"Hindi ka basta-basta makakapasok sa mansion ni Damon Coloner!" aniya ni Nathan sa akin. Tinaasan ko lang ito ng kilay. "Hack mo lang ang CCTV, thirty minutes, lalabas na agad ako. Hintayin mo lang ako sa dito, huwag ka ng sumama," saad ko rito. "Tigas ng ulo mo Daphne! Paano kung mahuhuli ka niya or ng mga anak niyang lalaki!" Sigaw sa akin ni Nathan na labas na ang ugat sa leeg. "Si Dos? Si Alas? Ang mga bobo iyon." natatawang saad ko. "Bahala ka nga! Anong oras ba?" "Mamayang ala-una ng madaling araw." saad ko at pumunta sa computer ni Nathan. May mga secret cameras ako nakalagay sa bahay ni Tito Damon. Noong nakaraang birthday ni Tita Mary, sumama ako pumunta kay Mommy at doon ko ginawa ang paglagay ng mga camera at naka-connect sa computer ni Nathan. Malaki ang mansion. Ang ta

