~Mason~ Kinabukasan ay nagising ako na mag-isa sa kama na wala si Heaven sa pwesto niya. Kahit inaantok pa ay pinilit kong bumangon para hanapin kung nasaan siya. Tiningnan ko ang loob ng banyo pero wala akong nakita na bakas niya kaya naman naisipan ko na lumabas ng kwarto para siya ay hanapin. Inaasahan ko pa naman na magigising ako na siya ang una kong makikita pero wala na pala siya sa tabi ko. Ang aga niya rin magising ngayon at ng iwan pa talaga. "Oh, gising ka na pala, Mason, hijo," sambit ni sister Dina na unang bumungad sa akin ng makababa ako. "Good morning, Sister. Nakita niyo bang bumaba si Heaven? Wala kasi siya sa tabi ko ng magising ako." "Oo bumaba na siya kanina pa. Nagtataka nga ako dahil madilim pa, eh, gising na siya." Bigla naman kumunot ang noo ko sa sinabi niya

