“Jade! Here!” Agad akong napalingon sa mga tumawag sa pangalan ko. Namataan ko agad ang aking mga kaibigan na sina Melody at Mariel na kumakaway sa akin. Awtomatikong lumawak ang pagkakangiti ko habang papalapit sa kanila. Sila lang dalawa ang sumundo sa akin dito sa airport. As usual ay busy masyado sila Mommy at Daddy. My dad is an influential politician, and my mom is an executive at an internationally recognized insurance firm.
I just got back from US. Dalawang taon din akong naglagi doon matapos kong makagraduate ng kolehiyo dahil iyon ang gusto ni Dad. Pero iba pa rin ang Pinas. I still prefer to reside here. May mga pangarap pa rin akong gusto kong tuparin dito. Dad, on the other hand, does not trust me. He said that I simply miss my glamorous life here. He is, in some ways, right. I miss all of my friends. Especially these two.
“Oh, my goodness! Look at you! You look fantastic!” bulalas ni Mariel nang ganap akong makalapit sa pwesto nila.
“Well?” nakangising sambit ko. I extended my arms, and we embraced each other. Matagal ko nang kaibigan sina Mariel at Melody. Nagkakilala kami noong nasa high school pa lang kami at mula noon ay hindi na kaming tatlo mapaghiwalay. Sa dalawang taon ko sa US ay hindi naputol ang communication namin. Updated pa rin kami sa buhay ng isa’t-isa. I know how they're doing in their careers, how many breakups they've had, where they've traveled, and so on.
“I can’t believe it! My parents don't seem to care that I've returned,” nagtatampong sabi ko nang makasakay na kami sa sasakyan.
“Jade, alam mong hindi totoo ‘yan! Tita is truly sorry na hindi ka niya masusundo. Kausap ko siya kanina and she’s really busy. Besides, biglaan ang pag-uwi mo,” pagtatanggol agad ni Melody kay Mommy. Napairap lang ako sa kaniya.
“Oo nga naman Jade! Alam mo namang busy ang parents mo. Isa pa, andito naman kami. So, where do you want to go now?” segunda ni Mariel.
“I'm exhausted, but I'm also hungry,” amin ko. Kanina ay wala akong ganang kumain kung kaya ngayon ako nakakaramdam ng gutom. Gayunpaman, di maalis sa puso ko ang sayang nararamdaman ngayon na nakabalik na ako sa Pinas. Kahit na anong tutol ni Daddy sa pag-uwi ko ay hindi na ako nagpapigil pa. Sinipat ko ang nagtataasang gusali sa labas. The fact that I am back in my home country has brought me great relief. Tama si Dad, nami-miss ko ang kumportableng buhay ko dito. Ang totoo ay may mga negosyo akong gustong simulan ngunit imposible ko iyong magawa sa US. There, competition is intense. Kung kaya dito ko balak na magsimula. With my father's connections, I can open a business with little difficulty. Mabilis kong masisimulan ang mga negosyong binabalak ko. Ang problema ko na lang ay kung paano ko siya makukumbinse. Isa pa sa dahilan sa pagbalik ko dito ay ang pangarap na hindi ko pa natutupad. Ang pagiging sikat na modelo. At least dito ay may chance ako.
“Jade, look! That's your feet!” tumatawang sabi ni Mariel sabay turo sa malaking billboard sa kahabaan ng highway. Agad akong napasimangot pagkakita sa billboard habang si Melody naman ay napabunghalit na rin ng tawa. It's an advertisement for a well-known shoe brand. Ako ang kinuha nilang modelo three years ago. Dahil iyon ang una kong project ay labis ko iyong pinaghandaan. Hindi ko naman akalain na sa paa ko lang sila interesado. Dahil doon ay naging tampulan na ako ng tukso ng dalawa kong kaibigan. Umasa kasi kaming tatlo na makikita man lang ang mukha ko sa mga printed ads at billboard na gagawin nila.
“Bakit hindi pa nila palitan ‘yan? Three years na ‘yan ah! College pa ang paa ko d’yan!” inis na sabi ko.
“I don’t know! Baka gandang ganda sila sa paa mo!” pang-aasar pa ni Mariel.
“Hey! I looked at their website, may kuha ka naman doon na kita ang mukha mo. Lalo na sa mga ads online,” pagtatanggol na sa akin ni Melody bagamat natatawa pa rin.
Bigla ay naalala ko ang pagmo-modelo na naudlot dahil sa pag-alis ko ng bansa. Hindi ko maiwasang makaramdam ng panghihinayang. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Melody at nang sulyapan ko siya ay mataman siyang nakamasid sa akin. Alam niya ang pangarap ko. Pangarap namin. Ngunit sa aming dalawa ay siya ang unti-unting nakakatupad niyon. May mga ilang projects na siyang nakukuha. I really wish I hadn't listened to my dad.
“Don’t worry. I’ll help you. Ipapakilala kita kay Miss Jogie,” pangako niya. Agad akong nabuhayan sa narinig.
“R-Really?” excited na tanong ko.
“Oo naman! Ikaw pa ba!” nakangiting sagot niya. Dahil doon ay napuno ako ng pag-asa. “Kaya lang huwag ka masyadong umasa ha? Kahit ako ay nahihirapang makuha ang atensyon niya eh!”
“Girls, we’re here,” putol ni Mariel sa usapan namin. Noon ko napansin na nasa tapat na kami ng paborito naming restaurant.
“Ah! How I miss the food here!” bulalas ko. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nagutom. Agad kaming umibis ng sasakyan at pumasok na sa loob. Sinalubong kami ng waiter pagkatapos ay kinuha ang order namin. Ilang minuto lang ay nai-serve na ang mga pagkain. I was enjoying my meal when Mariel gave me an odd stare. Her gaze then shifted to the restaurant's front door. Alam ko na agad na may mga bagong dating sa restaurant na nais niyang ituro. Maging si Melody ay naunawaan ang mga titig ng aming kaibigan. Pasimple kong nilingon ang entrance ng restaurant at halos mabulunan ako nang makilala ang mga dumating. There are two of them, but my attention is drawn to only one of them. Nang muli kong sulyapan si Mariel ay nang-aasar at malawak ang pagkakangisi niya sa akin.
It was him. Lucas. My Luke.
Hindi ko inaasahang siya agad ang makikita ko sa unang araw ko dito sa Pinas. My initial instinct was to completely ignore him. But I just couldn't. He’s my ultimate crush. The only man who ignored me. Ignore lang ba? No. He turned me down when I confessed to him three years ago. I was popular with men, but he flatly rejected me. Hindi man lang niya ako pinansin. Worse, hindi man lang nabawasan ang paghanga ko sa kaniya kahit pa alam kong ayaw niya sa akin.
Kumusta na kaya siya? Curiosity got the best of me. I gave him a slow, casual glance. He's now walking right past our table. I held my breath as I caught a glimpse of his stunning features. He still looked as dashing as ever. In fact, he appeared even more attractive now. His arrogant stare, chiseled jaw, and luscious lips na palaging nakasimangot…it's unsettling that he still makes me shiver.
Truth be told, I secretly wished he'd mature into an unattractive man! Iyong lumaki nang lumaki ang ilong niya hanggang sa hindi na bumagay sa hugis ng kaniyang labi. O bigla na lang pumangit ang mga ngipin niya. Ngunit hindi ganoon ang nangyari! Sa paglipas ng panahon, mas lalo pa siyang gumwapo!
“Ang laway mo, Jade, baka tumulo!” pabulong na pang-aasar ni Mariel sa akin. Narinig ko ang mahinang tawanan nila ni Melody. Sa reaksyon ko pa lang ay marahil alam na nilang hindi pa rin nawawala ang paghanga ko kay Luke.
“Ikaw ba naman ang si ultimate crush agad ang bumungad sa ‘yo pag-uwi mo sa Pinas,” pang-aasar din ni Melody.
“Tumahimik nga kayo! Baka marinig pa kayo! Hindi ko na siya crush! Ano ako, teenager?!” tanggi ko.
Sinulyapan ko muli ang gawi ni Luke. Naupo na siya at ang kasama sa pwesto sa tapat namin mismo. Hindi ko mapigilang muling mapatitig sa gwapo niyang mukha na tila nililok ng pinakamagaling na iskultor sa mundo. Aaminin kong kay bilis pa rin ng tib0k ng puso ko ngayon habang pinagmamasdan siya. Mukhang may mga ka-meeting siya dito. He's speaking to them with confidence. But then his gaze unexpectedly darted towards me. Marahil ay naramdaman niyang may nagmamasid sa kaniya kung kaya napatingin siya sa gawi ko. Napigil ko ang paghinga. I was caught off-guard. And I am unsure of how to react.
Should I smile at him? Ignore him?
Hindi ko na alam. Instead, I gave him an awkward smile. But his reaction embarrassed me. His brows furrowed and his lips formed a thin line, as if he was annoyed to see me. Natatandaan pa ba niya ako? Really?! Dalawang taon, ngunit tila inis pa rin siya sa akin? Bakla ba siya? Sinulyapan ko ang mga kaibigan. Sigurado akong nakita din nila ang naging reaksyon ni Lucas pagkakita sa akin.
What the hell?! May problema ba siya sa akin?