"Wala ako masyadong oras ngayon kaya kailangan mabilis lang tayong dalawa tsaka kukunin ko pa ang kotse ko," sambit ko sa kanya habang nagmamaneho siya papunta sa restaurant na sinasabi niyang kakaininan namin. "Ilang oras lang ba ang lunch break mo?" tanong niya sa akin. "Isang oras plus I have a lot of patients to check to," sambit ko naman sa kanya. Totoong isang oras lang ang lunch break namin pero syempre pwede ko naman iextend ang oras na wala ako sa ospital. Hindi ko na lang binago ang sinabi ko dahil baka biglang saan pa kami magpunta at saan pa kami umabot. "I see," sambit niya bago napatingin sa orasan. " Then sa susunod na lang kita ililibre sa restaurant na sinasabi ko. Daan na lang tayo sa isang fast food chain dahil anong oras na," sunod niyang turan at pinakanan na ang sa

