11

1022 Words
Nag convoy kaming dalawa ni Sam papunta sa isang high end bar. AT pagkadating namin ay mabilis niya ako hinila papasok sa loob na kinaikot lang ng dalawa kong mnata. Hindi ko talaga alam kung saan nakuha ni Sam ang energy niya para magbar pa pagkatapos ng nakakagod naming trabaho, Hinayaan ko na siyang akayin ako papunta sa loob ng bar. Agad kaming hinanapan ng waiter ng isang available table sa may itaas na banda ng bar. "Sige na, magsayaw ka na at susunod na lang ako dahil magpapalit pa ako nito," sambit ko sa kanya na kinatingin niya sa akin. "Ayaw mo bang samahan kita?" tanong niya sa akin na kinailing ko. "Wag na susunod na lang ako sa iyo," turan ko. Tumango naman si Sam at tumayo na para pumunta sa dancefloor kung saan nagkakasayahan ang mga tao. Napahinga naman ako ng malalim at naglakad na papuntang banyo kung saan ako pwedeng magpalit ng damit. Napaisip akong hindi na sana magpalit ng dmait kasi wala naman akong planong sumabayaw at makihalubilo sa ibang tao pero iniisip ko si Samantha at baka magtampo sa akin. Mabilis kong napalitan ang damit ko at ganoon an din ang suot kong sneakers. ANg mga suot ko ay finold ko ng maayos at nilagay sa dalawang paper bag. Lumabas na ako sa pasilyo ng banyo at naglakad papunta sa may malaking salamin para tignan ang repleksyon ko. Tinanggal ko ang nakaipit kong buhok na umabaot lang hanggang balikat ko at siklay iyon gamit ang kamay ko Mabuti na lang at natural na straight at manipis ang buhok ko kaya hindi ako nahihirapan kahit hindi ito sinusuklay parati. Kinuha ko naman ang dinala kong lipstick sa paper bag na kulay pula at nilagyan ng kaunti ang labi ko para naman kahit papaano ay may buhay ang mukha ko. HIndi na kasi ako naglagay ng iba pang kolorete o abobot sa mukha. Sa tingin ko ay sapat na ang isang simpleng lipstick para maayos ang mukha ko. Pagkatapos kong masatisfy sa mukha ko ay lumabas na ako ng banyo at naglakad papunta sa mesa naming dalawa ni Sam. Napansin kong iniwan niya lang ang clutch bag niiya sa mesa na kinailing ko. Tiwalang tiwala talaga ang babaeng iyon na walang kukuha sa gamit niya. Binaba ko ang dalawang paper bag sa mesa namin at naupo na, napasandig ako sa pagkakaupo ay inooserbahan ang mga taong dumadaan. Pansin ko lang na halos lahat ng babae rito ay puro may kasamang lalaki. Napapailing na lang ako habang nakatingin sa suot nilang sobrang iksi.  Kung maiksi ang suot ko ay may maiksi pa ang suot nila sa akin kaya napapisip ako kung bakit pa sila nagdamit kung ayos lang naman sa kanila na halos ipakita ang mga singit nila. "Good evening Ma'am, your drinks," sambit ng isang waiter na bigla bigla na lang sumulpot sa tabi ko at nilagyan ako ng dalawang ladies drink sa harapan ko. "Wala akong maalalang umorder ako nito," turan ko sa waiter pero bago pa magsalita ang waiter ay naalala ko na baka si Sam ang umorder para sa akin. Tinanguan ko na lang ang waiter na hindi na nagsalita pagkatapos na binaba ang drinks ko. Agad kong sinimsim ang isa kong inumin habang nakatingin sa mga tao. Naisip kong maglasing nagyon pero pabago bago ang desisyon ko dahil napapaisip ako na baka ano na namang gawin ko. Last time kasi na naglasing ako ay binigay ko sa isang estranghero ang virginity ko. "I told you that we will see each other again," halos mapatalon ako sa bigla ng mapatingin ako sa biglang nagsalita sa tabi ko. Akala ko ay isang aparisyon ang lalaking nasa isipan ko lang kanina at ngayon ay nasa tabi ko na. "Why are you here?" pagtatanong ko sa kanya habang pinapakalma pa ang puso kong nabigla. Napatingin naman ako sa lalaki at napakunot ang noo ko dahil hindi ko lubos maisip na muli pala kaming magkikita ngayon. "Ahm-- I'm here because I'm the owner of this bar?" Patanong niyang sambit sa akin na para bang hindi pa siya sigurado pero nagmumukhang sarcastic ang pagsasagot niya sa tenga ko. "Huh? You're the owner?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya sabay hawak ng noo ko. "Yeah, I invited your friend earlier. Today is my bar's grand opening so your tab's on me." Napagat ako sa aking labi habang naririnig ang sinabi ng estrangherong lalaki sa tabi ko. Hindi ako makapaniwalang si Sam pala ang may kasalanan kung bakit nagtagpo na naman ang landas namin ng lalaking ito. Pumasok sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Sam kanina tungkol sa paghingi niya ng paumanhin sa akin kahit wala siyang kasalanan. So this is what she was talking about. Umusog ako ng upo ng maramdaman kong masyado siyang malapit sa akin. Pero kada usog ko ay umuusog din siya kaya parang walang nangyari. "What do you want?" naiirita kong tanong sa kanya habang pinipilit ang sariling hindi tumingin sa kanya. Malakas kasi ang pakiramdam ko na muli akong maaakit ng lalaking ito lao na ngayon at pumapaosk sa ilong ko ang kakaibang amoy niya. Maybe its his perfume, it smells so masculine and minty. Noong unang gabi naming dalawa ay ganitong amoy na ang naalala ko sa lalaking ito. Ang fresh at ang bango ng datingan niya kaya lalo siyang nagiging irresistible. "I don't know, maybe -- you?" Pagsagot niya sa akin habang maalapit ang mukha niya sa mukha ko. Napasinghap naman ako habang nagkakatitigan kaming dalawa. Sa utak ko ay parang may naririnig akong nag wawang wang na para bang nasa isa na akong mapanganib na sitwasyon pero hindi ko iyon inalintana. Dahil katulad ng nangyari sa akin kanina ng magkasama kaming dalawa sa isang kuwarto ay unti-unti na namang nawawala ang tama kong pag-iisip. "S-stop." pagpipigil ko sa kanya. Pilit kong inalabanan ang atraksyon ko sa kanya, kung ano mang tawag sa nararamdaman ko. Tumayo ako at naglakad palayo pero bago pa man ako makalayo ay naramdaman ko ang pagkuha niya ng kamay ko at paghila sa akin sa dance floor. Lumingon siiya sa akin at ngumiti. "Lets dance," turan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD