Kabanata XVI

1859 Words
~Lucy~ "Do you like the room?" tanong ni Mr. Hann at isinara ang pinto. "Kwarto mo ba talaga ito? Bakit parang pambabae naman ang style nito?" "I just love the idea of this," sagot niya na ngayon ay nagtatanggal nang sapatos sa mahabang sofa. "Kung hindi ko lang alam na lalaki ka ay baka isipin kong bakla ka," sambit ko at natigilan ako ng makita ang isang malaking portrait na nakadikit dito sa pader. Isa itong painting na may malaking bundok na nagyeyelo at sa tuktok nito ay may lalaking may hawak na kulay yellow na flag. Hugis tatsulok ito at naiisip ko sa likod ng painting na ito ay winawagayway nang lalaki ang flag na hawak. Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil balot na balot ito para malabanan ang malamig na dala ng lugar. "Ikaw ba ito?" tanong ko at sumulyap sandali sa kanya na ngayon ay nagpapahinga sa sofa. "Yea, it's me five years ago. It was taken in Mt. Fuji and that is the first mountain I climbed in my life." sagot niya. "Oh? Wala ka bang kasama na umakyat dito? Sino naman kumuha ng litrato sa'yo?" "It was my cousin Hakashi." "Kinunan ka ba niya sa kabilang bundok? Ang ganda kasi ng pagkakakuha rito." Muli kong binalingan ang painting. "He was in the helicopter the mo–" "Helicopter?! Baka naman pinagloloko mo ako?" Pinutol ko ang sasabihin niya. "Baka naman sumakay ka lang sa helicopter tapos ibinaba ka ng pinsan mo riyan sa tuktok ng Mt. Fuji?" Dagdag ko pa. Binigyan niya ako ng tingin na hindi makapaniwala at tumayo ito, hawak ang isang sintido. "You are talking none sense. Why would I do that, hmm?" Seryoso na tanong niya. "Do you know how much effort I putted just to reach the peak of the Mt. Fuji, huh? And you are just going to say such things like that?!" "So-sorry na. Nagbibiro lang naman ako, eh. Atsaka malay ko ba? Wala naman akong alam sa kung ano talaga meron sa painting na 'to," paumanhin ko at para akong batang pinagalitan ng nanay sa sobrang liit ng boses ko. "Exactly! You don't have any idea. You should have think carefully before you said those words. It insulted me." Tiningnan niya ako nang masama matapos sambitin ang huling salita na may diin. "Sorry na nga, eh." "If you still don't believe me, you can check my social media accounts. Everything is documented there." "Okay, okay, papanoorin ko mamaya. Kumalma ka na. Masyado ka namang seryoso," sambit ko at hindi ko alam kung naririnig niya ba ang mga sinasabi ko. Napabuntong-hininga siya. "I just need some air." Sambit niya at iniwan na ako na mag-isa rito sa kwarto. Napabuntong-hininga na lang din ako habang nakatingin sa pinto kung saan siya lumabas. Parang nagbibiro lang naman ako sineryoso na niya. Hindi pala pweding magbiro sa lalaking ito. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa portrait at pinagmasdan pa ito ng ilang minuto hanggang sa magsawa na ako. Medyo hindi na rin ako komportable sa suot kong pantalon dahil sa kasikipan nito. Sobrang fit kasi nito sa akin. Hinanap ko kung saan inilagay nang maid ang backpack ko pero nalibot ko na lang lahat ng sulok dito sa kwarto ay hindi ko ito nakita. Pati nga sa ilalim ng kama at banyo ay tiningnan ko kung doon niya inilagay. "Nasaan na ba ang backpack ko?" tanong ko sa hangin habang nakaupo rito sa sofa. "Miss Lucy may dala po akong pagkain," sambit ni Cindy mula sa labas ng kwarto. Mabuti na lang ay dumating siya! Tumayo na ako para pagbuksan siya at bumungad sa akin si Cindy na may dalang tray ng pagkain. Hindi ako pamilyar sa kung anong tawag sa pagkain na dala niya maliban sa orange juice na nasa baso. Sa itsura pa lang ng pagkain ay alam mo ng Japanese food ito pero hindi ito sushi na tanging alam ko lang na pagkain ng mga Hapon. "Ilagay mo na lang 'yan sa lamesa," sambit ko at pinapasok siya, "Nga pala, nakita mo ba si Yumiko sa ibaba?" tanong ko ng maisara ang pinto. "Nasa library po ngayon si Mr. Hann at kung balak niyo po siyang puntahan doon ay huwag niyo na pong balakin, Miss Lucy," sagot niya matapos ilapag sa lamesa ang pagkaing dala. "Hindi ko naman siya pupuntahan. Nagtatanong lang ako pero bakit? Curious ako." Naglakad siya palapit sa akin dito sa may pintuan, hawak ang tray na pinaglagyan niya ng pagkain. "Kapag po kasi ganoon na wala sa mood si Mr. Hann ay gusto niya mapag-isa at ayaw niya magpaistorbo." Paliwanag niya. "Hintayin niyo na lang po si Mr. Hann na makabalik dito, Miss Lucy." Tumango ako. "Okay." "Mauuna na po ako at may gagawin pa ako sa ibaba." "Teka, Cindy!" Pigil ko sa kanya ng akmang lalagpasan niya na ako. "May kailangan po kayo, Miss Lucy?" "Iyong backpack ko kasi na kinuha nang kasama mo kanina, hindi ko makita kung saan niya inilagay rito. Baka pwedi pakitulungan akong hanapin o tanungin mo 'yong kasama mo kung saan niya inilagay?" "Baka po sa wardrobe niya inilagay 'yong backpack niyo, Miss Lucy," sagot niya na ikinatanga ko. "Anong wardrobe ba iyan? Nandito ba 'yan sa kwarto?" takang tanong ko. Natawa siya ng bahagya. "Ang wardrobe po ay parang closet din po pero isang buong kwarto po siya kung saan nakalagay ang lahat ng damit niyo ni Mr. Hann." Paliwanag niya. "Ahh, pero teka, anong sabi mo? Damit namin?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. "Opo, Miss Lucy, maraming inorder na damit si Mr. Hann para sa inyo noong kinabukasan matapos ang pageant," sagot niya, "Hindi niya alam ang taste mo sa damit kaya nag-decide siyang bilhin lahat ng klase ng damit para may mapagpilian kayo pagdating niyo rito," paliwanag na naman niya, "Baka sa wardrobe nailagay ni Ruby ang backpack niyo, Miss Lucy. Buksan niyo lang 'yang katabing pinto ng banyo at iyan na po ang wardrobe niyo ni Mr. Hann." "Okay, salamat. Sige na baka nakakaabala na ako sa gagawin mo. Ako na lang ang titingin sa wardrobe na sinasabi mo," sambit ko at ako na ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Nang ako na lang ulit ang mag-isa rito sa kwarto ay nilantakan ko muna ang pagkain na inihatid ni Cindy. Masarap naman itong Japanese food na dala niya iyon nga lang ay walang masyadong lasa. Pagkatapos kong kumain ay naglakad na ako papuntang sa katabing pinto ng banyo. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at hindi ito naka-lock kaya binuksan ko na ng tuluyan. Awtomatiko ulit na bumukas ang ilaw sa loob at bumungad sa akin ang mga iba't-ibang klase ng damit, sapatos at bag. Halatang mga bago pa ito sa amoy pa lang. Nakita ko na ang backpack ko sa pink na sofa na nasa gitna nitong kwarto. Dito lang pala inilagay ng maid ang gamit ko! "Ang laki naman dito." Isinara ko muna ang pinto at nilapitan ang gamit ko. Binuksan ko ang backpack ko at kinuha ang picture frame namin na magkakasama. Inilapag ko ito sa lamesang maliit na nasa harap ko. "Ang ganda ng pwesto natin diyan." Sambit ko habang pinagmamasdan ang litrato namin. Tumayo ako at inilibot ang paningin ko sa buong paligid. Parang isang shopping mall ng mga damit, sapatos at bag ang wardrobe na ito. Halos lahat ng nakikita ko rito ay puro pambabae at wala akong makita na panlalaki. Nasaan ang mga gamit ng lalaking iyon? Nang mapansin ko ang naglalakihang cabinet sa magkabilang gilid ko ay lumapit ako para masilip ang loob nito. Una kong nilapitan ang mahabang cabinet na nasa kanan ko. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang mga damit na panlalaki at ngayon alam ko na kung bakit wala sa labas ang mga damit niya. Sunod na binuksan ko ang mahabang cabinet na nasa kaliwa ko at bumungad sa akin ang iba't-ibang sapatos, bag at mga subrero. Mayroon din mga relo at sa tingin totoong mga gold ito. Iba talaga kapag mayaman! "Hey! Nandito ka lang pala." "Ay, palaka!" Napatalon ako sa gulat ng mapagtantong nasa harap ko si Mr. Hann. Hindi ko siya agad napansin ka pumasok dahil sa iniisip ko. "Kanina ka pa ba riyan?" Tanong ko at naglakad patungo sa lamesa para itayo ang picture frame. "Yea, I'm sorry if nagulat kita," tugon niya at naglakad palapit sa akin, "What is that?" tukoy nito sa picture frame na ipinatong ko sa lamesa. "Picture lang namin iyan," sambit ko, "Noong buo pa kami." dagdag ko. Ilang minuto munang pinagmasdan ni Mr. Hann ang picture frame na hawak bago niya ito inilapag nang maayos sa lamesa. "I heard what happened to your family. It was included in your background that's why I know." Sambit niya. "And I'm sorry for your lost, Lucy." "Bakit ba kayo sorry ng sorry kapag namamatayan ang isang tao? Hindi naman mababalik ng sorry ang mga nawala sa amin," tanong ko sa kanya at pinilit ko na maging kalmado ang boses ko dahil naiinis ako. Ewan! Basta naiinis lang ako sa tuwing may nagso-sorry. Hindi naman kasi talaga mababalik, eh! "I don't know the exact answer in your question but I just said it because I lost mine too. I know what it feels like to be alone," sagot niya at naupo sa sofa, "Don't be feel bad about it, Lucy." Naupo ako sa tabi niya. "Sorry hindi ko lang kasi matanggap na ganoon ang nangyari." Sambit ko habang ang mga mata ko ay nakatingin sa masayang litrato namin na magkakasama. "Hindi ko lang matanggap na wala na sila. Sa katunayan nga kaya ako sumali sa pageant na pakulo mo ay nagbabakasakali ako na kapag napili mo ako malulutas ang kaso ng kapatid ko." Pag-amin ko sa kanya. "Hmmm, paano mo nasabing malulutas ang kaso ng kapatid mo kapag ikaw ang pinili ko?" tanong nito, "Ngayong ikaw ang pinili ko do you think na malulutas?" "Kasi parang wala namang ginagawa iyong may hawak sa kaso ni ate. Pakiramdam ko ay hindi niya ginagawa ang trabaho niya kasi mahirap lang kami," sagot ko at ikinuyom ang isang kamay ko, "Siguro kapag yumaman ako at naglabas ng pera baka sakaling mapabilis ang pagtatrabaho sa kaso ng ate ko. Malalaman ko na kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ng ate ko. Naiintindihan mo ba ako?" sinulyapan ko si Mr. Hann na seryosong nakikinig sa akin, "Hindi ako naniniwalang namatay ng ganoon lang ang ate ko. Nang dahil sa nangyari nawala rin si mama sa akin at nawala na rin ang scholarship ko na ilang taon kong pinaghirapan sa eskwelahan." "I get what you feel, Lucy. But you talk like you are going to revenge," tugon niya, "Kapag nalaman mo kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ng ate mo, ano ang gagawin mo? I'm sure na tumatakbo ngayon sa utak mo na maghihiganti ka." "Sabi nga nila, kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay." Ngumiti ako ng mapakla. "Pero hindi tinapay ang gusto kong ibato sa kanila kundi granada. Mas doble ang ipaparamdam kong paghihirap sa kanila kaya huwag silang magpapahuli."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD