1
“One more of this please,” nakangisi kong sambit sa waiter na agad naman akong binigyan ng hindi ko na mabilang na tequila.
Ngumiti sa akin ang waiter na nginitian ko din ng pahapyaw, kukunin ko na sana ang tequila ng biglang nagsalita ang waiter.
“Bigay ni Sir iyan,” turan niya.
Lumingon ang waiter at tinuro ang isang lalaki na nakaupo sa kabilang banda ng bar counter. Sumunod naman ang tingin ko sa tinuro niya at agad kong nakita ang lalaki dahil nahuli niya agad ang mata ko.
He smiled at me and sipped his glass.
“Thanks.”
Dahil sa hindi naman niya ako marinig dahil sa lakas ng tugtog sa bar ay minimic ko na lang ang salita sa bibig ko bago ko muling binalik ang atensyon sa tequila ko.
Pagkatapos kong sinimsim ang tequila ay tumayo ako at naglakad papunta sa direksyon ng lalaking mukhang interesado sa akin. Mula ng magsimula akong uminom ay napansin ko na ang pagtingin niya sa akin, he just stared at me the whole time.
Hindi ako sigurado bakit hindi n’ya ako nilalapitan lalo na ng nag-offer na siya ng inumin sa akin. Ako pa ba ang inaantay niyang lalapit sa kanya? O kaya nahihiya siya?
Fine, ako na ang mag-aadjust para sa lalaking ito.
Ako na lang ang lalapit sa kanya kung hindi niya ako kayang lapitan. Or maybe this is part of his strategy, na ang babae dapat ang unang lumapit sa kanya?
Alam kong tinamaan na ako ng alak pero diretso pa naman kahit papaano ang pag-iisip ko. Siguro binigyan lang ako ng lakas ng loob ng alak para naman nakakaya kong gawin ang paglapit sa isang lalaking hindi ko naman kilala.
Siguro kung wala akong nainom ngayon ay baka hindi ko pa bigyan ng pangalawang tingin ang lalaking ito. Dahil masyado akong walang tiwala sa mga lalaki lalo na iyong parating napupunta sa bar. I just don’t think that they’re up to good.
Nakatayo na ako sa likuran ng lalaki pero hindi niya pa rin ako nililigon kaya agad kong kinalabit ang likuran ng lalaki gamit ang hintuturo ko.
“Hi,” masigla kong bati sa kanya ng lumingon siya sa akin.
A smile automatically appeared on his face when he saw me. Ngayong malapitan ay natitigan ko ang mukha niya ng mas maayos, kanina kasi medyo malayo siya sa pwesto ko kaya ngayon kahit ilang segundo lang ay agad ng pumasok sa isipan ko kung gaano ka pogi ang lalaking nasa harapan ko.
“Hello,” pagbalik niya sa bati ko.
Hindi ko binuka ang bibig ko dahil inantay ko na siya na ang umayang makipagsayaw sa akin dahil ako na ang unang lumapit sa kanya. Siguro naman ay aayain niya ang babaeng nakakuha ng interes niya, kung hindi niya ako aayain ngayon ay mapapahiya lang ako sa sarili ko.
Kung tutuusin nga ay ito ang unang pagkakataon na ako ang unang nag-aya sa isang lalaki pagkatapos ay mukhang marereject pa ako ng lalaking nasa harapan ko ngayon.
“Well?” turan ko sa kanya.
Halata na sa boses ko na nawawalan na ako ng pasensya sa pag-aantay. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa lalaki.
“Well, what?” naliito pang tanong ng lalaki na kinaikot ng dalawa kong mga mata.
Hindi ko alam kung napansin niya ang pag-ikot ng dalawa kong mata pero mukhang napansin niya. Napadako kasi ang tingin ko sa kanya ngayon, iba na ang ekspresyon ng mukha niya na para bang natutuwa siya sa kinikilos ko. Kakaiba ang kinang ng mga mata niya at ganoon din ang kakaibang pagkakangisi niya.
"I can't believe you," pagkatapos kong magsalita ay kinuha ko ang kaliwa niyang kamay at pinagsalikop sa kanan kong kamay sabay hila sa kanya.
"Wha--" hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin niya ng pinutol ko ang pagsasalita niya.
"Tara, mag-sayaw tayo,” masigla kong sigaw habang hila-hila ko siya sa dance floor.
Medyo marami ang tao sa club kaya naman ay crowded na crowded ang buong club lalong lalo na ang dance floor. Lahat ng taong nasa loob ng club ay nag-eenjoy sa pagwawalwal sa buhay nila.
Napasinghap ako ng biglang hapitin ng lalaki ang katawan ko kaya naman ay napasandal ako sa malapad niyang katawan. Hindi ako makapaniwalang napakatangkad pala ng lalaking nasa haraan ko dahil napakawalang kwenta ng five inches heels na suot ko ngayon. Mukha pa rin akong dewende sa mga mata ng lalaking ito.
Bukod sa lalo niya akong hinapit sa katawan niya ay pinulupot niya ang dalawa niyang kamay sa may itaas ng bewang ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ng maayos dahil tanging ang palalaki niyang amoy ang siyang nasisinghot ng aking ilong.
He smells heavenly, hindi ako mapaniwalang may lalaking ganito kabango. Though, ito ang unang pagkakataon na makatabi ako sa isang lalaki. Ang inaakala ko kasi ay amoy siya usok na galing sa mga sigarlyo at alak. Pero kung gaano siya kagwapong lalaki ay ganoon din siya kabango.
"How can you smell so good?" malakas kong turan habang nakadantay ako sa dibdib niya. Narinig ko ang malakas niyang pagtawa habang sinasayaw niya ako.
Slow dance ang sinasayaw naming dalawa dahil biglang naging mellow ang tugtog na naging pabor sa akin, mas maamoy ko pa ng matagal tagal ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Thanks for the compliment, love." Pagbulong niya kaya napakislot ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa likod ng aking tenga.
How can he say the word ‘love’ so sexily?
Mabilis na natapos ang tugtog at napalitan ng isang malanding tugtog kaya muling nabuhay ang mga tao at nagsimula sumayaw ng wild.
Napangisi naman ako ng bigla kong naisip na ilabas ang wild side ko sa lalaking nasa harapan ko, siguro dahil talaga sa epekto ng alak kaya ganito kalakas ang loob ko para umakto ng ganito.
Sinimulan kong igiling igiling ang katawan ko sa katawan ng lalaking nasa harapn ko ngayon. Naramdaman ko ang na medyo nanigas ang katawan niya lalo na ang ibaba niyang katawan na kinangisi ko lalo. Agad siyang naka-recover at sinabayan ang katawan ko sa pagsayaw.
Tumingala ako ng kaunti para makita ang ekspresyon niya dahil kahit papaano ay naaninag ko naman ang mukha niya dahil sa mga nagkikislang ilaw dito sa dance floor. Napalunok naman ako ng makita ko ang pagnanasa sa mga mata niya habang nakatingin sa aking sumasayaw.