyos na sabi ko habang nakatitig pa rin kay Luke. “Kapag nginitian mo, required ba na gaganti ng ngiti sa ‘yo?” naiiling na tanong ni Melody. Noon ko sila binalingan. “Of course!! No one…listen to me...No man has ever been hostile to me. Kahit sa US ay marami akong manliligaw!” sagot ko. “Well, papayag ka ba na waley ka kay Mr. Green mo? After two years eh deadma ka pa rin sa kaniya?” bigla ay naghahamon ang tono ni Mariel. “Syempre hindi! I know I can get him to like me,” sagot ko bagamat kulang iyon sa kombiksyon. On the inside, I'm completely hopeless. “Hmmn?” panabay na sambit ng dalawa. Halatang hindi sila kumbinsido sa sinabi ko. “Well, baka nga type ako ng Luke na ‘yan kaya s’ya suplado sa ‘kin eh! Natatakot siya na baka ma-inlove siya sa akin kapag nagkalapit kami!” “Wow! The confidence!” Mariel muttered sarcastically. “Hey! do you want to place a bet?” bigla ay baling niya kay Melody. “Huh?!” naguguluhang tanong din ni Melody sa kaniya. “Pustahan tayo ulit. Will Jade be able attract the elusive Lucas Verde?” ani Mariel. Her challenging gaze is fixed on me. “T-Teka, ano bang kalokohan ‘yan? Hanggang ngayon ba naman? Hindi na tayo teenagers!” bigla ay kinakabahang sabi ko. Aminado ako na makailang beses na kaming nagpustahan ng ganito noon. As a result, some of our classmates labeled us as heartbreakers. Ngunit dala lang iyon ng aming kabataan. We were so careless and full of ourselves back then. Ngayon ay alam ko nang mali ang mga ginawa namin noon. Mali ang paglaruan ang damdamin ng mga lalaking humahanga sa amin noon. “Come on! Katuwaan lang natin,” kumbinse pa ni Mariel sa akin. “Plus, this time is different. Totoo naman na gusto mong makuha si Lucas, ‘di ba?” Hindi ako nakasagot. Muli kong sinulyapan si Lucas. A glimpse of his gorgeous face made me shudder. I can almost feel the icy air coming from him. Can I really make him fall in love with me? “Natatakot ka?” ang naghahamon na boses ni Mariel ang nagpabalik ng atensyon ko sa kaniya. Sinulyapan ko si Melody na noon ay nang-aarok ang tingin sa akin. Hindi ko mawari kung pinipigil ba niya ako o inuudyukan. “I am not!” kunway balewalang sambit ko. “Yes! So, game na?” bigla ay excited na baling ni Mariel kay Melody. “Syempre pupusta ako sa beshy ko. May tiwala pa rin akong mapapaibig niya si Luke,” ani Melody habang nakangiti sa akin. Kumindat pa siya sa akin at tumawa na lang ako kahit ang totoo ay hindi ko nagugustuhan ang aming usapan. “Ow? Okay! Kay Luke ako. One hundred thousand,” mabilis na sagot ni Mariel. “What the?! Seriously?” bulalas ko. Magpupustahan talaga sila ng pera? Bigla ay tila nawalan ng lasa ang pagkain na nakahain sa harap ko. Gusto kong magprotesta pero hindi ko magawa. Besides, I doubt I'll be able to stop them. “Okay!” sang-ayon naman ni Melody. “Good! Simulan n’yo nang magtrabaho!” nasisiyahang sabi Mariel na sinulyapan din si Luke. Ilang minuto kaming nanatili sa aming puwesto kahit tapos na kaming kumain. Sa gilid ng aking mga mata ay namataan naming tumayo na si Luke at ang mga kasama niya sa table. Narinig kong nagpapaalam na ang dalawa nilang ka-meeting. Lumapad naman ang pagkakangiti sa akin ni Mariel. Hudyat iyon na kailangan na naming kumilos. Tumaas-baba pa ang kilay niya. “Lapitan mo na!” pagtataboy niya sa akin. “H-Ha? N-Ngayon na?” Bigla akong naduwag. Matapos ang tinging ipinukol sa akin ni Luke kanina, pakiramdam ko ay hindi ko siya kayang lapitan at kausapin ngayon. “Tsk! Ako na ang lalapit para sa ‘yo. Ayaw ko namang matalo ka nang walang kalaban-laban,” aniya bago tumayo at naglakad patungo sa pwesto nila Luke. Nasundan ko na lang siya ng tingin. “Silly you! Bakit ka pumayag sa hamon ni Mariel?” natatawang tanong ni Melody nang makalayo na ang kaibigan namin. Hindi ko magawang sumagot. Bakit nga ba ako pumayag gayong alam ko namang matatalo ako? “Tsk! Basta tig-fifty thousand tayo kapag natalo ako sa pustahan ha!” dagdag pa ni Melody. Dahil doon ay mahina akong natawa. Mukhang alam na rin niyang matatalo kami. Nang tingnan ko si Mariel ay kausap na niya iyong kasama ni Luke na dumating. Batid kong kaibigan siya ni Luke ngunit hindi ko maalala ang pangalan niya. Si Luke naman ay tahimik lang na para bang naiinip na. He didn't even try to hide his irritation. Kumaway si Mariel sa amin at sinenyasan kaming lumapit sa kanila. Ramdam ko ang pagkalabog ng dibdib habang papalapit sa pwesto nila Luke. Nakapamulsa siya at sa ibang direksyon siya nakatingin. Gayunpaman ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan ngayong makakaharap ko siya ng malapitan. “Hi, Melody! I’m Kyle,” salubong sa amin ng kaibigan ni Luke. Saka ko lang naalala ang pangalan niya. Siya iyong kaibigan at kaklase ni Luke buhat college. Ngayong nasa harap ko lang si Luke ay saka hindi ko naman siya magawang tingnan. Ano bang nangyayari sa akin? “You’re Jade, right?” baling sa akin ni Kyle. Napansin ko ang nang-aasar niyang tingin at wari’y pinipigilan niya ang matawa. Dahil doon ay napakunot ang noo ko. Labis ang pagtataka sa inasta niya pagkakita sa akin. May nakakatawa ba sa akin? Pinagtatawanan ba niya ako? Buhat kay Kyle ay dumako ang tingin ko kay Luke na noon ay saktong sumulyap din sa akin. Lalo siyang napasimangot saka matalim niyang sinulyapan ang kaibigan. Dahil doon ay biglang sumeryoso si Kyle. Binawi na niya ang kamay na nakalahad sa akin na hindi ko na nagawang tanggapin. “Ahhm…It's good to see you again,” ani Kyle. Sinulyapan niya si Luke na noon ay tila gusto nang umalis. Para bang wala itong interes sa pakikipag-usap sa amin. Akmang magpapaalam na si Kyle ngunit mabilis siyang nahawakan ni Mariel sa braso. Then she gave him her most seductive smile. “My birthday is coming up. Since nagkita tayo ulit, I’d like to invite you,” ani Mariel. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob para imbitahin sina Kyle at Luke gayong hindi naman kami maituturing na magkakaibigan. “Really? Kailan ang birthday mo?” interesadong tanong ni Kyle. “This coming Saturday,” matamis ang ngiti na sagot ng aming kaibigan. Kami naman ni Melody ay nagpalitan lang ng makahulugang tinginan. “Wow! Birthday ko naman sa Friday!” malawak ang ngiting sabi ni Kyle. I can't help but notice Luke giving him a warning look. Kyle, on the other hand, just shrugged him off. “Really? Saan mo balak mag-celebrate?” Kitang kita ko nang bahagyang haplusin ni Mariel ang braso ni Kyle. “I’m leaving,” bigla ay paalam na ni Luke sa kaibigan. He didn't care if he came across as rude to us. Tumango lang si Kyle sa kaniya saka muling binalingan si Mariel. Para bang normal na lang sa kaniya ang ginawi ng kaibigan. “Sa Clover Bar. Do you know the place?” “Y-Yes,” sagot ni Mariel. Halatang hindi niya alam ang lugar. Napansin ko naman si Melody na nagtipa sa kaniyang cellphone. Malamang ay tinitingnan na niya kung saan ang Clover Bar na iyon. “Great! I hope to see you there on Friday! Punta kayo!” aya na sa amin ni Kyle. “Sure!” nakangiting sang-ayon ni Mariel. Makahulugan din ang tingin na ipinukol niya sa amin. Lalo na sa akin. “Sige ha! Mauna na ako. May next meeting pa kami ni Luke,” paalam na ni Kyle. “Pasensya na sa kaibigan ko na ‘yon. Talaga lang workaholic at suplado,” aniya na noon ay sa akin na nakatingin. “See you!” paalam pa nito kay Mariel. “Bye Kyle!” malandi ang boses na paalam naman ni Mariel dito. “What a flirt!” pairap na baling Melody kay Mariel nang makalabas na si Kyle ng restaurant. “Hah! Hindi ba dapat ay magpasalamat kayo sa akin?” natatawang sabi ni Mariel. “You!” bigla ay turo niya sa akin. “Magtrabaho ka sa Friday! Two months! Two months lang ang palugit ko sa ‘yo! Kapag hindi mo naakit si Luke ay talo ka na!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD