Nandito ako sa labas ng hospital. Naghihintay kung ano sitwasyon ni Nathan. Hindi ko pa nakausap si Gertrude. "Daphne." Lumingon ako sa aking likuran. Si L.A. Pilit akong ngumiti rito. "How are you?" mahinang tanong ko sa kaniya. "Can we talk?" Aniya na parang pagod ang mukha niya. "Already." walang ganang sagot ko sa kaniya. Napabuntong hininga naman ito. "Kailan mo pa nalaman ang tungkol kay Leighton at sa asawa ni Quatro?" diin na tanong niya sa akin. "Four days ago." diretsong saad ko sa kan'ya. Tiningnan ko si L.A. Namumula ang mga mata niya. "So alam mo na pala." saad ko. Hindi ito sumagot. Huminga ako ng malalim. "Come with me." saad ko sa kaniya. Sumakay ako sa aking Ducati at pinatakbo ito ng mabilis. Nakasunod naman si L.A sa akin na nakasakay rin sa kan'yang Ducati.

