"Wait me here," saad ko kay Nathan. Panay naman buntong hininga niya. "Paano kung mahuhuli ka! Alam mong full of security ang office ni Vice President Velasco." galit na saad ni Nathan. Matamis akong ngumiti sa aking bestfriend. "Hindi ako basta-basta susugod na hindi nakaplano ang lahat. Huwag ka mag-alala babe, sanay na ako kay kamatayan," saad ko at bumaba na sa kotse. Humarap ulit ako kay Nathan. "I-connect ko ulit ang camera, bantayan mo ang bawat sulok, hack the camera's especially sa office ni Vice President Velasco." Tumango naman si Nathan at inayos ang laptop na dala-dala niya. Mamaya i-connect ko ang mga CCTV sa loob. Meron na akong isang tauhan na nakapasok na sa loob ng opisina ni Vice President. Nakasuot ako ng damit ng janitress. Habang papasok ako sa loob ng malaking

