~Mason~ Dinala ko si Heaven dito sa Angels of Orphanage rito sa Antipolo para i-donate na lang itong perang binigay ng asawa ko sa kanya. Para naman magmukhang totoo rin ang kasinungalingan namin kanina. Naibigay na rin namin sa head sister nitong orphanage ang pera at laking pasasalamat nila dahil sa biyayang ibinigay namin sa mga batang narito. Hindi na muna nila kami pinauwi para samahan sila maghapunan mamayang alasais kasama ng mga bata bilang pasasalamat nila sa amin. Alastres na rin ng hapon kami nakarating dito at pinaunlakan na lang namin ang hapunan nila dahil pareho naman kaming walang lakad. Nandito kami ngayon ni Heaven sa likod ng bahay, kasama ng mga bata. Nakaupo ako rito sa bench habang pinapanood siya na nakikipaglaro sa playground at ngayon ko lang nalaman na mahilig pa

